Paggawa Ng Mabuti sa Kapwa, Pagkakataong Bigay Ng Diyos|| MCGI Review

Isang mapagpalang Araw sa ating lahat mga kapatid and anak ng Diyos. Ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan ng pagmamahal natin sa Diyos, isa ito sa mga mabubuting gawain na dapat ipairal dito sa Mundo. Para sa paksang ito, naglalaman ng mga mabubuting gawain sa ating kapwa. Tayo dito sa Mundo ay isang instrumento ng Panginoon para makagawa ng mabuti sa ibang tao. Ang paggawa ng mabuti sa ibang tao ay walang pinipiling panahon, lugar at oras. Kung sa tingin natin na makakatulong tayo at umaapaw ang mga biyaya natin, dapat gawin agad ito dahil ang mga masama ay palaging nakasunod sa atin at ang mga tentasyon ay lalapit sa atin aa lahat ng Oras.

Ang videong ito ay naglalarawan at naglalaman ng paksa tungkol sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Dapat magpasalamat tayo sa mga maraming biyaya na natatanggap natin mula sa Diyos at hwag ipagkait sa iba lalo na sa mga taong nangangailangan ng tulong mula sa atin. Mapalad tayo na may mga biyaya at mapalad tayo dahil pwede tayong makatulong sa ibang tao at makapaghatid ng kasiyahan sa kanila. Kahit sa simpleng tulong basta mula sa ating Puso ay malaking bagay na ito sa kanila at madarama ng ibang tao na may nagmamahala at nagmamalasakit sa kanila.

Screenshot_2024-05-14-15-11-26-01.jpg

Source
Ayon sa banal na kasulatan mula sa

Kawikaan 3:27:
Huwag mong ipagkait ang mabuti sa kinauukulan, pag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gagawin.

Ibig sabihin, kung sa tingin natin ay makatulong tayo sa ibang tao o di kaya ay umaapaw at subra-subra ang mga biyayang nasa atin dapat magbahagi rin tayo sa ibang tao. Nakasaad at planado na mula sa Diyos ang lahat ng ito at tayo ang kanyang instrumento sa paggawa ng mga gawain na gusto niyang ipatupad sa sangkatauhan.

Screenshot_2024-05-14-15-13-46-27.jpg

Source
May ibat-ibang paraan at sinyales kong paano tayo kinakausap ng Diyos sa pamamagitan din ng tao. Mga biyayang darating aa ating buhay na siyang magbibigay daan upang makatulong tayo sa ibang tao. Ang palaging pagdasal sa Dios ay isa ring paraan ng pakikipag-usap sa kanya at dahil binigyan tayo ng isip para makaisip sa paggawa ng mabuti ay isa rin itong paraan sa pagtugon sa gustong ipagawa ng Diyos sa atin. Ang paggawa ng mabubuti gaya ng pagtulong sa kapwa na walang hangad na kapalit ay kinalulugdan ng Dios dahil sa magagandang gawain sa kapwa tao. Ito ang magandang ipairal dito sa Mundo, ang pagtutulungan ng bawat isa bilang anak ng Dios.

Screenshot_2024-05-14-15-08-47-14.jpg

Source
Mabuting makinig tayo sa tigon ng Panginoon sa atin at makinig sa kanyang mga magagandang utos upang mamuhay tayo ng payapa. Magkakakaroon tayo ng masayang buhay at nakakataba ng Puso kapag nakagawa tayo ng mabuti o nakatulong tayo sa ibang tao. Kapag nakikita natin silang masaya ay maging masaya din tayo. Ang paggawa at pagtulong sa iba ay sinaamahan ng dasal pasasalamat sa lahat ng mga biyaya at dasal para sa kapwa. Dapat bago gumawa ng mabuti sa iba ay dapat humingi tayo ng guidance sa Dios para mga nais nating gawin gaya ng pagtulong sa ibang tao.

Screenshot_2024-05-14-15-10-09-09.jpg

Source
Kaya huwag palampasing tumulong o gumawa ng mabuti sa iba. Nasa ating mga kamay kong tayo ba ay tutulong at gumawa ng mabuti, maraming paraan ng pagtulong sa kapwa o di kaya ay gumawa ng mabuti. Kahit ito ay simple lang basta nagmula sa ating Puso ito ay napaka-importante at ang Dios ay maging masaya dahil dito. Ang paggawa ng mabuti ay parang nagtatanim ng mga maraming mamahaling pananim na pagdating ng Araw ay aanihin ito at magkakaroon ng magandang ani. Ibig sabihin ang paggawa ng mabubuti ay makakatanggap ng gantimpala mula sa Panginoon. Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking artikulo, magandang umaga sa lahat.