Plano kong Mag Kakanin Hunting sa Linggo! Sama kayo?

in Tagalog Trail15 days ago

Friday na pala no, kabilis talaga ng araw ay. Kaka lunes lang diba? Bakit kay tulin mo namang tumakbo, oras? Nagmamadali kaba? San ka punta? To the moon din ba? Skrrr skrrrt? Mura kaya bilihin dun? Lol. Plano kong lumipad papunta sa moon this weekend, kung sakaling mura bilihin dun. Gusto kong mamili ng kakanin! After ko makita yong biko ni @cindee08 bigla ako nag crave, lol. Saka pala bibili na din ako ng puto na gawa sa bigas. Mas bet ko kasi yan kesa sa mga nauusong puto na gawa sa ano, harina. Kayo? Anong bet nyo? Siya o pera? Yiehh, apir mga mukhang pera └( ^ω^)」.

IMG_20240517_111933.jpg

Pero ito na nga, plano ko talagang pumunta sa palengke this weekend dahil sa tiangge-an. Ang tiangge-an ay availble tuwing Biyernes at Linggo lanh. Diyan sa tiangge-an na yan, marami kang mabibili na mura, galingan mo lang humanap at makakatagpo ka nang mga murang prutas, gulay, o kahit ano pa yan, liban nalang sa karne, fix na sa 380 PHP ang baboy, maigi nalang mura ang manok, so kung wala kang allergy, pwede na ang manok, samantalahin na ang unli fried chicken habang mura pa. Mura kung ikaw mag luluto syempre. 190 nalang kilo ng manok dini, ay sa inyo ga?

IMG_20240517_112137.jpg

Minsan sa tiangge-an dito makakakita ka din ng mga seafoods, may shells, clams, may isda din mga hipon na mabibili mo sa medyo mababang halaga. Di halos nagkakaiba sa presyo sa palengke pero dito naman, makakasigurado ka na bago. Minsan mga shells gumagalaw pa ee. Diga'y kapag gay-an ay masarap lutuin, manamis namis pa kahit wala namang asukar. Kapag ganyan, mapaparami ka talaga ng lafang. Paresan mo pa ng tuyo saka fresh na gulay, aruykopo, taob ang kaldero kapag ganito, lol.

IMG20240517140131.jpg

Idagdag ko lang pala, plano ko ring bumili ng espasol, alam nyo ba yon? Masarap yon guys, try nyo din. Isa sa paborito ko yaan, bukod sa puto na gawa sa bigas, saka pala sumang balenghoy. Sa kabuuan pala, mag kakakanin hunting lang ako this weekend, lol. Marami rami sana bibilhin ko kaso pati kakanin mahal na din ee, ako nalang talaga ang di mahal, saklap much, lol.

IMG20240517140107.jpg

Imagine this small pilipit na tag lima lang dati, sampung piso na ngayon, aguy. Kaya kahit tag iisa lang ng mga yan tapos hati hati nalang kami ng mga oldies, haha. Sa isang pack naman kasi malaki na or marami na ang laman. Katulad nalang nong espasol, apat na ga limang piso ang size for 12 php, di na din masama diba, lol.

IMG_20240517_133852.jpg

So ayon lang, wala akong ibang gagawin this weekend kasi limitado pa rin ang galaw ko dahil sa ilong ko. Sa totoo lang di pa rin ako gaanong naglalalabas nang bahay dahil dito. O kong lalabas man ako, sa umaga yong di pa kainitan, para mesheye. Ehe. Jump na agad sa Linggo kasi sa Sabado hayahay days yan. Meron din ba kayo non? Hihi.

Sa susunod ulit ¯_ʘ‿ʘ_/¯. Bye bye!

IMG_20240517_143356.jpg

Read More about Tagalog Trail Prompt this May and Join Us.

Sort:  

Uy ang sarap nyang pilipit na yan, madalas ako makabili nyan sa mga vendor na naakyat sa bus dati, ngayon di na ako makakita, matagal tagal na din ako di nakakakain nyan.

Lako lang din yan samin kahapon, namiss ko ay nakafalwa ako uwu. Sayang ubos na yong kariokka ay. Wala sa palengke nyo?

ooh new language:)
haven't got anything but I like photos of food;)
is it dessert?
and I wonder what uis in the left in the 1st photo? batata? is it cheap in your place?'

Its called Tagalog, a language in yhe Philippines ☺️.

Yep, kinda, it is one of "kakanin" made of glutinous rice hehe. It's delicious.

Wow! The market looks very vibrant and enjoyable! I would like to buy fresh vegetables from this kind of market.

Hehe, you can see more than this here if you explore it (✯ᴗ✯)

San ka punta? To the moon din ba? Skrrr skrrrt? Mura kaya bilihin dun?

Lol me rappin this verse hahah

Sympre putong bigas parin tayo, mas masarap parin yan kesa sa puto cake parang hangin kasi eh di masyado nakakabusog.

Gusto ko yung kita parin ang accent mo sa tagalog natuwa ako habang binabasa ko yung post, gay-on ko din binasa ang lathala. Kung hinusayan ba naman ni Ruffa aydi may pagkakasunduang nagaganap.

Hahahaha, break it down yo'!

Sa totoo lang talaga. Kahit pa woth cheese na puto, basta ako puto g bugas pa rin sabay may binudbod na kinayod na niyog. Ay the besta ndin.

Ay kaganda din mandin nang ganireng accent ay ano haha.

Natawa ako sa introduction mo beh HAHA. At first I thought the food was tempura but then when I read that it was pilipit I suddenly got curious 😅 never tasted one before.

Hahahahaha, ang kulit ano, lol. Pilipit is made with glutinous rice flour. Actually easy lang sya gawin. Tapos dip mo syabsa caramelized sugar, aguy anonh sarap mandin.

It's interesting to know that in some special days like Friday and Sunday you can get some stuffs at a cheaper rate from the market, I wouldn't miss the market on those days, lol.

That espasol seems delicious from the look of things 🤩

Hehe, yep, yep, it's ba special market during that special ray. I know it also happened in some places here but in different days.

It's really delicious, one of my fav. I couldn't take a photo of th3 espasol but that sweet photo in there is called Pilipit, it is made with glutinous rice.

The espasol, interesting. Is that a sweetened bread? Not sure if we have it here in Cebu or maybe it just has a different name♡☺︎☺︎

Nosebleed, pero pwede bang sumama, madam?