DiskarteMuna Tapos Habulin ang Diploma

in Tagalog Trail28 days ago

Hindi ako naka graduate ng college.

Sa edad na 19 nag-umpisa na akong magtrabaho bilang isang call center agent sa Maynila. Masaya pero mahirap ang lagay sa araw-araw.

417134_3383159867307_764316503_n.jpg

Pag nagkakaroon ng tanungan, kung ano ang gusto kong maging trabaho noong hayskul dalawa lang ang sagot ko. Pwedeng medical transcriptionist o kaya naman ay call center agent dahil nadin sa nababalitaan ko noon palang na malaki daw ang sahod pag nag call center ka. Ayaw ko mag nurse, bagama't sa batch namin noon ay naglipana ang mga gustong mag nurse dahil sa laki daw ng sahod abroad, mas pinangarap ko nalang na mag call center.

Sa call center, basta makapasok ka sa trabaho hindi na ganoon ka importante kung mayroon kang degree na natapos ( sa panahon ko) basta hayskul graduate ka at papasa ka sa Ingles na exam ay paniguradong makakapasok ka agad.

Ngunit sa mga nakaraang taon na akoý nasa workforce industry napagtanto ko na mas mabisa parin talaga na mayroon kang diploma na pinaghahawakan.

May mga pagkakataon na nasasabi ko sa aking sarili na sana pala tinapos ko ang eskwela dahil sa mga oportunidad na hindi ko matamasa.

Nagkaroon noon ng mga promosyon sa trabaho, at sympre may mga requirements na kailangan maipasa.

Gusto ko sana ilakad ang promosyon ni Oliver kaso di sya tapos ng college.

Iyan ang isa sa mga nasabi sa akin ng aming bisor, noong nagkaroon kami ng one on one na coaching sa trabaho. Totoo naman, ang mga kasabayan ko noon ay graduate ng kolehiyo, nag masteral atbp. Ngunit dahil narin sa hadlang na iyan ay hindi ako mapili. Ang iba pa sa mga nag-apply sa mataas na posisyon ay ang mga taong tinuturuan ko sa production floor.

Qualified pero hindi.

Hanggang sa hindi na ako naghangad na ma promote dahil dito. Sakto na mayroon akong stable na trabaho sa kumpanya at nagkakaroon ng increase taon-taon.

Palagi ko parin naman sinasabi na gusto kong matapos ang pag-aaral, may mga online classes na ngayon na pwedeng mapasukan ang problema lang ay ang pera. HAHA kailan ba kasi tayo yayaman!

Paiba-iba parin ako ng pag-iisip kung ano ba talaga ang kukunin ko na course eh. Nag try ako mag take ng course ulit sa school. Financial management, isang taon lang ang inabot ko kasi di ko na kinaya ang schedule nang pagiging working student. Pagkatapos ng trabaho ko noon, derecho na ako ng school tapos gabi may pasok ulit. O diba papatayin ang sarili.

11011965_832145126835094_8761414081913214535_n.jpg

Mukhang happy lang yan pero wala pang tulog yan

Pero ayun na nga, kung may pagkakataon talaga kahit na madiskarte ka, sympre tapusin parin at maka kuha ng diploma dahil sabi nga nila ang kaalaman ay hindi mananakaw kailanman at iyan ay iyong magiging sandata sa kinabukasan.

And I thank you!

Sort:  

I have some friends na hindi nakapaggraduate (although kaunting units na lang kulang) but have prospered in their call center jobs and were even able to shift to mainstream work. You can also take certification courses to ramp up your academic profile.

Siguro, ang tendency to promote other people having better academic qualifications (i.e. masteral) ay dahil eto ay indicators of self-improvement. As long as you're able to do the same, plus the work experience, then I think not graduating won't be an issue.

Depende rin sa type of role mo at work. Try to focus being an SME (Subject Matter Expert) such that mahirap kang mareplace. This way, mas may reason kang mapromote or mabigyan ng raise.

Ui SCi!

Totoo to! Sa ibang CC pwede kahit di tapos, been an SME back then na. Pero going up sa ladder medyo mahirap na since managerial na ang next step.

You can also take certification courses to ramp up your academic profile.

This is what I did kaya medyo wala ako sa Hive ng matagal nagtapos ako ng courses, buti nalang si current company may mga ganitong pa program for their employees. ( Pero yoko maging sup dito masaya na ako at may yearly increase naman lol)

Nice, you're on the right track na pala. Keep it up, we're rooting for you sir!

Tama rin na it's not all about the money (or promotion), importante, masaya ka sa work. :)

Thank you Sci!

importante, masaya ka sa work. :)

oo naman sympre!

Okay lang po yan, hindi pa naman po tapos yung laban. Grabe saludo at proud talaga ako sa mga call center. Nakakainis lang yung iba sinasabi magkita-kita nalang sa call center pag hindi nakapasa, in a way na parang minamaliit yung pagiging call center, eh ang hirap hirap nga nyan. 🙃 I have close friends na call center, studyante sa umaga, call center sa gabi. Grabe like may times na wala talagang tulog for the whole 24 hours, but they can always buy what they want and they already have the experience which is very advantageous talaga sa industry. Anyways, makukuha mo rin po yan very soon. 🤞✨

Totoo napaka haba pa ng laban in life, hopefully pag yumaman tayo sa Hive haha makapag online class nalang.

Nakakainis lang yung iba sinasabi magkita-kita nalang sa call center pag hindi nakapasa eh ang hirap hirap nga nyan. 🙃

HAHA iba-iba kasi talaga ang perspective ng iba eh, may mahirap may madali kaya ganun ang nasa mindset nila. Not until makapasok sila dun, yung stress level pag nag take ka na ng call nako! Tanda ko parin ang unang call ko traumatic pero nilaban parin kasi kailangan pakatatag pasok sa tenga labas sa kabilang tenga lang.

Saludo sa friend mo napaka hirap nyan talaga sa totoo lang yang 24 hours sobrang sabaw na talaga yan hahah. Been doing it pero hindi regular, yoko pa mamatayyy hahahhaa.

Grabe yung health risk talaga. Good thing online classes yung first 2 years and a half namin sa college kaya nairaos talaga nila.

Tama ka, wag talaga icompromise masyado yung health, kase nga health is wealth. 🥹

Sa wakas nasagot na rin ang viral na tanong kung diskarte o diploma 😁

Get both if possible, kung di talaga kaya, it's not the end of the world, pwede pa rin umunlad sa diskarte basta sabayan ng sipag at dignidad.

HAHHAHA sympre kailangan nating sakyan yan.

If kaya talaga i push yun, hindi naman kasi lahat sa atin nagkaroon ng chance na makapag aral. Kung makapag working student man mahirap din kasi you juggle everything.

Ui magpost ka din ng sagot and even create some contents sa Tagalogtrail kung wala kang maisip na post sa araw. ( Sayang din ang possible hive earnings hahaha)

Hindi ako masyadong mgaling magtagalog. Iba kasi dialect namin. Hahaha. Pero try ko.

Baka mabash ang grammar ko 😱

Ayun langs! Di naman tayo mga grammarian dito.

Para lang may maipost within the day.

True, your diploma can really be your weapon or even your shield. Pero ayown nga lang, pag mahirap ang buhay talaga, nahihirapan ka rin kumuha ng diploma.
Pwedeng pagsabayin pero mahirap talaga yan.
So natapos mo ba tp? nagka diploma ka ba?

So natapos mo ba tp? nagka diploma ka ba?

Di pa besh.

Hays sana matapos in the future sympre pero yung importanteng gastusin muna

It's sad naman na kahit deserving ka hindi mo makuha dahil walang diploma. Pero pwede naman ibigay sayo, depende sa discretion ng management. (But then again, what do I know, maybe I'm just thinking differently.)

Sa true, baka di rin ako ganun ka handa pa that time. Mga twenties palang ako noong time na yun. Di natin alam ang pumapasok din sa isip nila pero the thought na gusto nila still matters ❤️

Gusto ko sana ilakad ang promosyon ni Oliver kaso di sya tapos ng college.

Sad talaga, sayang ng opportunities nu, dun natin napagtanto kailangan padin ng diploma kahit madiskarte at magaling ka naman.

Ako hindi degree ung diploma ko, wala din ako diskarte, landi lang meron ako lol

Ako hindi degree ung diploma ko, wala din ako diskarte, landi lang meron ako lol

Talo ng landi ang lahat! The LANDI prevails! 😆😆😂😂😂

I agree! Kahit na sabihin na di lahat Ng may diploma ay magaling, iba pa din kapag may degree ika nga.

Sa current work ko, malaking factor papel na Yan as certification ng academic achievement.

Sad to say, may Kasama ako na been in the company, since then, imagine 25yrs of more but I have a feeling malaki pa sahod ko sa kanya 🥹. Kasi di siya tapos.

Most likely ganun nga! Pero nasa tao parin naman yan kung i push parin nila to get one.

25 years of service and no increase - medyo parang needed na maglipat bahay na.

8 hours of work tapos aral pa, deadz na katawan natin dyan. 4 hours of work lang ako sa jollibee for the experience lang naman at 18 units kinuha ko.

HAHAH nako isama mo pa ang travel time papunta sa work na two hours. How to survive besshhh

Nako yung 4 hours of work oks yan kaso mahal din ang tuition eh di sasapat sa needs.

Sa true lang di nga sya sapat kasi nga magkano lang naman nakukuha ko sa 4 hours of work na yon. mga 3-4k pesos lang talaga naipon ko sa 6 months na yon.

hahahha sadttt maliit nga yan given na that was agess go pa nangyari.

stepping stone ko lang din yong jollibee para may work experience kuno sa resume ko habang nag aaral.

!gif jolibee

ano na Jabee dami mong inalipin na tao! HAHHA

May online courses sa PUP for undergrads, try mo if you want, TP! State U naman yun so may scholarship.

Marami rin akong kakilalang di nakapagtapos pero madiskarte kaya nakakaluwag luwag. Laban lang!

May online courses sa PUP for undergrads, try mo if you want, TP! State U naman yun so may scholarship.

PUPian ako haha nako pwede pa kayang makabalik dun - tagal ko na nag AWOL sa kanila.

If push comes to shove pwde din yung isang government program na kung saan itake nila yung experience ko sa work then kaunting units nalang forgot the name pero ni consider ko sya nung mga nakaraang mga buwan ang problema nga langggg almost 100k din magagastos for everything hahah.

Hirap maging poor, wen ba moon ng Hive?