You are viewing a single comment's thread from:

RE: The Last Minute turn: How the Storm spared our garden

in HiveGarden3 months ago

Hello @ruffatotmeee thanks for the visit. Oo nga, sa baba namin is Masbate, doon ang nagrabe. I saw some videos and photos, grabe ang lakas din pala ni Opong. As in, nasira ang mga bahay pati mga poste ng kuryente, nagkalat ang mga yero. I never thought na ganun siya ka damaging lalo na never talaga namin na feel yung hangin nya kahit hagip pa rin kami ng pakpak. Actually kasi sa forecast track ng Pagasa, Sorsogon ang tumbok after ng norther Samar landfall pero bigla siyang bumaba kaya sa Masbate pala dumaan. Sa track, makikita mo talagang nag curve siya after mag Northern Samar. Praying for the people of Masbate, for their recovery after this. Anyway, tama pa rin yung Pagasa forecast kahit sinasabi nilang Sorsogon ang sentro after Samar kasi sinasabi rin naman nila na basta pasok sa Cone of Probability, posibleng mag landfall doon, either bumaba o tumaas ang bagyo. Unexpectedly, bumaba siya kaya di tumama sa Sorsogon. They said it's due to the high pressure that pushed it down kaya di tumuloy ng Sorsogon. Sana ay bigyan ng pansin ng gobyerno ang mga nasalanta ng bagyo, dami daming ninanakaw ng mga buwayang makakapal ang mukha, kaya nadedeprive ang tao sa serbisyong dapat ibigay. Sana nga pinagpagawa na lang yun ng housing project na matibay sa bagyo sa mga mahihirap. Napunta lang sa mga luxury cars nila at mga private jets ni Zaldy Co. Kawawang bansa. Praying for the Philippines.