Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! π
Maraming mga kaganapan ang nangyari sa aking buhay nitong mga nagdaang mga araw, at nagpapalamat ako sa Dios sa lahat ng mga magagandang nangyari sa aking buhay at sa pagbibigay sa akin ng lakas at malusog na pangangatawan.
Ngayong araw nga na ito, andito na naman ako upang magbahagi ng aking panibagong repleksyon sa isang magandang pag-usapan lalong lalo na at ito ay patungkol sa ating mga magulang.
Ang ating bibigyan ng repleksyon ngayon sa ating blog post ay may pamagat na "Paggawa ng Mabuti sa Magulang". Isang magandang pag-usapan at dalangin ko na marami tayong matutunan dito.
Bago ako magsimula, hindi pweding kalimutang magpasalamat sa inyong lahat lalong lalo na sa lahat ng mga sumusuporta sa akin mula pa man hanggang ngayon, maraming salamat sa inyong lahat.

Bawat isa sa atin ay mayroong mga magulang na silang ginamit ng Dios upang tayo ay maisilang sa mundong ating tinitirhan ngayon at tayong lahat ay mayroong utang na loob sa ating mga magulang.
Ang ating mga magulang ay buong pusong minamahal tayong kanilang mga anak at walang magulang na gustong mapahamak o masaktan ang anak nila.
Ngunit hindi rin natin maitanggi na meron ding mga magulang na gumagawa ng masama sa kanilang mga anak bunga na rin ng mga pangyayari na nagdudulot ng hindi magandang gawain ng mga magulang sa kanilang anak.
Sa kasabihang paggawa ng mabuti sa magulang, dapat lang gawin natin ito sa ating mga magulang dahil sila ang ginamit ng Dios upang mabuhay tayo.



|
|---|
Ang utos ng Dios para sa bawat isa sa atin ayon sa Kanyang Salita, ay ang gumawa ng mabuti sa lahat, lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya.
Ibig sabihin lamang nito na dapat maging mabuti tayo sa lahat ng mga tayong nakapaligid sa ating, lalong lalo na sa ating mga magulang na silang nag-aroga at ginamit ng Dios upang mabuhay at maipa-anak tayo sa mundo.
Malaki ang ating utang na loob sa ating mga magulang dahil mula pa noong bata pa tayo na walang pang muwang sa munso hanggang sa ngayon ay inaalagaan pa rin nila tayo.



|
|---|
Sabi pa nga sa Salita ng Dios na ibigin natin ang ating mga kaaway. Minsan mahirap natin itong magawa ang ibigin ang ating mga kaaway lalo na't mabigat ang kanilang nagawang kasalanan sa atin.
Sa mga magulang pa kaya natin na bagamat masasabi nating naging masama silang magulang, gusto parin ng Dios na ibigin at maging mabuti parin tayo sa kanila dahil hinding hindi tayo mabubuhay kung wala ang tulong nila.
Hindi tayo tulad ng ilang hayop na kahit wala na silang magulang tulad ng sisiw ay mabubuhay pa rin dahil hindi na nila kailangan pang alagaan mula pa noong bata pa at malaking bahagi ng ating buhay ang nagawa ng ating mga magulang.



Mula noong pagsilang palang natin sa mundong ito, mga magulang na natin ang nag-alaga sa atin dahil hinding hindi natin kayang alagaan ang ating mga sarili.
Mga magulang natin ang nagbibigay sa atin ng gatas at mga pagkain upang maging malusog at mabuhay tayo. Hinding hindi kaya ng magulang natin ang pabayaan tayo dahil nga sa hindi pa natin kaya.
Kung meron mang pagkakataong naging masama ang ating mga magulang, maging mabuti parin tayo sa kanila bilang isang anak dahil utang na luob natin ang buhay na meron tayo ngayon at mahalin parin natin ang ating mga magulang.
Para sa aking panghuling masasabi sa topic na ito ngayon, ay talagang nagpapasalamat ako sa Dios dahil marami akong mga natutunan na maari ko ring maituro sa aking maging mga anak sa darating na panahon.
Ang mga ito ay ang pagiging mapag-mahal sa mga magulang sa lahat ng panahon at maging marespeto sa magulang at bagamat ang mga magulang ay mayroong mga pagkakamali hinding hindi mawawa ang maging mabuti at ang pagmamahal sa magulang kailan pa man.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Paggawa ng Mabuti sa Magulang", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! ππβοΈ
Your Friend
@godlovermel25

Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.