
Sa bawat talata ng mga pahina
Kung saan nakaulat ang tapos na
Naitala, mga kwentong kay ganda
Ngunit hanggang do’n na lang kaya?
Pilit kalimutan ang bakas ng pagkawala
Ang sakit ng kahapong hindi ka kasama
Hindi na alam kung saan pa mag-uumpisa
Kung sa bawat araw ramdam ang pangungulila.
Mula sa mga mensaheng ‘kumusta ka?’
Na sa aki’y nagbibigay ng pag-asa
Mga habilin mong ‘Mag-ingat ka’
Na siyang nagpapaalala na ako sa’yo ay mahalaga
Hanggang sa tahimik at malungkot na umaga
Na kahit sa pagsikat ng araw ako’y naluluha pa
Tila’y isang malaking alon
Di na alam kung paano makakaahon.
Masama ba ang humiling sa May Likha?
Na sana kahit sa huling sandali maramdaman mong mahal kita?
Maibabalik pa ba ang kahapon?
Para ang mga maling bagay ay siyang ating ma i-ayon?
Kung batid ko lang ang mga mangyayari,
Sana’y nayakap kita sa mga huling sandali.
Pero kahit isigaw ko pa na
gusto kita, mahal kita,
Wala nang silbi ang mga salita.
Dahil kahit humiling ng isang huling sandali
Hindi na pwede pang mangyari.
Ang tanging magagawa ay mapait
na titigan ka
Habang ika'y payapa nang nagpapahinga.


photo credit to: canva app
edited in: canva app
written by: @joreneagustin
This is so sad ಠ﹏ಠ, you can't do anything about it coz they're gone, and for good. Aigooooo. Nawat's naiparamdam mo ang pagmamahal mong wagas bago siya tuluyang namahinga.
Masakit po talaga, habang sinusulat ko po dama ko yong lungkot... pero work of fiction lang po siya. Maraming salamat po sa pagbabasa ng tula, Ma'am @ruffatotmeee. 🤗
But I am sure lots of people already experience the pain, ng maiwanan, and they can't do anything about it -coz life is just hiram lang ಠ﹏ಠ
That's real po, and I feel sad for them. But it's also a lesson for us to enjoy every moment with our love ones, appreciate, and always show our love for them :>
Thank you so much! @hivepakistan