Naniniwala ka ba sa mga to? Take time to read

in #architecture2 years ago

Maraming konsiderasyon ang dapat isaalang alang sa pagpapatayo ng bahay. Di kase madali ang proseso nito at sangkatutak na problema ang maaaring mararanasan habang nagsisimula ito. Mula sa pagkuha at pagpapa approve ng mga documents, permits, at iba pang bagay, hanggang sa pinansyal at emosyonal na aspeto ng ating pagkatao.

Pero naisip mo na rin ba na may mga kakatwang pamahiin din sinusunod tayong mga Pilipino kapag mag papagawa ng bahay?. Kung hindi ka pa pamilyar, narito ang ilan sa mga sikat na pamahiin o construction beliefs nating mga Pilipino.

  1.   1. Malas daw ang Bahay na may 13 poste
    

Alam halos ng tao sa mundo na ang number 13 ay isang malas na numero. Simula pa sa mga ninuno natin ay masasabi na nating iniiwasan na ito dahil daw sa may dala itong malas. Halos lahat ata ng bagay sa mundo ay ayaw idikit sa numerong ito, gaya na lang sa pagpapagawa ng bahay. Sinasabi sa paniniwala na kapag ang bahay mo ay may 13 poste ay puputaktihin raw ang mga nakatira rito ng malas gaya na lang sa pinansyal, career, lovelife at iba pa.

  1.   2. Malas daw ang Bahay kung ang hagdan ay may 13 hakbang.
    

Kagaya din ng paliwanag sa nauna, numerong 13 pa din ang pinagbasehan ng ikalawang pamahiin. Ito ay base sa Chinese beliefs na “Feng Shui” kung saan ang mga salitang Oro, Plata at Mata ay syang basehan. Ang Oro o Ginto at Plata o Pilak sa pamahiing ito, ay sumisimbolo sa properidad o success, at ang Mata naman ay sumisimbolo sa “Bad Luck” o kamalasan. So next time na magpapatayo ka ng bahay, make sure na nakasunod ito sa pamahiin ng “Oro. Plata at Mata.

  1.   3. Pag-aalay ng dugo ng buhay na hayop sa mga pundasyon ng bahay.
    

Isa na siguro sa mga kakaibang pamahiin nating mga Pinoy ang ganitong uri ng ritwal. Ngunit marami pa ring mga tao sa Pilipinas ang gumagawa nito. Maging ang mga malalaking kumpanya sa kamaynilaan ay sinusunod pa din ang ganitong paniniwala. Sa Prosesong ito, kinakailangan raw na buhay na hayop ang gagamitin sa pamahiing ito para gawing alay sa mga espiritu na nagbabantay ng kalikasan. Sa prosesong ito, ang dugo ng hayop ang ipandidilig sa mga pundasyon ng bahay, poste, at maging sa mga biga (beam) at flooring. Isa daw ito sa mga paraan para maging safe at ligtas ang bahay o gusali na itatayo. Pagkatapos ng ritwal ay pagsasaluhan ng mga trabahador at may ari ng bahay ang naturang hayop na pwedeng gawing ulam o pulutan.

  1.   4. Panahon o buwan ng pagpapatayo ng Bahay.
    

Sa mga kontraktor o propesyunal na nagtatayo ng bahay, kabisado na nila ang buwan kung kelan marami o madalas ang nagpapatayo ng kanilang dream house. Ayon sa mga may experience na sa pagtatayo ng bahay, ang mga buwan ng March, June, July, August, September o November. Wala naman sayentipikong nasusulat kung bakit sa mga buwan na ito mainam magpatayo ng bahay. Maaaring may kinalaman sa materyales o pag schedule ng mga kliyente kaya natation ito sa mga buwan na ito. Pwede rin naman may kinalaman sa produksyon ng materyales, gaya na lamang sa buwan ng Marso, kung saan papasok ang Summer o tag init. Mainam kase ang tag init sa mga nagsu-supply ng CHB o Concrete Hollow Blocks, dahil ang init ng araw ang syang pangunahing instrumento nila para sa pagpapatuyo nito. Mas madali din magpatuyo ng buhos o “Concrete Pouring” sa mga flooring at biga kung tirik ang araw kung saan pwedeng maiwasan ang ampaw at anumang depekto sa konkreto. Ang buwan naman ng Setyembre hanggang Nobyembre ay nagpapahiwatig ng “BER” months sa ating mga pinoy, kaya naman dumadagsa din ang mga sale at discounts sa mga materyales kaya maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit marami ang nagpapatayo sa mga buwan na ito.

  1.   5. Iwasan ang pwesto ng lote sa pinakadulo ng subdivision
    

Sa pagbili ng lote, maraming konsiderasyon ang dapat isaalang alang. Nariyan ang lokasyon ng loteng bibilhin o pagpapatayuan ng bahay. Sa mga subdivision, tinatawag na “Dead End” o sa mga parte na may “Cul De Sac” ang lokasyon na ito. Ito na kase ang pinaka dulong bahagi ng subdivision kung saan malapit sa boundaries ng buong compound, na malayo na sa main road o entrance. Ayon kase sa paniniwala, kapag malayo sa entrance ang iyong lote at matagal at mabagal ang pasok ng swerte ng iyong bahay. Dagdag pa ang dead end na nagpapahiwatig ng katapusan o saradong lagusan ng swerte.

  1.   6. Paglalagay ng bagay sa mga haligi ng bahay
    

Ayon sa pamahiing ito, ang paglalagay umano ng barya o medalyon na pangrelihiyoso ay nakakatulong para paalisin ang malas o masamang espiritu na maaaring nasa paligid. Ang mga nasabing bagay umano ay nagpapanatili ng katahimikan at nagpapasok ng prosperidad sa loob ng bagong gawang tahanan.

  1.   7. Araw ng paglipat sa bagong gawang bahay
    

Sa mga naniniwala sa pamahiin, may mga araw umano na dapat sundin sa paglipat sa bagong gawang bahay. Kung ang bahay mo umano ay naturned-over na sayo, lumipat daw sa mga araw ng Miyerkules o Sabado. Pero wala pa naman basehan kung totoo ang paniniwalang ito, at nasa may ari parin ng bahay kung kelan sya lilipat. Maaari ka naman lumipat ng bahay kung maayos na at wala ng problema ang bagong gawang bahay.

  1.   8. Paglipat sa bagong gawang bahay sa kabilugan ng buwan.
    

Isa na rin siguro ito sa mga kakatwang pamahiin nating mga pinoy. Ayon kase sa pamahiing ito, kung ikaw ay lilipat sa bagong gawang bahay isang araw bago mag full moon, sagana ang iyong tahanan ng pagkain at di magugutom ang mga nakatira dito.

  1.   9. Pagpasok ng Asin at bigas
    

Ito na siguro ang isa sa mga pinaka matandang pamahiin sa ating mga Pilipino. Sabi kase sa paniniwalang ito, ang asin at bigas ay sumisimbolo sa swerte o Good Luck. Ang asin bilang pantaboy sa mga masamang element habang ang bigas naman ay sumisimbolo sa prosperidad.

Pero sa ilang matatanda, kahit di bagong gawa ang iyong bahay, ang pagkawala ng bigas at asin sa isang bahay ay nangangahulugan ng malas o Bad Luck.

Trivia:

Meron isang pamahaiin na kapag ang isang bubuyog ay nanirahan o nasa loob ng bagong gawang bahay, magdadala ito ng swerte at kayaman sa loob ng bahay.

Sa huli, walang masama kung susundin ang mga pamahiin sa pagpapagawa ng bagong bahay. Nasa tao pa din kung paniniwalaan nya ito, kung swerte o malas man, o may magandang maidudulot, ay wala naman itong problema. Sipag at dasal ang mabisang paraan makatamtan ang ninanais na “Dream House”