Diploma o Diskarte | Tagalog Language Blog Post

Intro

Madalang na nagkakaroon ako ng pagkakataon na makapagsulat sa wikang Tagalog. Kadalasan kasi ay business correspondence at hindi personal ang mga sinusulat. Pati ang pagsusulat sa personal blog ay ginagawa sa wikang Ingles para maintindihan ng iba.

Mabuti na lang at andito ang @tagalogtrail promts bilang hudyat sa paglalathala sa ating sariling wika. Taglish ang napili kong paraan ng pagsusulat bilang mas casual o di kaya ay conversational na tono dahil hindi naman ito dokumentong ipapasa sa teacher sa eskuwelahan bagkus ay blog, na sa aking palagay, ay hindi nangangailangan ng diretso at istriktong pamamaraan ng pagsusulat.

Maari kayong mag-click ---> DITO kung nais mo ring sumali sa prompt na ito.


Kalendaryo ng #tagalogtrail prompts.




*#tagalogtrail blogging prompt para sa buwan ng Mayo. Mula sa post ni @tpkidkai.


Diploma o Diskarte

Mahalaga ang edukasyon sa ating mga Pilipino at ang pagtatapos sa kolehiyo ang madalas nasa una sa listahan ng mga pangarap para sa ating mga anak. Ito rin ang madalas nagbibigay sa atin ng kakayahan at kaalaman upang makapasok sa isang uri ng trabaho. Mahirap maging isang doktor o abogado kung hindi ka magaaral sa eskuwelahan. Kasama sa diploma ay may kaakibat na board exam ang gobyerno na nagsasabi na sapat ang ating kakayahan upang legal na makapagbigay ng serbisyo bilang doktor, abogado, engineer, nurse, at marami pang iba. Sa ganitong kalagayan ay hindi option ang diskarte lang.

Sa kabilang banda, mayroong mga propesyon na hindi nangangailangan ng diploma at maraming halimbawa ng mga napakalaking negosyo ang sinimulan ng mga taong hindi naman nagtapos ng kolehiyo kagaya ng Microsoft at Apple - ang mga founder nito ay college drop outs. So, magandang linya ng trabaho ang technology at tech companies na puwede ka maging successful kahit wala kang diploma. Ang ilan pang trabaho na naisip ko na pwedeng pasukun ng walang diploma ay ang sales, karpentero, driver, mason, entrepreneur, artist, content creator, imbentor, motivational speaker, entertainer, photographer, artista, at marami pang iba.


Conclusion

Maraming dahilan at sitwasyon ang nagtutulak sa atin upang pasukin ang isang propesyon. Noong unang panahon ay malaking factor ang opinion ng ating mga magulang sa pagpili ng magiging major sa kolehiyo at ang propesyon na papasukin. Ngayon ay masasabi ko na malaki na ang porsiyento ng mga kabataan na nagdedesisyon sa kanilang sarili kung anong kukuhing kurso sa unibersidad. Mabilis na rin kasing makakuha ng impormasyon sa internet sa iba't-ibang academic programs na ino-offer ng mga kolehiyo at unibersidad dito sa atin.

Hanggang dito na lang. Nawa'y may natutunan kayo sa aking munting blog post at nalibang sa pagbabasa. Maraming salamat.

@juanvegetarian

Sort:  

Noong unang panahon ay malaking factor ang opinion ng ating mga magulang sa pagpili ng magiging major sa kolehiyo at ang propesyon na papasukin

Wala pang ganun kadaming choices noong panahon natin, mahal ding mag-aral at hindi pa ganun ka sikat ang mga STATE Universities noon :(

Gusto ko sympre yung diploma, dahil mas may bala ka sa buhay pag may diploma parin.

True. Mas marami na ang opportunities sa ngayon, especially at may batas nang free education. Noon ay UP, PNU, at ilang state colleges at universities lang ang choice mo. Swerte talaga ang mga kabataan sa ganitong bagay kaya naman mas mataas rin ang expectation sa kanila. 😀