Sort:  

Baka lasang plastik na yung pagkain mo dahil nasobrahan ng init sa microwave oven. 😅

!PIZZA

Hindi na ako gumagamit ng microwave oven sa bahay. Sa non-stick pan ko ininit ito. :)

Hindi naman palagi kang nasa bahay para gumamit ng non-stick pan para painitin muli ang kakainin mo. 😏

Totoo. Paminsan-minsan na lang siguro ako kakain ng may lasang plastic. 😂

Kung lasang plastik ang kinakain mo ay siguradong may mga kemikal kang nakakain, pero kahit naman hindi lasang plastik (o kung ano man) ang kinakain mo ay maaaring may mga sangkap siyang hindi makakabuting mga kemikal. 🤓 Kaya dapat hangga't maaari ay kumakain ka ng sariwang pagkain. 🍅🥕😏

Heto ang isang (sariwang) !PIZZA! 😁

Totoo yan kaibigang @savvyplayer. Salamat sa !PIZZA. Nawa'y maging masagana ang ani ng mga magsasaka ng sa gayon ay bumaba rin ang presyo ng sariwang prutas at gulay. Ayaw ko na kumain ng plastic, at ayaw ko rin sa mga taong plastic. LOL

Sana nga ay magkaroon ng masaganang ani ang mga magsasaka, ngunit sana din ay makarating sa lahat ng mga taong nais makakuha ng prutas at gulay nang hindi nagkakasuliranin sa pagdadala ng mga ito sa mga lungsod. 🤔 Minsan kasi ay ibinabalita na nabubulok lamang ang mga prutas at gulay sa mga bukirin dahil sa kakulangan ng mga sasakyan na nagdadala ng mga iyon sa mga palengke, lalo na kapag marami ang ani. 🤓

Heto ang isa pang (sariwang) !PIZZA! 😁