Sadyang Kay Lupit Ng Tadhana (Spoken Poem)

in Pilipino11 months ago (edited)

image.png

May mga panahon na tayo ay nanilay-nilay sa mga pangyayari sa ating buhay
Lalo na sa mga pagkakataong ang puso ay nalulumbay
Ako ay humayo papalayo sa aking lupang sinilangan
Upang makalimutan ang mapait na karanasan bunga ng karahasan

Ako ay muling nag-aral upang makipagpaligsahan
Sa daloy ng magulong syudad
Na aking hinahangad
Nang ikaw ay nakilala bunsod sa isang pangangailangan
Na kailangan kong magampanan
Oo, kailangan ko ng kapareha
Para sa isang misa
Nang tayo ay naglakad sa gitna ng bulwagan
Sabi nila ang kisig mo raw, para akong naglakad sa ilalim ng buwan

Nauwi sa mabuting kapalagayan
At tayo’y naging magkasintahan
Na nauwi sa isang kasalan
Ang ating tuwa ay walang mapagsidlan
Binigyan tayo ng limang supling
Na lagi kong nakakapiling

Dumating ang panahon
Sa dapithapon
Sa tuwing ikaw ay aalis
Ako ay tumatangis
Puso koy nalulumbay, nalulungkot
Parang isang bangungot
Dahil sa mga Eba na sadyang mapang-akit
Aba, ang mga mata mo ay biglang lumagkit?

Di ko na isinaalang-alang
Ang iyong mga kasinungalingan
Dahil mahal kita
Kaya di ko nakita
Pilit pa ring naniniwala
Kahit ito’y unti-unti na ring nawawala

Dumating ang panahon
ikaw ay umahon
Sa dagat na lagi mong kapiling
Ngunit iba na ang nakapiling

Sampung taon ang nakalipas
Damdamin ay nag-uumalpas
Puso ay nagdalamhati
Sa sobrang pighati

Ako ay umaasa,
bigyan ng pag-asa
Ngunit sadyang kay lupit ng tadhana
Hindi alintana
Kahit puso koy nasasaktan
Pilit pa ring makamtan
Ang salitang sanay namutawi sa iyong mga labi

Sa iyong kaarawan
Larawan ay pinagmasdan
Nanghihinayang
Sana, sana ay ipinaglalaban
Ang ating pag-iibigan…

*****________*****


Nagmamahal,
@Sarimanok

Sort:  

Isa kang makata @sarimanok

Marami pong salamat. Sadyang nagiging makata ang isang pusong naghihimutok na lalong nagpapatingkad sa ating sining.

Hang ganda naman ng iyong handog @sarimanok para sa iyong esposo nawa'y ito'y makarating sa kanya saan man siya naroroon at kanyang masabi na ang pagmamahal mo ay walang hanggang at mag kita kayong muli sa sunod ninyong buhay.

Sa palagay ko sis, nakarating na sa kanya kasi napanaginipan ko sya. Katunayan nga, ang kwadro nya nang tingnan ko ngayon ay tumabingi.....

Napakagandang tula! ❤❤
Punong-puno ng emosyon at ramdam kong ito'y hango sa totoong buhay. Tama po ba ang aking hinuha?

Opo, ang tulang ito ay patungkol sa aking buhay, ang aming nakaraan. Birthday kasi ng asawa ko kahapon kaya para sa kanya yan. 30 anyos ang binuno namin bago sya pumanaw. The rest is history ika at yan ay gagawin rin natin sa mga susunod na araw. Salamat sa pagbasa.
Magandang araw sa iyo kaibigan.

Magandang tula ng pagmamahalan.
Hanggang sa Huli pagibig ay mamasdan.

Napakagandang tula mula sa puso.
Salamat po sa iyong pagparito.

Ang pusong nagmahal ay nagmamahal pa rin kahit sya ay nasasaktan hanggang sa kabilang buhay.
Marami pong salamat sa pagpupuri.

Nailabas sa tula ang mga hugot sa realidad na buhay.
Salamat sa iyong tula makatang @sarimanok ngayon batid namin ang iyong pinagdaanan

Maraming salamat kaibigan. Magaan sa kalooban na naisawalat ko ang kinimkim ng aking puso.

Congratulations @sarimanok! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You published more than 550 posts. Your next target is to reach 600 posts.

You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @hivebuzz:

Introducing the HiveBuzz API for applications and websites