Ipon tips para sa mga SINGLE by Seantrepreneur

in #business7 years ago

FB_IMG_15089505647171769.jpg

Ang susunod na tagpo ay may temang katotohanan. Tipong nasasaktan ka pa ngayon, sasaktan pa kita ng masakit na katotohanan.

Ikaw ba ay single?
Ikaw ba ay palaging 3rd wheel?
Ikaw ba yung taong wala na ngang jowa, wala ding ipon.
Ikaw ba yung lakas maka yolo tapos pulubi later?

Kapatid, karapat dapat mong basahin to’ at unawain ang mga susunod na tagpo. Eps! Walang iyakan ah. Bawal ang pusong mamon dito dapat strong ka. Iniwan ka na nga, tapos iiyak iyak ka pa.

Well, sa 3 years kong pagiging single ito yung ilan sa experience ko na ishashare ko sa inyo at experience din ng mga nanghihingi sa akin ng advises plus nakakasalamuha ko ding mga tao. Dahil taken na ako noong October 25, 2017 ng babaeng nakilala lang ako sa Peso Sense at crush ako, so pogi na ba ako? Joke. Sinagot ko na siya, may kami na.

Applicable lang po talaga to sa walang jowa na walang anak, di po pwede ito sa single parent kasi for sure talagang madidiskarte talaga sa buhay ang mga single parent. Salute sa inyo! Haymabu! Werpa! Begra! Saludo po ako sa mga pagsusumikap niyo sa buhay!

Unang Yugto.
BAKA KAYA KA WALANG IPON KASI ANG LAKAS MONG LUMAMON.
● Bes, alam kong broken ka. Pero ang masakit niyan baka broken ka na nga, broken pa din ang bulsa. Sucklup di ba? Baka siguro di tayo magustuhan ng gusto natin kasi ang lakas natin kumain. Oops, di ako magmamalinis, experience ko din to’ tipong ang boslog ko na tapos wala pang ipon,petmalu! Well, sabi nga ng iba. Kapag gwapo or maganda ka, pumayat or tumaba ka man gwapo at maganda ka pa din. Pero bes, what is beauty when your wallet is empty di ba? Hwag masyadong galingan sa pagkaen. Pwedeng mag No sa mga kainan lalo na kung gastos yan. Tipong lahat ata ng fast food chain nakainan mo na at linggo linggo ka sa buffet. Napaka angas! Pero kung ininvite ka lang din naman tapos libre, namnamin mo na. Walang mas sasarap pa sa pagkaeng libre.

BAKA KAYA KA WALANG IPON KASI MAS MADALAS KA PANG MAG LAKWATSA KAY MAG IPON.
● Single is life, tipong kada friday walwalan. Kada friday party party. Kada weekend eh nasa galaan. Yes, hwag mong ilimit ang sarili mo 4 na sulok ng trabaho mo pero hwag naman palagi. Baka mas madalas ka pang gumala kaysa sumahod eh, tipong yung gala mo inutang mo pa. Hwag ganun! Invest in memories pero make it a memories na ipagpapasalamat mo. Hindi yung after mong gumala, ma iistress ka paano magbayad sa utang, eh kaya ka nga gumala para mag unwind tapos ma i stress ka na naman. Di mo napapansin tumatanda ka na ng walang napapala sa buhay. Tipong kakahanap mo ng forever sa bundok at dagat, ayan walang nahanap. Hwag hanapin, darating yan. Ang pag gala ay never masama, pero hwag naman puro gala to the point na nga nga na later. Mag laan ka ng travel fund mo pero hwag naman na mas mataas pa yung travel fund mo sa emergency fund mo. Very wrong! Tipong halimbawa, 18k batanes tour tapos 15k lang sahod mo. Bigti na Bes! Alam mo maganda diyan? Increase your cashflow or maglaan ka ng alkansya na designated lang sa pagpunta mo sa batanes. Pak ganern! Tapos mag aya ka na din ng tropa, hindi yung single ka na nga loner ka pa. Iyak!

BAKA KAYA TAYO WALANG IPON KASI GALANTE TAYO.
● Narasanan mo na ba yung gagala kayo tapos sagot mo palagi? Kasi ikaw lang naman yung walang jowa, kaya sagot mo talaga minsan. Lalo na yung ikaw yung 3rd wheel, minsan kakapal ng mukha ng mga mag jowa eh. Lakas mag PDA sa harap mo eh nilibre mo na nga. Kaya ako baliktad ginagawa ko, ako ang dapat ilibre kahit 3rd wheel ako. Aba! Mahal ang talent fee ko. Candid shot niyong pang I.G. tapos taga picture niyong mala pre nup tapos ako pa manlilibre? Very wrong! Naranasan mo na ba yung kapag yung kaibigan mo broken, tatakbo sayo tapos ililibre mo. Tipong ilang beses mo ng sinabihan na hwag ng magpakatanga sa pag ibig, bukas sila na namab ulit. Badtrip! Sayang yung pinang gala eh. Ito pa malupet, dahil sa single ka nga. Naranasan mo na bang magpasikat kay Crush at niyaya siya sa labas. Tipong nag iinvest ka ng oras at pera, tapos busted ka pala or may jowa pala. Langya! Refund! Bes, okay naman na maging galante minsan kung kinakailangan. Hindi yung palaging ikaw ang taya. Ikaw na nga taga bigay ng advise, ikaw na nga may sagot sa inuman tapos yung wala pang cheap in ang malakas magyaya ng inuman. Ang lakas! Minsan okay ng tanga sa pag ibig, hwag sa mga kaibigan. Pwede naman mag bonding kayo sa bahay tapos ambagan. Mas tipid pa! Hindi yung lalabas kayo, tapos ikaw yung mapera edi sagot mo na. Very wrong! Hwag ganun!

BAKA KAYA WALA TAYONG IPON KASI MAHILIG TAYO SA SALES.
● Ito maraming tatamaan dito eh di lang single. Naranasan mo ba yung tipong sahod day tapos naubos ang pera mo sa sales? Tipong pay, slip agad sa sales? Tipong kung anong nagustuhan eh bili agad. Well, single nga naman kasi why worry? I can still earn the money, wala naman akong priority. Yoloing nga di ba? Ang tanong, hanggang kailan kaya? Bes ang ganitong mentality minsan nadadala mo din kahit mag ka jowa ka na at minsan rason din ng hiwalayan. Minsan nagiging hobby mo na din ito na kada sales dapat may mabili ka. Very wrong! May iba di man sa sales adik, sa bisyo naman. Casino, alak, yosi, and more. Bes, magbago ka na. Duterte na! Malapit na tayong dalawin ng mga alien ganyan ka pa din. Mag ipon ka naman. Tatanda ka din! Kapag wala kang naipon, walang sisihan ah.

BAKA KAYA WALA TAYONG IPON KASI PANAY ANG DATE NATIN.
● Ayan, walang makakailag sa ganito lalo na mga single diyan! Ako aminafk ganito ako dati. Tipong basta may makilala tara date agad pero di ako fboy. Date lang talaga. Girls, hwag kang pa exemption diyan. Marami akong kilalang ganyan. Nako! Di niyo pa jowa kung makapag invest na akala niyo kayo na, binola ka lang ng konti kinilig ka na agad? Nagbigay lang ng complements, si mister right na agad? tapos kapag umasa ka magdradrama ka, magyaya ka na naman, tapos kapag broken ka lalapitan ka na naman ng lalake, tanga ka na naman. My ghad! Hwag ganun Bes! Respeto sa sarili, di nagkakaubusan ng lalake sa mundo. Sensya, taken na si ako. Mga Bes, walang masama sa pakikipag date. Date lang naman, pero hwag tayong bida bida kung di naman talaga kayang panindigan. Di ba? Kung nakakayaman lang pagiging bida bida, nako bilyonaryo na ako noon pa. Minsan, get to know each other hindi get to know the asset of each other. Di ba?

Masarap maging single. I've been single for so long at maraming naka fling, kalandian, marami ding gala, yoloing, waldas pera, but being single sometimes leaves us being irresponsible especially sa financial life natin. Why? Kasi wala naman tayong priority. Sometimes we go happy go lucky. Go with the flow na lang. Di ko nilalahat pero if we will just internalize the thought, naging ganun din tayo sa buhay natin. The best thing to do is still set priority pa din. Pwede ka naman tumulong sa parents mo or pamilya mo or kapatid mo. You can still enjoy life pa din naman kahit single ka. Mas okay nga minsan ang single ka, malaya ka. Kaya imaximize niyo ang buhay single niyo, hwag sayangin. Find your purpose and set goals tapos i achieve niyo.

Para kapag dumating na yung tamang tao na magpapatibok ng puso mo, at least you are prepared and you've done your endeavors in life. Na kahit na ito na talaga ang forever mo, handa ka na sa buhay talaga.

Walang personalan ah. Tamang nag blog lang. Lovelots na lang. Wala ng Iloveyou. Magagalit si Girlfriend. Hahaha.