Unang Date. Sino Ang Dapat Gumastos? | Tagalog Language Blog Entry


juan.png


Intro

Nakakatuwa ang mga paksa na ibinigay sa atin ng @tagalogtrail. Mga pang araw-araw na mga bagay na kinakaharap natin sa ating buhay at marahil ay hindi napag-iisipan ng mabuti. Sa isang banda ay pagkakataon na natin ito upang masuri at makapagbigay ng ating opinyon sa topic. Sa image na ito sa itaas, na nakuha ko sa Canva, ay may mga nakalista na mga bagay na sa aking palagay ay malaking tulong kung nahihirapan ang isang tao o di kaya ay wala pang karanasan sa pakikipag-date.


Don't Overcomplicate Things

Hindi kinakailangan na maging komplikado ang mga bagay. Sa tingin ko ay simple lang ang dating, ito ay ang paraan upang makilala natin ang isang tao ng mas malalim. Kung sakali man na makita natin na may nararamdaman tayo para sa taong ito at wala naman sa mga "red flag", ay maaari nang pumasok sa susunod na hakbang na maging kasintahan natin ang taong ito. Sa totoo lang, hindi pa ako sanay sa mga bagong terminology na nauuso sa ngayon kagaya ng "red flag" pero sa palagay ko ay kailangan natin itong pag usapan dahil importante ito lalu na sa mga kababaihan. Hindi ibig sabihin na balewalain ng mga lalaki ito. Nga lang ay mas malaki ang panganib sa mga dalaga ang dating scene.

Ang ilang mga halimbawa ng sinasabing "red flags" ay kulang o di maayos na komunikasyon kasama ang hindi pakikinig at kakulangan sa empathy, sobrang selos, emotional manipulation at pag-kontrol sa ka-partner, pagsisinungaling at verbal/physical abuse, tila hindi natatapos ang mga away o di kaya ay paulit-ulit na hindi naman nare-resolve, at financial irresponsibility. Sa kabilang banda ay wala namang perfect na tao at wala namang perfect na ka-partner kaya timbangin rin natin kung alin dito at kung anong level ang maaaring katanggap-tanggap. Dahil sa potentially ay magiging kasama mo ang taong ito sa susunod na ilang dekada, karamay sa lahat ng problema at katulong sa pagpapalaki ng mga anak natin.

Komplikado, noh? Pero pilitin pa rin natin na pasimplehin.

Don't Stress Unnecessarily

Huwag tayo magpa stress na hindi naman kinakailangan. Sa aking karanasan ay maraming mga bagay ang inakala ko na malaki ngunit hindi naman pala at ang mga komplikasyon ay kusang maaayos. Paka-tandaan na kung sobrang stressful ang isang relasyon ay mas magandang mag cool off muna para makahinga ang bawa't isa at magkaroon ng panahon na mag isip at mag muni-muni sa mga bagay na marahil ay maliit lang pala at pwede naman palampasin at patawarin ang isa't-isa.

Prepare Some First Date Topics

Hindi naman kailangan pero kung hindi ka confident sa iyong conversational skills ay mangyaring mag isip ng mga bagay na pwede ninyong mapag-kwentuhan. Mga bagay na maaaring may shared interest kayo. Halimbawa ay pareho kayong athlete o mahilig sa sports, anong music ang pinapakinggan, solong anak or pareho pala kayo na maraming kapatid, mga gustong marating sa buhay, hilig sa pagkain, atbp. Maaaring mapag-usapan ninyo ito at puwede ring hindi. Ang mahalaga ay napag-isipan mo ito kung natural na pumasok sa usapan ninyo. Tingnan din natin ang reaksyon ng ka-date kung saang topic siya interesado at alin ang hindi siya komportableng pag-usapan. Sa madaling salita ay maging mas sensitive sa inyong usapan lalu na kung first date pa lang ninyo.

Boost Your Confidence

Maaaring simpleng bagay lang ito kagaya ng paghahanda ng maaga sa araw ng date o di kaya ay pakikipag-usap sa isang confidant o best friend sa parating na first date. Maaari rin naman na mahirap ito at "torpe" talaga ang isang lalaki. Kung ano man ay huwag tayong magpa-stress dahil isang magandang pagkakataon ang date na ito para mas makilala ng malalim ang isang tao anuman ang maging resulta ng date.

Be True To Yourself

I-expand natin, "be true to yourself and your date". Isa itong napakagandang suggestion dahil sino ba naman ang gustong makipag date sa isang taong hindi naman honest. At ang pagiging honest sa sarili ay makakatulong rin sa atin na maging mas confident sa sarili. Bukod dito ay mahirap makipag-plastikan sa iba. Hindi naman ibig sabihin ay maging sobrang honest o sa wikang Inggles ay pagiging brutally honest. Hindi natin kinakailangan sabihin ang lahat ng bagay na nakikita natin sa ka-date. Kung mayroon man tayong gustong sabihin ay maaaring tantiyahin kung makakasakit ba sa damdamin ng ka-date. Mapapahiya ba siya kung sasabihin ito ng diretso. Tandaan natin na ang exploring pa lang tayo. Di pa natin kilala ang taong kausap natin kaya hinay-hinay lang sa pagsasabi ng mga negative sa kanya para hindi maging toxic ang unang date na ito.


Sino nga ba talaga ang dapat gumastos?

Sa aking karanasan ay ang lalaki ang dapat gumastos sa unang date. "Old school" ako mag isip pero may katotohanan ito sa aking palagay. Dahil sa tayong mga lalaki pa rin ang nanliligaw at nanunuyo sa ka-date. Hindi ibig sabihin na sarado ako sa sharing, at maaari naman itong pag-usapan sa mga susunod na date, at marahil ay sasabihin ko na lang sa ka-date na "sa susunod ka na lang mag-share..." (kung may next date pa).


Conclusion

Ibang-iba na ang dating ngayon. Noon panahon namin ay wala pang facebook at hindi pa uso ang social media. Wala pa ring grab, AI, at hindi pa uso ang pag-order ng pagkain sa mga online apps. Pero, may mga bagay na hindi pa rin nagbabago. Kinakailangan pa rin na maintindihan at maunawaan natin ang ating ka-partner sa buhay kung bakit ganito ang kanyang pananaw o desisyon sa isang bagay. Malaking tulong kung mas malalim naing makilala ang isang tao na makakasama natin sa buhay at dito ito naguumpisa sa "first date".

Siya, hanggang dito na lamang. Nawa'y may natutunan ka kahit paano sa aking blog para sa araw na ito. Iba't-iba talaga ang pananaw ng bawa't isa sa buhay. Ang importante ay nakakaintindihan tayo at may paraan upang malampasan ang mga di pagkakaunawaan. Maraming salamat sa pagbisita sa aking blog.

Magandang araw!
@juanvegetarian 😎


*Ginamit ko ang template na ito mula sa Canva website. Mangyaring i-click ang link na ito kung sakaling interesado kang gamitin o suportahan ang Canva creator dito --->Canva template link-1

Sort:  

Boys Naman talaga dapat gumastos sa date.. pro kpag willing ang girl, okay rin ..
Naalala ko dati nung college ako, both kmi ni ex gumagastos sa date namin haha..

Kung may capacity naman at okay sa kanila ay depende talaga sa usapan. Of course, pabor sa boys kung may ka-share. 😄

Haha.. kaya nga. Pro bet tlaga ng girls libre sla 🤣

Salamat at inamin mo. haha. Happy naman kami manlibre, most of the time. Minsan lang ay ubos na ang budget especially sa mga students.

jots down notes furiously

Salamat po dito, konti nlng pala dapat kong i work on, mga lahat lng nmn 😆

I think it's just looking for the right match. Sometimes, luck plays an important role in this matchmaking thing. 😆 Goodluck sa paghahanap. Teka, bakit pala hindi ako naka follow sa iyo. Hmmm....😕 !PIZZA 🍕

salamat po pero d pa nmn po ako naghahanap sa ngayon 😆 kung walang darating edi wala kung meron eh happy2 ang lahat 😆

Wishing you happiness then... 🙏😊

salamat po 🙏

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@juanvegetarian(1/5) tipped @appleeatingapple

Para sa akin, kung sino ang unang nag yaya. Madalas sa kaso natin sympre mga lalaki naman ang nambubulahaw sa mundo ng mga babae, kaya tayo dapat ang unang gumastos kasi initiative naman yan.

Sa mga susunod na dates, pwedeng half o mag chip in mga ganun. Tanda ko pag nalabas kami hati kami sa gastos ni April at parehas naman kami may work at di nagkklayo ang sahod din.

Iba-iba talaga ang strategy at napagkakasunduan sa ganitong kalagayan. 😁

Sa unang date kasi talaga, para sa'kin unang date yan eh so kailangan yung lalaki ang gagastos. Kasi siya nanligaw, siya yung magfifirst move diba? Nakatingin din kasi ang mga babae kung kaya ba mag provide ng mga lalaki. Lalo na kapag date to marry ang mga babae. Pero minsan din, after sa isang kainan, may dessert din or may next pa na pupuntahan. Minsan ang mga babae nag-bibigay din. Depende talaga yan sa plans o kung anong mga ganap sa Date na yan.

Wala pa ako karanasan sa date date na yan, at binigay ko lang yung opinion ko dito. Salamat sa mga tips kuya juan! 🙂‍↔️

Biglang may disclaimer sa dulo. Hahaha. Good night.

Congratulations @juanvegetarian! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You distributed more than 27000 upvotes.
Your next target is to reach 28000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP