[TAG-ENG] Ang Diskarte Ko'y Gamitin ang Natutunan ko at Mamuhay nang Masaya / My Strategy is to Use What I Learn and Live Happily

in Tagalog Trail26 days ago (edited)

IMG_20240520_144443.jpg

May diploma ako, pero nasaan ako ngayon? Andito sa bahay, yong diploma ko, nakatago sa baul. Hindi ko magamit kasi hindi ako nakapag trabaho. Teka, "hindi" o "ayaw?" Ay proud si ateng, lol. Hindiiii, I'm ashamed! I'm still lost, baby boy ಥ‿ಥ. Pero maalin man, ang ending kasi, hindi ko ito nagamit. Pero hindi ito sayang, hindi ito walang kwento dahil choice ko namang hindi gamitin ang diploma ko. Bukod diyan, may kulang kasi sakin eh, hindi malakas ang loob ko, talaw! Nangangarap pero walang action.

Diploma or diskarte? I mean, bakit kailangang pumili nang isa kung pwede mo namang parehas na abutin? Diploma? Hindi lang yan basta papel diba? Bunga yan nang ilang taon na pagtityaga sa paaralalan. Kumbaga, isa siyang malaking achievement mula sa mga pinangarap mong makuha. Isa rin itong napakalaking patunay na nakapag tapos ka, na naabot mo na ang isa sa pangarap mo, at para sa paghahanda sa magandang hinaharap na na plinano mo. Pinangarap, maraming taong nangangarap niyan, kaya hindi natin dapat na maliitin.

IMG_20240520_153852.jpg

Syempre iilan lang yang rason kung bakit masarap makatanggap nang diploma. Lahat naman nang bagay na gusto mong gawin kailangan ng diskarti, at kasama diyan ang diskarti sa paghahanap ng trabaho after mong makuha ang pangarap mong diploma. Diskarti, lakas ng loob, mahalaga din pala ang connection dahil sad to day, sa Pilipinas kapag wala ka niyan, mahihirapan ka talagang makahanap ng trabaho.

IMG_20240520_154259.jpg

Ang mas nakaka lungkot, parehas kang may diploma at diskarti pero hindi mo pa rin nakuha yong trabaho na gusto mo. Ang lagi pang sagot "We will just call you" after mong ma interview at magpakahirap gumawa ng resume, buti sana kung mura lang magpa print diba? Yong akala mo magiging maalwan na ang lahat, pero hindi, umpisa palang yan, unang hakbang palang yan sa mundong kailangan mong pasukan, at mas mahirap pa pala kesa sa buhay estudyante.

IMG_20240520_142759.jpg

At dito na maiisipan ng ilan na makipag sapalaran nalang sa ibang bansa. Yong kakalimutan muna ang tinapos at doon makikipag sapalaran. Ke may diploma o wala, pwedeng pwede kang makapangibang bansa at makapag simula. Yong mas katanggap tanggap pa sa ibang bansa na wala kang tinapos, at mas mabibigyan ka ng chance na makapag simula. Bakit di yan pwede sa Pilipinas? Bakit ang taas nang standard nila? Bakit di nalang sahod ang pataasin sana?

IMG_20240520_154540.jpg

Ang gusto ko lang talagang sabihin, parehas na mahalaga ang pinag aralan mo at ang diskarte, hindi natin sila pwedeng paghiwalayin at paghambingin. Kung kaya naman bakit di nalang parehas na subukang abutin? Hindi man lahat kayang makakuha ng diploma dahil isa, "kapos sa pera," pangalwa, mas pinipili nang ilan na magtrabaho nalang para makatulong sa pamilya nila at marami pang iba. Pero sure ako, hindi nila choice na hindi makakuha nang diploma. Malamang, isa yan sa pinangarap nila, pero hindi lang sila nabigyan nang pagkakataon na makuha.

IMG_20240520_145439.jpg

Sa ngayon, diskarte nalang ang nagagamit ko, pero at least medyo napapakinabangan ko rin naman kahit papaano yong pinag aralan ko noon. Medyo medyo lang, lolol. Kayo? Kamusta buhay buhay natin diyan? Masaya kabang dumidiskarte gamit ang pinag aralan mo, or ginagamit mo ba ang pinag aralan mo na may kasamang diskarte?

Yon lang, bye bye ╮(^▽^)╭.

Click Me for English Version


IMG_20240520_144443.jpg I have a diploma, but where am I now? I'm here at home, and my diploma? It is well hidden in my room. I can't use it because I can't work. Wait, can't or won't? I'm not proud of it, seriously, but it just happened. But whatever it is, the ending is that I didn't get the chance to use it. But it is not wasted, it is not useless, it is just that I choose not to work and just stay at home with my oldies. But that's not all there is to it, the truth is, I lacked something, I am weak, spineless, and a coward. I'm just dreaming but not doing anything to achieve something.
--
Diploma or resourcefulness? I mean, why choose one if you can just have both? A diploma? It is not just a piece of paper! It is the result of years of studying. It is a big achievement for what you dreamed of. It is also a big proof that you finished school, that you finally achieved one of your dreams, and you are moving forward to start preparing for the great future that you planned. A lot of people are dreaming of this, so we shouldn't make light of it.
--
IMG_20240520_153852.jpg
--
But of course, this is just one reason why receiving a diploma is such a great feat. And all of the things we have to do need resourcefulness or strategy, and looking for a job after getting your diploma is one of those. Resourcefulness, courage, and, may I also add, a connection are also needed, because, sad to say, in the Philippines, if you don't have that, expect a hard and long process of looking for a job. A lot are unemployed, but only a few doors will open to chosen one ಥ_ಥ.
--
IMG_20240520_154259.jpg
--
And what's saddest is that you have both the diploma and the resourcefulness, but you can't still have your dream job. You only have a few choices, and what you want is not even there ಥ_ಥ. You can just receive a short reply after the nerve-wracking interview: "We will just call you" and after all the preparation, creating, and printing of your resume. It's okay if the expenses are just a few coins, but no. When you think that everything will finally get better, but no, it is actually just the start, you'll realize that being a student is a little better than when you finally become an adult and have to look for a job.
--
IMG_20240520_142759.jpg
--
And this is where some people will think to try their luck in another country. They will forget the course they take and will accept any job as long as they can finally bring help to the family. Whether you finish school or not, you can still work and start a life there. It's sad that you have more opportunities in other country than your own country. You can find a better job in another country and be given a chance to start. Why, in the Philippines, it is very hard? Why their standard in choosing an employee is too high? Why not just raise the salary and not their standard? If only ಥ_ಥ.
--
IMG_20240520_154540.jpg
--
What I really want to say is, your knowledge and being resourceful are both important and needed, we really shouldn't separate the two from each other and compare them. If we can, why not just try to achieve both? I know that not all people can have both for a lot of reasons, one of which is a money problem, or some just choose to work early to support and help their family, but I'm sure that not all of those people choose not to get a diploma or finish school. I'm sure that, just like the rest, they also dream of getting a diploma, but the saddest part is that they didn't get that chance.
--
IMG_20240520_145439.jpg
--
So for now, I can only be resourceful and use some strategies to get by, but at least, what I learned during my time in school can be applied now to what I chose to do. It's not wasted, and of course, try and be courageous. How about you guys? How's life? Are you happy being ma-diskarte while also using what you learned at school? Or are you using what you learned with Diskarte? Ehe (≧▽≦).

20240501_143949_0000-removebg-preview.png

IMG_20240520_182413.jpg

Know more about Tagalog Trail Prompt and Join us, click me.

Sort:  

d ko na try dumiskarte dahil na swertehan akong nakapagtrabaho gamit yung diploma ko. Pero sa lahat2 ng sinubmit kong applications isa lng talaga yung kumuntak sakin at yun yung dahilan andito ako kung saan ako ngayon. Darating din kung ano ang para sayo pag pinag sipagan at tyagaan kung ano man ang meron ngayon, sabi nga nila laban lng 💪 🙏

Ay ang galing, good for you, I'm sure you're giving your all for that 🤩✨.

Yes naman, may kanya kanya tayong time, siguro after 20 yeats pa yong sakin, charowtttt 😆😜

d nmn cguro 20yrs 😆 sa takdang panahon 😆

I agree with you sis. naniniwala din ako ang para sayo, ay para sayo. Same din ako sayo noon, yung diploma ko di ko iba sa nakuha kong trabaho noon. Parang di ata para sakin yung trabaho na nasa diploma ko, pero pwede ko naman din sya magamit. Ang importante lang siguro is if may opportunity na dadating go lang. Balang araw mapapasaatin din yung pangarap natin sa kung anong aspeto ng buhay. hugs!!!

Yes naman, basta inukol ano? Darating at darating ang time kung saan magsashine naman tayo.

At least nagagamit pa rin kahit paano no? And may trabaho, yeah, grab it habang mainit init pa. Wag aatras kahit nakakapaso. ✨✨

Ang gusto ko lang talagang sabihin, parehas na mahalaga ang pinag aralan mo at ang diskarte, hindi natin sila pwedeng paghiwalayin at paghambingin.

No kailangan may piliin para may away!

Bilang di graduate ng college diskarte ako hahha inggit me sa mga may diploma kasi ang lakas ng laban nila sa buhay. Dami na ganap na missed out. Hirap ng buhay back then and till now din naman, pero ayun na nga kung ipupush diploma na may diskarte parin para safeeee.

HAHAHAHA, tinapos ko na nga para walang away, charrr, lol

Pero totoo, mas malakas loob nila sumubok lalo at maganda background. Ako lang ata ang tapos na walang lakas ng loob ay, lol

Oo naman sympre mas ayos parin na may pinag aralan.

Yung away? ASANNNNN

You have a degree! Clever lady 😁

Yeah, I have and sadly I'm no5 using it to a real job 🤧😆

It can be frustrating trying to get a job with your degree. I feel for you ruffa

Diskarte pa rin, diploma later. :D

Pwede naman no, ihabol lalo if isa yan sa dreams mo

Ako ay hindi pa nakakamit ang diploma na nakamit nyo.
Ano ang pakiramdam na hawak niyo na ang diploma nyo.
Kay sarap sabihin na akoy tapos na ,hawak ko na ang diploma ko.