MCGI TOPIC REVIEW: Pagiging mapanalanginin, ano ang pakinabang? πŸ™πŸ˜‡πŸ˜Š

in MCGI Cares Hive β€’ 25 days ago

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! πŸ˜‡

Masayang makabalik dito sa Community na ito na nagbibigay kaalaman at tumutulong sa akin na mas maintindihan pa ang mga Salita ng Dios sa mas malalim pa na pag-babahagi.

Sa araw ng na ito, meron na naman akong bagong repleksyon na ibabahagi sa inyong lahat at ito ay merong titulo na "Pagiging mapanalanginin, ano ang pakinabang?".

Pero bago ang ng aking pagbabahagi, pahintulotan ninyo muna ako na magpasalamat sa inyong lahat bagamat hindi ako palaging nandito, patuloy parin akong nakakatanggap ng suporta mula sa inyong lahat lalong na sa Community Admins at mga Curators.

Isang magandang aral na naman ang ating tatalakayin nga at sa tingin ko isa ito sa mahalang pag-usapan natin lalo na kung meron tayong hangarin na mas makilala pa ang Dios at maging mabuti ang ating pamomuhay.

Ang pag-aaralan nga natin ngayon ay patungkol sa pagiging mapanalangin na dapat nga naman tayong lahat ay maging ganito na puno ng panalangin sa buhay.

Kung ang isang pamilya ay mapanalanginin malaki talagang resulta ang ating makakamtan tulad na lamang ng mapayapang buhay. Isa nga naman sa dalangin natin sa araw na maging mapayapa ang ating pamumohay at makakamit lamang natin ito kung tayo ay palaging manalangin sa Dios.

Kung ating titignan ng mabuti at maikumpara sa ibang pamilya lalong lalo na sa mga pamilyang hindi natin nakikitaang nanalangin sa Dios, puro away at gulo ang nangyayari. Walang pagpapakumbaba at pagmamahal sa bawat isa na kahit na merong maliit lang na problema ay lumalaki. Itong lahat batay sa mga nakikita ko sa aking palagid.

Pero ang pamilyang puno ng pananampalaya at palaging nanalangin sa Dios, makikita talaga natin ang totoong pagmamahal at pagpapakumbaba na tuwing merong mga problemang nangyayari, ang tanging magagawa ay manalangin sa Dios dahil hinding hindi Niya tayo pababayaan.

Filipos 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios."

Hindi naman natin maikakaila na tayong lahat ay dumaranas ng mga pagsubok sa buhay subalit ang taong nananalangin sa Dios palagi sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay ikinagagalak ng Dios.

Ikinatutuwa at ikinagagalak ng Dios na tayo ay sumasangguni o lamulapit sa Kanya sa bawat pagsubok na ating dinaranas ngayon. Ayon pa sa Kanyang Salita na mababasa natin sa Filipos 4:6, na huwag dapat tayong mabalisa sa anomang bagay na ating kinakaharap sa buhay kundi ang dapat nating gawin ay manalangin sa Kanya at magpasalamat.

Kapag tayo ay mapanalingin at palaging dumudolog sa Dios sa bawat problema na ating hinaharap, ang Dios ang Siyang tumutulong sa atin. Kung meron man tayong mga kaaway na kung sakaling hindi na natin mapigilang gumanti, manalangin tayo sa Dios at tayo ay tutulongan ng Dios na kumalma.

Kung sakaling merong mga bagay sa ating sarili ay mahirap, manalangin tayo sa Dios lalong lalo na kung tayo ay dumaranas ng mga anxiety o depression, tanging panalangin sa Dios ang makakatulong sa atin dahil hinding hindi tayo pababayaan ng Dios.

Ngayon nandito na ako sa aking panghuling masasabi o repleksyon sa araling ito tungkol sa pagiging mapanalanginin, masasabi ko talagang napaka buti ng Dios sa akin at sa ating lahat.

Noong unang napakinggan ko at naintindihan ang aral na ito, maraming mga tanong ang pumasok sa aking puso, pero isa lang ang aking naintindihan. Mahal na mahal tayo ng Dios na sa bawat problema at pagsubok na darating sa ting mga buhay, nandiyan lang ang Dios na handang tumulong sa atin.

Ang tanging gagawin lamang natin ay lumapit sa Dios at makipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. Isa itong paraan upang ang Dios ay makikipag-usap sa atin at higit sa lahat ang pagbabasa ng mga Salita ng Dios. Huway na huwag nating kalimotang makipag usap sa Dios sa pamamagitan ng panalangin at ng Kanyang Salita.

Ayon kay Bro. Eli Soriano, "Ang kailangan lang - Huwag kang mawawalan ng Tiwala sa Dios".

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagiging mapanalanginin, ano ang pakinabang?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif

the animated GIF.Thanks to @kennyroy for