Tapos na ang Maiksing Bakasyon

in Tagalog Trail15 days ago

Inabot ako ng 6 na oras kahapon ng bumiyahe ako from Dasmariñas, Cavite to Ana de Clara Farm, Punta, Rizal. Umalis ako ng alas-onse ng umaga at dumating ako ng alas-singko ng hapon.

Nakapagrelax naman ako bagamat hindi ako nakapag-swimming kagabi. Naninibago pa ako sa lugar. Siguro, God willing, next time.

Pagkatapos ko magbahagi ng mensahe ukol sa Worship Disorder, agad nagyaya sila Atty. Teylan na umuwi sa Taytay, Rizal. Para hindi ako mahirapan sa biyahe, sumabay na ako. Pagdating sa Antipolo, Rizal, kami ay nananghalian sa Max's restaurant. And then afterward, ibinaba nila ako sa Tikling at ako ay sumakay papuntang Megamall.

Bago kami magkahiwalay nila Atty. Teylan at ng kaniyang husband, binigyan nila ako ng mga tinapay na gawa nila para maipasalubong ko sa aking mga anak, hopia at pandecoco.

20-Ana de Clara Farm.jpg

21-Ana de Clara Farm.jpg

Pagdating ko sa Megamall, nanibago ako. Nahirapan akong hanapin ang exit papuntang MRT sa Shaw Boulevard. Hindi agad ako nagtanong sa guard. Naglakad lang ako ng naglakad at paikot-ikot sa Megamall. Nang mapagod ako, doon lang ako nagtanong at tamang-tama dahil malapit na ako sa Supermarket. Sabi ng guard yon daw ang short-cut papuntang MRT Shaw.

Natunton ko naman ang kaso ng aktong papalabas na ako, biglang bumuhos ang ulan at napakalakas ng hangin, parang may bagyo. So halos mahigit kalahating oras akong na-stranded sa Megamall. Hindi ko na hinintay na tumila pa ang ulan. Kinuha ko ang towel sa bag ko at siya kong ginawang proteksiyon sa ulan hanggang makasakay ako ng MRT.

Pagdating ko sa Salitran, nagtext ako kay Edward, my second son na magsaing na at maghahanap na lang ako ng uulamin namin sa Area 1. May ibang options naman ang kaso parang nagsawa na ako sa oily food at yong isang chicken restaurant, parang hindi siya malinis kaya isda ang napili kong ulam. Bumili ako ng 2 pakete ng sinaing at ito ang naging ulam namin sa hapunan.

22-Ana de Clara Farm.jpg

Nakarating ako ng bahay ng 5 PM at sa pagod ay nakatulog ako. Nagising yata ako ay alas-nuwebe na ng gabi. Pag gising ko, sabi ng anak ko walang Internet dahil kumidlat kaninang alas dos ng hapon, and that's the reason na late na akong nakapag publish ng post na ito. It's good na may data ang cell phone ko at nagamit ko ang mobile hotspot para sa post na ito.

And that's the end of the story ng maiksi kong bakasyon sa Ana de Clara Farm.

Sort:  

Hoyyyy, yong tinapaya, gusto ko yan. Penge akoooowww, lalo yang hopia, sarap niyan ipam pasalubong talaga no uwu

😁😅 Actually, bawas na yan. Nagutom ako ng mastranded ako sa Megamall. 😅

!PIZZA na lang. 😆

Nahirapan akong hanapin ang exit papuntang MRT sa Shaw Boulevard. Hindi agad ako nagtanong sa guard. Naglakad lang ako ng naglakad at paikot-ikot sa Megamall. Nang mapagod ako, doon lang ako nagtanong at tamang-tama dahil malapit na ako sa Supermarket. Sabi ng guard yon daw ang short-cut papuntang MRT Shaw.

Nako! Simula nung pandemic nagkanda gulo-gulo na ang sakayan gawa din ng carousel. Di nman ito nangyari sa megamall pero it happened sa Makati, buendia back then nung nagpunta sa office. Napakahirap maghanap ng masasakyan pa Buendia ( Jac Liner) ni hindi ko ma figure out kung saan sila na buti nagtanong-tanong na ako kesa maligaw pa at paikot ikot na ako talaga.

Ang sarap ng sinaing na tulingan! Paborito ko yan, pag di naubos i pi prito nalangs.

Oo nga, pabago-bago ang ruta ng sasakyan, ang layo tuloy ng lakaran. Kawawa yong maraming dala. Ganiyan ang experience tuwing pupunta ako sa Quezon City. Mahirap hanapin ang sakayan ng bus pag bumama ako ng MRT GMA Kamuning.

Congratulations @arlenec2021! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 1000 upvotes.
Your next target is to reach 1250 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@arlenec2021(1/5) tipped @ruffatotmeee