Preparations ko for Christmas? Simula September 1, 2023 bumibili ako ng 3 coke araw-araw. Iniinom ko yun sa umaga, tanghali at gabi. Pagkatapos kong inumin, di ko sinosoli ang bote (pero soli ko din after christmas). Kinokolekta ko din ang mga tansan. Pagdating ng December 1, 2023. Lahat nang naipon kong bote ililinya ko side by side at lalagyan ng tubig. Sa unang bote konti lang, sa pangalawang bote, marami nang konti hanggang sa huling bote puno na nang tubig. Nakapatong ito sa kariton o anumang bagay na may gulong. Yung mga tansan ifaflat ko at bubutasan sa gitna. Gagawin ko siyang tambourine. Yung mga bote na nasa kariton parang xylophone na may iba't ibang tono. At ayun! Ready na kong mangaroling na may malamig na boses (salamat coke).
@captainwhoco ano preparations mo sa christmas? Karoling ako sa inyo ha! hehehe
ang creative hahahaha pero hinay2 lang sa coke
hahaha ung pag inom din ng coke tumatak sa isip ko. Kaka-worry nmn un 3 bottles a day.
Ako gaya ng mga nakaraang pasko, nag-iipon ng mga baryang P5, P10 at P20. Kasi tuwing pasko nagpapalaro ako sa mga bata tapos ung mga naipon kong barya ung pang consolation prize ko. Tapos nagpapapalit sa banko ng mga paper bills para pang prize at pamasko.