MCGI TOPIC REVIEW: "Kung Saan Ako na gising ay doon na lang ako, Tama ba ito?" 🙏😇🤗

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇

Unang una sa lahat labis talaga ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa bawat araw na nagdaan sa akin buhay, palagi Niya akong inaalagaan at binibigyan ng lakas. Isa rin sa aking pasasalamat ay ang mga admin ng community na ito dahil sa hanggang ngayon ay palagi pa rin ninyo akong sinusuportahan.

Nandito na naman ako upang magbahagi ng aking panibagong repleksyon o topic review dito sa community. Isang napakagandang topic na naman ang ating pag-uusapan na merong pamagat na, "Kung Saan Ako na gising ay doon na lang ako, Tama ba ito?".

Habang tayo ay nandito pa sa mundong ating tinirahan ngayon, hindi natin maikaila na marami talagang mga pinaniniwalaan ang mga tao mula pa ito sa mga tao noong sinaunang panahon o ang mga kinanununoan natin, at hindi natin ito sila maiiwasan.

Pero isang paalala sa atin ito na bagamat marami tayong pinaniniwalaan, hindi natin masasabi na kung saan tayo nagising o namulat ay doon na rin tayo lalo na kung ang mga ito ay mali, dapat na tayong umalis at magbago.

Maraming ibinigay si Bro. Eli Soriano na makukuhaan natin ng aral. Tulad na lamang na kung sakaling tayo ay nagising na nasusunog ang ating bahay, mananatili pa rin ba tayo sa luob at walang gawin dahil dito na tayo namulat o nagising, kung hindi tayo aalis sa bahay tiyak na merong mangyayaring masama sa atin.

Tulad din ito sa ating pananampalataya, kung alam nating hindi ito sakto o mali ito, huwag na tayong manatili dito, bagkos ay basahin natin ang ating mga Bibliya at manilawa sa Dios. Maraming mga paniniwalang hindi ayon sa Salita ng Dios na dahil ito na aking kinagisnan o sa sabi nga na nagising sila dito, ay dito na rin sila. Pero kung ating babasahin ang Salita ng Dios, itong lahat ay mali.

Isaias 52:11 "Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon."
2 Corinto 6:16-17 "At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,"

Kung ating pag-aralan ng mabuti ang mga Salita ng Dios, ito ay nagtuturo sa atin na umalis tayo sa kahit na anomang mga pinaniwalaan nating hindi ayon sa Dios lalong lalo na itong mga tradesyon o mga ginagawa nating pagsamba sa mga diosdiosan o mga iba pang gawain nating taliwas sa Salita ng Dios.

Sabi pa sa Salita ng Dios na tayo ay umalis dito at huwag humawak ng kahit na anomang marumi dahil tayo ay templo ng Dios na dapat nating pahalagahan na huwag marumihan mula sa mga bagay na marumi at kinapupuotan ng Dios.

Ngayon naman dito sa aking pang huling repleksyon o review mula sa topic na ito. Masasabi kong isa na naman itong magandang pag-usapan dahil alam nating maraming mga tao sa mundong ito na kahit na alam na nilang mali sa Mata ng Dios ay ginagawa pa rin nila.

Marami akong kilalang ganito na ang kanilang pananampalataya ay nakabasi sa kanilang nakikita pero bunga din ito sa kanilang nakagisnan mula noong pagkabata o sabi na ito ang nalaman nila pagkagising nila. Wala akong derktang magagawa na mabago sila pero ang tanging magagawa ko lang ay ipagpanalangin sila na mabuksan ang kanilang mga puso at isipan, upang malaman nila ang katutuhanan.

Sa tanong kung mali ba ang kasabihang, kung saan ako nagising ay doon na rin ako, para sa akin ay mali kung ang kinamulatan natin ay mali kung kaya kailangan itong itama sa tulong ng Dios. Kung tama naman ang ating kinamulatan ay ipagpatuloy natin ito sa tulong parin ng Dios.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Kung Saan Ako na gising ay doon na lang ako, Tama ba ito?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.