Anunsyo Mula Sa Pamunuan Ng Tagalog Trail

in Tagalog Trail21 days ago

Maraming salamat sa mga tumatangkilik sa likhang Tagalog, aking batid na madalas ay walang kaganapan sa komunidad na ito sa kadahilanang walang pera dito abala ang admin sa totoong buhay.

Gayunpaman, naiisip ko parin na gawing mas aktibo ang ating komunidad sa mga susunod na araw.

Para sa mga naghihirapan na mag-isip nang kanilang isusulat sa kanilang blog naisipan ko na mag gawa ng mga prompts sa araw-araw.

Green and White Minimalist 2024 Calendar.png

Tayo ay mag-uumpisa sa araw ng Lunes Mayo 13 dahil sobrang huli na tayo sa buwan nang kalendaryo. Mangyari lamang na sundin ang prompts sa araw na yaon, para hindi na nakakalito sa nagbabasa.

Kung mapapansin mo, panay keywords lang ang aking ginamit sa ibang prompts dahil ibig kong mas malaman kung paano ninyo pag lalaruan ang konsepto. Dahil tayo ay may ibat-ibang karanasan, ibat-ibang likha ang aking inaasahan sa bawat blog na magagawa.

May premyo ba sa mga sasali?

Sa ngayon ay may nakatabi pang 20 na Hive na hindi ko nagamit noong nakaraang taon. Ito ay ipapamahagi sa mga sumali sa prompt sa pagsulat sa ating munting komunidad. Sa katapusan nang buwan, mano-manong hahatiin ang 20 na Hive sa mga sumali, at depende sa kanilang partisipasyon ang kanilang makukuhang reward. Mas maraming sumali, mas liliit ang pool ng reward. Bagama't maliit lamang iyon, kung mas marami naman tayong magagawang blog post o makakagawa ka ng blog post sa araw na iyan ay panalo parin ang lahat.

Maari mong gamitin ang #vote-me na function ni HivePH para ma-upvote ang iyong post. O kung hindi naman, ay kung aking madaanan at wala pang upvote ikaw na nakukuha mula sa bot ay ako na ang magpasa.

Gaya nga ng nabanggit, kailangan nating mas maging aktibo at makapag ipon pa nang maraming Hive dahil hindi natin alam... malay mo lumaki ang halaga ni Hive sa mga susunod na araw at dahil wala kang maisip na ipost hindi ka na gumawa pa.

Ayun lang parehas parin na mekaniks.

  • Gawa ka ng post sa Tagalogtrail community
  • Gamitin ang hashtag na #tagalogtrail
  • I-source nang tama ang larawan
  • Bawal ang content na sinulat ng AI.

Maraming salamat at inaasahan ko ang inyong pagsali!

Sort:  

Cool check ko maya maya ito!

Can we use ecency points as part ng reward kaya? Para magamit naman ecency points ko, ipang reward na din natin yorn?

Pwede naman ruffa if i sponsor mu.

Hala thank you so much! !gif thanks

Sige sigeeee, pero san ko ipapasa sayo ba? Para ikaw na din mag distribute haha

Hahaha dito mo nalang i send @toto-ph nagamit kasi ako ng boost sa eceny baka magamit kooo

Sent (☞^o^) ☞

HALA ang bongga naman nung pa points na nasend. I distribute ko ito hangang katapusan ng taon. Thank you Ruffa!

Same. Diko din nagagamit ecency points ko don. 😅

Edonate na natin yarn uwu

Can I like, make post post dito gamit yung prompt mo kahit di know masyado Tagalog?

Yes you can naman beshywap. Tag-lish will do.

Wow😲 love this‼️‼️ try ko magsulat ng tagalog rito. Hoping this community to grow🙌🙌

Welcome ka dito! The goal muna ay maging active hahha been busy with life chill lang dito pag wala na maisip na ipost.

Hello po sir, ilan po ba ang maximum photos ang need e post?

Wala namang max, pwede isa lang or pwede ding wala.

Di naman ako mahigpit sa pics as long as properly sourced kung di galing sa iyo ang pic. Mahirap na mahuli pa tayo ni Hive watchers 😁😆

Ahhh okay cge cge po, own photo ko naman po ito, thanks po sa pagsagot

Okiii looking forward sa post mue.

Hehehe yes po

kailangan nating mas maging aktibo at makapag ipon pa nang maraming Hive dahil hindi natin alam...

..baka next year kailangan natin pang gastos sa Cebu hahahaha

Ito pa! Naku po hahah kung sa Cebu nga gaganapin tatlo kami mag ba byahe (kung sasama man ako ) ang laki ng gastossss

Maraming Salamat sa pag bahagi sa akin tungkol sa tagalog community.

Sulat na te! hahaha may daily prompt dito

Kaya nga kalkal sa gallery

Maraming salamat po ate for referring me here

how many words naman to? gusto ko lang mag praktis magsulat in tagalog. hahaha

250 siguro para naman may chance parin na ma curate ng iba. Kasi ang ibang curators word count din ang binibilang eh hahaha

hahaa sige hindi na ako mahihirapan sa kalisod pag 250 words lang. hirap kaya mag isip ng ibang tagalog words. hahaha

Sa chruee basta the goal ay makapag post na within the topic parin.

Ang goal ay makapag post ng isang blog atleast sa isang araw para sa Hive.

At ayon na nga!! ang pinakahihintay koooo Bwahahahaha Meron na din sa wakas tagalog! 🤣✌🏻

Ang kulit nyo kasi ayan good for hanggang katapusan na yan.

Sinagad na talaga HAHAHAH 😂 pero bakit may vetsin jan ha?

Sympre wala ako maisip na tanong eh bahala ka na kung paano i interpret yan hahah.

Parang mapapalaban ako~

untitled.gif

tagalog lng ba dapat? meron pla ganyan na community

pwede tag-lish

Wahaha, nako hirap tlga minsan manghikayat pag wlang mlaking premyo pero keribels lang yarn. For sure meron pa rin sasali. 😁

HAHAH truee pero the goal lang naman is daily blog na magawa, sumali o hindi oks lang panalo lahat. Pero sympre mas okay na may blog kahit pa isang araw lang.

Okay to ah!

Sali na Lodens! May ilang araw ka pa para makahabol.

OK na OK to, may topic na at napansi ko magaganda ang topic ha. Good! :)