"Buwan ng wika " Writing contests Theme: What value can Filipino's bring on Hive?

in Hive PH3 years ago

Magandang araw po sa lahat, at kung saan man po kayo naroroon sa mga oras na ito, ay sana po ay nasa maayos at mabuti po kayong kalagayan.

20220805_1342321.gif

So ayun na nga po, ngayon nga po ay susubokan kong makibahagi sa unang linggo ng patimpalak para sa buwan ng wika na ginawa ng ating pong mga butihing moderator para sa komunidad na ito.

Nung una kong nabasa yung theme for this week challenge (contest), ay talagang napaisip po talaga ako. Nachallenge din po talaga ang maliit kong utak😂, dahil kailangan nga po na yung nilalaman ng aking konteksto ay nakasulat nga po sa wikang Tagalog.

Hindi po ako laking Maynila, pero sa ngayon ay dito po ako nakatira sa silangang bahagi ng luzon kaya kadalasan ay nagtatagalog din po ako. Pero sa katunayan po nyan ay hirap din po talaga akong magtagalog kaya may mga pagkakataon po talaga na hindi ko namamalayan na Waray na po pala yung ginagamit kong salita. Lalo na po pag ako'y nagugulat o kaya'y natataranta. Kagaya na lamang po nung naipit ang anak ko, sa pagkataranta ko ay napasigaw po talaga ako ng "wag mo kasing isuksok (isiksik) yung daliri mo jan masasaktan ka talaga dahil sinusoksok(sinisiksik) mo yang daliri mo jan sa upoan." Lol

Anyway wag na po tayong magsayang ng oras sa kwento kwento na yan, dahil sa totoo nga lamang po ay nahirapan din po akong intindihin yung theme hahahahha, I mean nahirapan din po akong ereflect yung theme. Sa pag iisip ko po ay bigla ko na lamang din pong naitanong sa sarili ko kung ano nga ba yung values or kahalagahan/kagandahan/kabutihan(bahala na kung alin ang tama jan, basta ay iyon na yun😂)ang maiaambag ko sa Hive?

Disclaimer lamang po, this is just base on my own opinion and honestly speaking I wasn't sure kung tama ba pagkakaintindi ko sa tema, hopefully lang po talaga ay may naintindihan ako,hahahaha.

So ayun na nga po, bilang isang simpleng manunulat at meyembro ng platapormang ito (Hive), masasabi kong ang bukod tangi kong maibabahagi dito ay ang pagiging tapat at totoo, at higit nga po sa lahat ay ang maging mabuting ehemplo para sa mga kapwa ko manunulat, bagohan man o luma.

Alam naman po nating lahat na isa sa pinakamahalagang batas ng platapormang Hive ay ang bawal mangopya at bawal din ang peke. Kung ang bawat meyembro ay pananatilihin ang pagsunod sa batas na ito ay paniguradong mas lalago pa ang platapormang hive.

Maganda din po kung ang bawat meyembro ay may pagkakaisa at pagtutulongan dahil po dito mas marami pa po ang maeengganyo na sumali sa platapormang Hive. Magiging mainam din po kung ang bawat meyembro ay magiging magandang ehemplo sa bawat isa. Wala pong lamangan at wala din pong husgahan ng kakayahan. Sa pamamagitan po nito ay mas marami pang mga bagohan ang mas pagtitiwala sa kanilang mga kakayanan, at ang platapormang Hive ay mas lalago pa nga po ng lalago, dahil lahat ng meyembro ay may pagkakaisa. Sa tingin ko naman po ay mabuting ehemplo naman po ako dahil mabait naman po ako,( hahahahaha nagbuhat ng sariling bangko)siguradong magagampanan ko po ng maayos ang responsibilidad ko bilang isang magandang ehemplo ng platapormang Hive.


At ito na nga po ang aking entry sa patimpalak na ito, sana ay tama ang pagkakaintindi ko sa Tema para sa linggong ito. Patawarin po kung mali man .
Maraming salamat po...

Larawang ginamit ay edited mula sa Canva.

Sort:  

mukhang magandang sumali sa patimpalak na ito lalo na at ang gagamiting lenggwahe ay tagalog, aking isusumite ang aking entry mamaya HAHAH kaloka magtagalog lalo na pag sanay sa english kung pwede lang taglish eh.

Hahahaha pwede taglish,at pwede ding buong Tagalog. Nakakatuwa lang pag buong Tagalog kasi challenge talaga 🤣🤣

Naku sis @garrethgrey kung walang pa contest di tayo nakapagsulat ng tagalog hahaha... Ewan ko kung tama ba yung sinulat ko hahaha

Hahahaha hindi nga din ako sure sa entry ko sis eh.. hahahahha

Okay lang yan atleast sumali tayo sa kanilang patimpalak hehehe

Susulat din ako sa wikang Filipino para masaya.

Go sis, nakakatuwa basahin pag Tagalog yung artikulo na binabasa 😂😂

Alam mo, mas maganda ko pa basahin ang English kess tagalog. Nakak nosebleed kasi ilang artikulo na pinoy na nabasa ko haha.
Good luck sa contest madam..

Madam salamat sa points.. Hehehe oo nga medyo maganda pa din talaga ang English basahin😁

Hndi ako mka vote kya points la .muna mabibigay hehe

bukod tangi kong maibabahagi dito ay ang pagiging tapat at totoo, at higit nga po sa lahat ay ang maging mabuting ehemplo para sa mga kapwa ko manunulat, bagohan man o luma.

Ciang tunay kabayan! 😊

Salamat po kabayan.

Knowing many filipinos from read cash, I know you all can bring massive value to Hive:)

Binasa ko ito with feelings, pati iyong tawa, sa totoo lang. Tama naman ang iyong ginawa, Ate. Sa nakikita ko naman, mabait ka nga. Ipagpatuloy mo iyan. 😉

My nose is bleeding, sis. Maganda and pagkakalatlaha mo!