Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! 😇
Maligayang bati po sa ating lahat dito sa ating pinakamamahal na Commuity, ang MCGI Community na talgang malaking tulong upang madagdagan ang akin mga kaalaman mula sa Salita at para mas maging matatag ang aking pananampalataya sa Dios. Bagamat mahigit sa isang linggo na akong hindi nakapagbahagi ng aking repleksyon sa isa sa mga topic na naibahagi ni Bro Eli, ay palagi paring sumusuporta ang Community sa tuwing meron akong bagong repleksyon.
Ngayon nga ay magbabahagi muli ako ng aking panibagong repleksyon na merong tatalong bahagi at sisimulan ko ito sa unang bahagi, at meron itong pamagat na, "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios".
Habang tayong lahat ay nabubuhay sa mundong ito at bilang tao, marami tayong mga pinaniniwalaan at maniniwala lamang tayo dito kung ito ay ating nakikita kung kaya gagawin natin ang lahat upang mapatunayan ito sa abot ng ating makakataya, ika nga "To see is to believe".
Magbigay tayo ng isang halimbawa, kung ang isang pagkain ay hindi pa natin natitikman at kahit na sabihin pa sa natin na masarap ito hindi parin tayo naniniwala dahil nga sa wala pa tayong experience na matikman ito.
|
---|
Katulad na lamang ng Salita ng Dios kapag hindi natin ito natitikman ay hindi din natin malalaman kung gaano kasarap o gaano kabuti ang mga Salita ng Dios. Kaya maraming mga tao sa mundong ito ay hindi naniniwala sa Dios o mga taong walang pananampalataya sa Dios dahil hindi pa nila natitikman o na experience ang kabutihan ng Dios sa kanilang mga buhay.
Ayon pa sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas na ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, ito ay ang mga salita ng Dios kung kaya kailangan nating marinig ang mga Salita ng Dios upang matikman o makilala natin ang Dios.
Habang tayo ay nandito pa sa mundong ito, kailangan natin ang Dios, at para makilala natin Siya kailangan nating ma experience ang Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita. Tulad na lamang ng isang bata na wala pa talagang experience sa mundong ito pero dahil sa kanyang mga naririnig, makikita at mga experience sa mundo ay unti-unti niyang nalalamang ang mga bagay na nakakatulong sa kanya.
Tulad din ito sa atin, upang mas makilala natin ang Dios dahil nga sa para din tayong mga bata na wala pang experience, kailangan nating ma experience ang Dios sa pamamagitan ng kanyang Salita at dito mgakakaroon tayo nang pananampalataya sa Dios, kahit na sa mga bagay na hindi natin nakikita tulad lamang ng Dios.
Ngayon para sa aking mga natutunan at mga repleksyon sa aral na ito, masasabi kong talagang napakaganda at talagang nakakatulong ang paksang ito at magandang pag-usapan. Sa unang bahagi pa lang ay ipinaliwanag na sa atin na kailangan nating ma experience ang Dios sa ating mga buhay upang magkaroon tayo ng pananampalataya sa Kanya kahit na hindi natin Siya nakikita, at magagawa lamang natin ito sa pamamagitan lamang ng Kanyang mga Salita, kun kaya habang may buhay tayo ay panatilihin nating mababasa at maririnig ang mga Salita ng Dios kahit na sa ibang tao o kaya sa ating mga sariling paraan.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios" na merong tatlong bahagi at dito muna tayo sa unang bahagi, at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod na bahagi uli ng topic na ito mga kapatid.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.