Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! 😇
Bago ko simulan ang aking panibagong repleksyon sa isa na naman sa napanuod kong video dito sa MCGI YouTube Channel, taus puso akong bumabati ng masaya ang mapayapang araw sa ating lahat at lalong lalo na sa lahat ng mga taon nasa likod ng community na ito, sa lahat ng admin at moderators at lalong lalo na sa ating Panginoong Dios na Siyang may akda nang lahat ng ito, para sa Dios lang ang lahat ng papuri't pagsamba.
Ngayong nga na ito ay ibabahagi ko ang aking repleksyon sa topic na merong title na, "Papaano ako makakatiyak na ako ay maliligtas?".
Dito sa mundo natin upang tayo ay makakapaghanap ng magandang trabaho kailangan nating mag-aral ng mabuti o kaya ay pag-aralan ng mabuti ang mga gawain na ipinapagawa sa atin.
Tulan na lamang sa ating pag-aaral sa paaralan, hindi tayo makakatapus kung hindi natin maipasa ang mga aralin na itinuturo sa atin ng ating mga guro kaya para maka siguro tayo na makapasa tayo ay kailangang master natin ang ating mga subject at kung matapus natin ang ating pag-aaral ng mabuti tiyak na maganda ang ating kinabukasan.
Ayon nga sa naibahagi ni Bro. Eli sa kanyang na experience sa kanyang guro na upang makapasa siya sa mga exams ay pinag-aralan niya ng mabuti ang mga topic na tinuro sa kanila at kung minsan pa nga ay nag-advance pa ito ng pag-aaral kahit na hindi niya subject, kaya tiyak na makakasapasa siya at merong malaking marka.
Para naman sa tanong na kung Paano ako makakatiyak na ako ay makaligtas?, isa lang ang sagot dito, kailangan nating alam ang aral ng Dios, ang Kanyang salita, ang kanyang Evangelio.
|
---|
Tanging paraan upang makakasiguro tayo sa ating kaligtasan ay kailangan nating alam at pag-aralan ng mabuti ang Evangelio ng Dios, kailangang magkaraon tayo ng pagmamahal at pagtitiyagang pag-aralan ang Salita ng Dios, ang kanyang Evangelio. Ang pag-iingat natin at pagsunod sa mga aral ng Dios yan ang nagbibigay kasiguradohan ng ating kaligtasan.
|
---|
Halimbawa ng aral na itinuro ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay ang maki-anib tayo sa mabuti, kapootan natin ang masama, makianib tayo sa mabuti dahil dito matutunan natin ang kabutihan ng Dios. Ang tanging gusto lamang ng Dios ay ang mapunta tayo sa buti at ng malaman natin ang katutuhanan mula sa Dios at makakasiguro tayo sa ating kaligtasan.
Marami man tayong mga bagay na dapat malaman sa mundong ito lalo na sa ating mga pang araw-araw na pamumuhay, pero ating tatandaan na dapat nating bigyang kabulohan at panahon ang pag-aaral ng mga aral at Salita ng Dios upang malaman natin ang katutuhanan at kasiguraduhan ng ating kaligtasan sa Dios.
Masasabi ko rin sa aking mga natutunan sa lahat ng aking napakinggan na upang makasiguro tayo ng ating kaligtasan, kailangan unahin natin ang Dios sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanyang mga aral at mga Salita, dahil higit sa lahat ito ang pinaka importante sa lahat dahil pansamantala lamang tayo sa mundong ito, ang ating higit na bigyang pansin ay ang ating buhay sa itaas kasama ang Dios, at magagawa lamang natin to kung unahin natin ang Dios sa ating mga buhay.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Papaano ako makakatiyak na ako ay maliligtas?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.