Walang kasing forever: GOODBYE RAIBLOCKS FAUCET.

in #cryptocurrency7 years ago (edited)

         Isa sa pangunahing faucet kung saan ako ay nag-mimina ng libreng cryptocurrency ang Raiblocks. Hindi Bitcoin ang binibigay nito ngunit tulad ng Bitcoin ito ay may halaga din.  Sa katotohanan niyan, ang Raiblocks ang isa sa pinakamabilis at pinakamataas magbigay ng cryptocurrency reward na hindi nangangailangan ng referrals or team effort. Isa ito sa mga cryptocurrency na pwede mo ng pampalit sa trabaho na namimigay ng minimum wage. Kung mag tiyaga tiyaga ka lang maaari kang kumita ng above minimum wage dito na around 500 pesos daily

        Madali lang naman ang gawain sa Raiblocks. Ang gawain mo lang dito ay i-solve ang audio captcha. (May nakakapagsabi na mahirap din kung minsan pero sanayan lang yan). Ang Faucet site na ito ay isa sa pinakamabilis dahil walang itong Faucet timer o time Restriction.  Hindi tulad ng mga faucets  sites tulad ng Moonbitcoin, Bonus bitcoin and Bitfun. Nakasalalay na lang sa iyo kung gaano mo kabilis ma-solve ang audio captcha nito. Hindi mo kailangan hintayin ng 5 minutes, 15 minutes, one hour o minsan 24 hours para makapag-claim or kuha ulit ng libreng cryptocurrency. Dito hangga't sa magsawa ka or mapagod ka pwede ka mag claim. Dito ako nakakatikim ng 500,000 Bitcoin satoshi  reward sa isang araw, galing sa libreng faucet site ng walang tulong na referral . Ito ay isa din sa pinakamataas mamigay ng libreng crypto dahil umaabot sa doble ang value ng rewards na binibigay nila kumpara sa ibang faucet sites. Ang galing di po ba?

        Siguro ang pinakamahirap lang na aspeto ng Raiblocks ang pag-setup ng account nito at pagconvert ng MRAI sa Bitcoins. Dahil nangangailangang dumaan pa sa exchange bago ito mai- convert sa bitcoins ang mga MRAI na natatanggap bilang rewards. Bitcoins kasi ang crypto na napakadaling i-convert sa Peso dahil sa Coins.ph at Abra. Ito na din ang nag udyok sa akin at ng aking "mentor" na gumawa ng Raiblocks team upang ma assist ang mga tao na gusto kumita sa raiblocks. Ito ang Coinfinity-Raiblock Community Team Sa aming team. kami na ang nag coconvert ng MRAI sa bitcoins aming pinapamahagi sa aming mga myembro  at may tinatawag kaming advance payment kung saan pwede i-claim ng advance ang mga nagawa nilang audio captcha kahit hindi pa nila na aabutan ang Threshold o ang bilang ng claims na requirement para makapag payout. Naging matagumpay naman din ito dahil umabot ng 740+ ang aming group page 200+ ang aming group chat at humingi ang higit kumulang na 500+ aplikante sa team namin.  umabot naman sa 150+ ang naging active claimers. Bumaba lamang ito nung nagkaroon ng server maintenance at nung nawalan na kami ng panahon para sa pag-recruite at mag-train. Nadagdagan nadin kasi kami ng iba't ibang programa maliban sa raiblocks nandiyan ang Clamcoin, Adzcoin, Bitconnect, Dagcoin, steemit, Regalcoin, Neocoin, Giracoin, Monaco, Polybius at madaming pang iba. Hindi pa diyan nabiliang ang mga iba't ibang faucet sites na nakikita sa faucethub at alfarotator. 

        Ngunit noong Oktobre 15, 2017 naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Raiblocks na ititigil na nila ang Faucet na kung saan nakukuha ang libreng MRAI. Nakakalunkot ito dahil napakaganda ng kanilang  distribution at madaming tao ang natutulungan nito. Walang makakapag sabi kung bakit nagkaganito o ano ang dahilan ng kanilang desisyon may ilang nagsasabi na may "forking" daw na mangyayari. Ang forking ay isang pangyayari na kung saan ang mga developer or pamunuan ng isang crypto ay hindi sumangaayon sa direksyon or development ng isa't isa. ang solution na lamang nito ay ang pahihiwalay ng gropo na kung saan ang bawat isa ay magkakaroon ng kanikanilang "version" ng Raiblocks. Nangyari na ito sa Ethereum na nagkaroon ng Ethereum Classic, Bitcoin na nagkaroon ng Bitcoin Cash (Bitcoin gold naman sa Oct. 25, 2017 may "article" ako ukol dito ) at Zcash na nagkaroon ng Zclassic. Ito ay normal sa mundo ng cryptocurrency.  

         Nakakalungkot man isipin ngunit iyan ang realidad sa mundo ng crypto. Napakabilis. Mabuti na lang napakadaming opportunidad na available na pwede pumalit sa Raiblocks. Tulad na lamang nito Steemit kung saan kumikita sa pag susulat at pagiging "social." Ganun pa man nagpapasalamat ako sa Raiblocks Faucet dahil nakatulong ito sa aking financial na pangagailangan at sa ibang napakadaming tao. Salamat sa mga developers and admins, okay lang po na sarado niyo ang faucet kasi wala namang forever. 


PLEASE: UPVOTE, COMMENT, FOLLOW And RESTEEM if you like the article

Thanks to my mentors here at steemit @antonette  @mers @otom @iwrite @pupledaisy57 @bobiecayao


Sort:  

True. Wala talagang forever. Hahaha.

Hi sis. ganun talaga don't worry kahit iniwan na tayo ni Raiblocks papalitan natin yan ng mas okay.

@eileenbeach has voted on behalf of @minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowponds team on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond.

    To receive an upvote send 0.25 SBD to @minnowpond with your posts url as the memo
    To receive an reSteem send 0.75 SBD to @minnowpond with your posts url as the memo
    To receive an upvote and a reSteem send 1.00SBD to @minnowpond with your posts url as the memo

It's so sad! Kahapon ko lang nalaman kung paano gumamit ng Raiblocks faucet, tinuruan mo pa ako tapos kinabukasan nagsara na! Ano ba yan, hays ._.

oo nga eh sayan siya pero sabi nila baka may ibang ilabas ang mga developers. Excited nga ako.

feelin sad! :(

It sad isn't. Good thing there are new earnings opportunities like this one in steemit and adzbuzz.

ngayon ko pa lang nalaman ung mga faucet faucet na yan. ahhahaa

magandayang faucet na yan

haayy.. pati Railblocks nag ala pag ibig na din, walang forever.. Sayang, yan sana ang pinakamagandang faucet na nalaman ko. Akala ko babalik pa sya sa #'s yun pala magsasara na..

oo nga eh wala talagang forever meron lang for life.

Awww, sayang naman. I'm not that familiar with it but if its a loss, its regrettable :(

yes sayang nga