TALAARAWAN '96

in #shortstory2 years ago

Untitled683_20220805230911.png

Noong labing isang taong gulang ako at nagsisimula nang pumasok sa mataas na paaralan, may isang guro sa katabing eskuwelahan ang pumukaw sa aking atensiyon..Kung hindi dahil sa soot niyang uniporme ay malamang; mapagkakamalan ko siyang junior sa aking highschool.Maliit kase siyang bulas,pihikan siguro sa pagkain kung kaya't hindi masyadong malaman (haha)..Kumpara sa amoy araw 'look' ko at uhuging porma; Aww..Yung guro na yun sa katabing elementary school ay animo'y mag au-audition sa isang shampoo commercial..Kumikinang sa sikat ng araw habang nililipad ng kukupad-kupad na habagat ang kanyang buhok...Hmmm..Ayos lang ba sa pamantayan nila ang nakalugay lang iyon? Hindi ba siya mabibigyan ng 'F' sa unang araw niya nang pagtuturo?.Para akong aspin sa aking tabi na sumisinghot din sa hangin..Sigurado akong galing sa kinaroroonan niya ang matamis at nakawiwindang na amoy na iyon..Hindi man katapangan ngunit sapat na iyon para bahagyang umikot ang universe sa paningin ko..

Aww, Puwede ko bang bawiin ang nilaktawan kong grado sa mababang paaralan upang magaral ulit sa katabing paaralan na iyon??..
Gusto pa sanang namnamin ang mga sandali na magkunwaring nakatanaw lang sa kawalan habang pasilip-silip sa nakawiwiling tanawin na iyon sa aking harapan.Sinisipat ang bawat pagbuka ng malabnaw na kahel na iyon na medyo lumagpas ng konti sa bandang silangan ng mumunti niyang mga ngiti..Hindi kaya siya pinapahirapan ng kalahating dangkal niyang mga takong??. Gusto ko pa sanang obserbahan pa ng mas matagal ang bawat sulok ng larawan kung saan naroroon ang nakakaintrigang tanawin na iyon subalit umalingawngaw na ang hudyat...Bukas susubukan ko uling mabuhay ng mas maaga..
Siya nga pala..Nagkaroon na agad ako ng mga kaibigan...At nalaman nilang hindi ako maaasahan lalo na sa pagbibigay ng wakas sa mga kuwentong aking sinisimulan...
Hahahahahahahahahahahahahaha.
==========================

Anim na buwan na ang nakaalpas ngunit hanggang pasipat-sipat pa rin ako sa diyosang may kalahating dangkal na takong.Anim na buwan na rin pala; simula nang sinimulan kong mahalin ang nakakapasong lamig ng tubig sa aking katawan, ang amoy ng pagkain sa natutulog kong diwa ...Kailan pa nagsimulang maging musika ang nakabibinging taginting ng aking alarm?..
Dali-daling naguunahan ang mga hakbang na animo'y hindi sa iisang tao lamang ang pares ng mga paang iyon.Sumisilip pa lang naman ang kislap sa langit at nilamon pa ng madilim na asul ang paligid subalit sinasabi ng puso kong maari na akong mahuli..Maaring makaligtaan ko na ang tanawing iyon. Humahangos; nainis na sa bangkero at unti -unti nang tinatabunan ng maiitim na ulap ang kaninang nangingislap ng mga mata...Kung maari lamang na languyin ko na lamang ang pagitan na iyon upang maabutan ko siya..Kailangang maabutan ko siya..Katulad ng kailangan ko ang hangin upang huminga..Ang tubig upang mapawi ang uhaw..Ang isang beses na pagliban ng aking mga mata na masilayan siya ay katulad ng pagkalam ng aking sikmura..Huh?..Kailan pa nabago ang mga pangangailangan ng paslit na mabilis na sumilip sa salamin pabalik sa akin?..Oh, marahil ang pagtanda ko ng isang taon ang dahilan?..Inubos ang kalahati ng polbo sa buong katawan, inayos ang dalawang pares ng puting medyas ngunit mukhang galing sa magkaibang angkan..Bukas susubukan kong plantsahin ang aking uniporme.Ikinabit ang bagong biling palamuti sa buhok na hindi pa nahinto sa pagpatak at paulit-ulit na binasa ng laway ang natutuyong labi.
Nakikita ko na siyang unti-unting nawawala sa aking paningin..Mas binilisan ko pa ang pagkaripas...ng aking hininga at ng aking mga paa..
"Haaaaaahh...'safe'."
" Bata, bakit dito ka pumapasok? Diba doon ka sa kabilang highschool?.Gusto mong bumalik ng Grade six? "
" He he.Happy 'April's Fool', Manong. "
Dali-daling umatras at iniwanang apaw sa katanungan sa kanyang noo ang bantay.Maging ako'y nagtatanong rin sa aking sarili kung kailan pa naging araw ng mga hangal ang buwan na ito kung kailan nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin?
Paalam sa maganda mong likod.Hanggang sa muli...
==========================

Dalawa't kalahating oras pa lang nang lumipas ang hatinggabi subalit nawindang na ang mga kalapit-bahay sa taginting ng aking alarm. Bahagyang kinusot ang mga mata at nagmunimuni ng sandali.
" Siguradong makikita ko siyang muli." at bahagyang kumandirit ang buong respiratory system ko sa aking dibdib.
Dahan-dahang tinanggal ang nagiisang pares na uniporme sa sampayan at inilapag sa aking unan.
"Oh! 'P.E Day' Muntik ko nang makaligtaan.Simula sa araw na ito, hinding hindi na ako hahabulin ng plantsa.ehe~…"
Maingat na isinuot ang uniporme pagkatapos makipagpatentero sa lamig ng tubig.
Marami na siyang naituro sa akin...kahit hindi niya ako estudyante- ni hindi nga niya ako kilala~hehehu.Natuto akong magsipilyo bago matulog. giggles
May sekreto rin akong aaminin;. Isang linggo na rin ng nagkatuwaan ang buong klase na magpalitan ng regalo.
Something soft? something pink? Something long? - "Ano kaya ang babagay at magugustuhan ng isang tulad niya?"
Patawad sa kapalitan ko ng aguinaldo.kamot ulo
Hindi ko man lang namalayang nandirito na ako..Inabot ang buong singkuwenta sa bangkero at sinuklian niya ako ng tigmamimiso..
-Urgh! Buhat ko ang buong solar system sa aking bulsa, tang-.. Ops! ..
'Sorry, Ma'am.' Sabay pakawala ng flying kiss sa hangin. Ngunit mukhang hindi aabot ang halik na iyon sapagkat biglang umihip ng malakas ang munting alimpuyo pabalik sa aking ulunan.Mukhang nagsisimula ng hindi umayon sa akin ang panahon...at hindi nga ako nagkamali sapagkat wala siya..Bahagyang kumalam ang aking sikmura habang pupungas pungas na pumasok sa eskuwela.
Ilang guro na ang lumabas at pumasok sa pintuan ng klasrum ngunit ang muni-muni ko'y nasa nagiisang guro na iyon.Kasabay ng konting pagpintig sa aking puson ay muling kumalam ang aking sikmura..Sana matapos na ang araw na ito..
Dumating ang oras na magpapalit na kami ng uniporme para sa 'PE' at doon na ako nagising sa katotohanang hindi ko maaring ibulsa rito ang apatnapu't apat na mamisong sukli ng bangkero sa akin kanina.(Lol)
Sa habag ko sa aking sariling magkaroon ng biglaang eksibit ang bagong chlorine kong salawal sa oras na ipagawa sa amin ang jumping jack, iniwanan ko ang lahat ng barya sa aking bag...at iyon na yata ang isa sa pinakanakaka engot na desisyong ginawa ko sapagkat nalimas silang lahat pagkabalik sa silid aralan.Shi~ paano ako makakatawid pauwi, ni hindi man lang ako tinirhan ng kung sinumang mabait na iyon ng pamasahe.
Magdidilim na ngunit nakasandal pa rin ako sa pader sa pagitan ng dalawang paaralan. Nagiisip ng paraan kung paanong makakalibre ng tawid kay mamang bangkero. Bakit kase hindi na lang ako nag 'solicit' ng tig pipiso sa mga kaklase ko kanina o pinabayaran ang mga papel na hinihingi nila.O lumapit sa adviser at sabihin ang aking problema. Walang magawa kundi magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
" Ay, kyut naming kapitbahay. Maari bang magpasuyong magpabili ng pagkain sa panaderya? " at naroon ang nakasilip na pamilyar na mukha.
"O-opo, Ma'am."
"May himala." Bulong ko sa kawalan habang masayang binabalikan ang mga kaganapang wala pang ilang minutong nagdaan.
" Bata, Ibabayad mo ba yan o hindi? " nangingiwing singhal ng bangkero
Labag man sa aking loob ngunit kailangan ko ng pakawalan ang mga baryang iyon..
" Keep the change,mabait na freshman.Salamat." - Oh, ang sarap i-mighty bond sa aking subkonsiyus ang mga tipid na ngiti ng kulay kahel na mga labing iyon. Gusto ko sanang sambahin ang mga baryang iyon ngunit kailangan ko silang pakawalan. Nanikip ang aking dibdib sa panghihinayang.Bakit kase hindi ako nagbulsa kahit apat na piso bago ako mawalan.
Humihingi ako ng paumanhin, Ma'am. Tama silang hindi ka dapat nagtitiwala sa mga estranghero. Sana lang hindi sumakit ang tiyan mo sa pagkain ng mga pandesal na isa-isa kong hinagkan.

Ilang araw na rin simula ng maging pula ang kulay ng aking I.D at patch ngunit parang kahapon lang ng ang mga ito'y luntian pa; nang marinig ko ang iyong tinig.Hanggang ngayon umiinit pa rin ang aking mga tainga tuwing bumabaliktanaw sa gabing nahawakan ko ng bahagya ang iyong mga palad habang iyong inaabot ang mga baryang sumagip sa akin ng araw na iyon. Maayos ko na ngayong naitatali ang asul na laso sa ilalim ng aking kuwelyo, alam mo ba? Isang taon na ang aking hinakbang ngunit wari'y nangungulila ako sa mga panahong iyon sapagkat nangangamba akong maaring iyon na ang una at huling pagkakataong makadaupang palad ka. Simula noong araw na iyon, naging laman ako ng silid-aklatan upang gumawa ng takdang aralin...O mas magandang sabihing; upang pumatay ng oras. Nagbabakasakaling sa slow-mo kong paglalakad ay sumilip ulit ang pamilyar na mukha sa mga pagitan ng ilang hakbang na iyon. Itinaas ang ulo sa langit at tahimik na ipinangakong hinding-hindi ko na dadampian ang mga pandesal kung mauutusan niya sana akong muli. Medyo tumatanda na ako ng kaunti kung kayat batid kong dapat nagpapaalam muna bago magbigay ng halik.... ( sa mga pandesal? ).-very wrooooong!! .

  • Ang Diary Ng Unang Pagibig

Unang naipost sa aking fb account https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0cQ1mcXqeezPoLMHM8HZ6bxtSP4VDRbCXRWJ16gc1F5TXvRsyDq3fRYoUixELkvddl&id=100001777623876

https://www.facebook.com/100001777623876/posts/pfbid02zE5vzqajouXkg83a3E9ju3YKK9UGAfsZyQmxF429tC231icSYLAATkcyRaJRuCZyl/

Sort:  

I had fun reading this. Well done @chileng17 😊

Thank you very much sa pagsilip sa aking munting chika Ng Buhay.xD

!PIZZA 😊

Salamat sa pa-pizza..(^^)(ϋ)/♩

Na nosebleed ako dito a, hahaha! Pwede na pang Wattpad. :)

Itatranslate ko sana into English kahit rough translation lang para sa English speaker kaso baka ako Naman ma-nosebleed.😅

Congratulations @chileng17! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You made more than 100 comments.
Your next target is to reach 200 comments.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Check out the last post from @hivebuzz:

Hivebuzz supports the HiveFest⁷ Travel Reimbursement Fund.
Our Hive Power Delegations to the July PUM Winners
Feedback from the August 1st Hive Power Up Day

PIZZA!

PIZZA Holders sent $PIZZA tips in this post's comments:
@chichi18(1/5) tipped @chileng17 (x1)

Please vote for pizza.witness!

Medyo nanose bleed ako ate! Pero ang ganda, made me reminisce my school days too!

Ah..school days kung saan halos lahat Ng first, mararanasan mo.

It's hard to understand, kuya 😐