https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/prologue-echoes-of-yesterdays-dream
https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-1-transferee
https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-2-cousin
https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-3-hurt
https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-4-singer
Hyena’s POV
I still don't get it. What’s the family issues of these two students? Hmp. If I were them, I will clear my issues immediately, it's my family, and I treasure it. So if there are problems between us, I will talk to them.
But I do understand that it’s not always easy so I'll give it to them, I know Eurich are intelligent enough to handle this issues between her and Jihu.
“You sure you're okay?” tanong ni Jamila kay Eurich. Nandito kami ngayon sa canteen matapos ang nangyari sa loob ng classroom. Nag walked out kasi si Eurich pati rin si Jihu na dinaluhan naman ni Billy.
“Sana maayos niyo ang family issues niyo, Eurich.” mahinang sambit ko ngunit tinitigan lang ako.
“Ano ba kasing ugat ng away niyo?”
“Sesanghe.” mahinang bulong niya, napatawa siya konti at bumaling sa amin “Masyado na bang childish?”
“Hindi naman. Nakakacurious lang.” si Jamila “Pero seryoso, singer talaga si Jihu noon?” Tumango si Eurich at kinain ang spaghetting order niya.
Oo nga no? Sinigaw yun kanina ni Eurich at mukhang sikat siya kaya nakilala siya nila Lexie– the group of bullies.
“Hi, can we sit in?” nag angat ako ng tingin at nakita ko si Roexly “Medyo malaki kasi ang table niyo. Puno na sa kabila, ayos lang ba na dito kami?”
“Hindi ba pwedeng hintayin niyo nalang kaming matapo---”
“No, it's okay. Dito na lang kayo.” napatingin ako kay Jamila na nakangiti, nakatingin siya sa direction ni Vlad na bumibili ng snack.
“Thanks!” sabi ni Roexly at sinenyas sa dalawang kasama niya ang upuan sa harapan namin.
Agad na nagtungo si Vlad at Denmar sa harap namin. Nakangiti sila sa amin at sabay na inilapag ang mga pagkain nila sa mesa.
“Uh? Ikaw pala Ms. President?” si Vlad kay Eurich “I’m sorry for the last time, hindi naman kami nanggulo no?” nakangiting tanong ni Vladimir.
“Muntik na nga eh. Pero ayos lang, tapos naman na.”
“Thanks…” aniya at ngumiti. Napatingin siya kay Jamila, dahil kanina pa ata nakatitig itong kaibigan ko kay Vladimir.
“M-may dumi ba sa mukha ko? Hehe.” tanong niya kay Jamila pero masayang napailing si Jamila.
O goodness!
“Ay meron pala…” sabi ni Jamila pero wala naman akong nakita. Nakita kong inangat ni Jamila ang kamay niya at nilagay sa mukha ni Vladimir. “Totoo ka ba talaga?” bigla kong nahampas ang braso ni Jamila!
Hindi ba siya nahihiya! Oh goodness, may kaibigan pala akong ganito?!
Napangisi na lang si Vladimir sa ginawa ni Jamila. Natauhan ata si Jamila, natahimik siya at pulang pula ang pisngi niya.
“Orange juice?” rinig kong tanong ni Denmar kay Eurich kaya agad akong napatingin sa kanila…
Woah? Did he offered drink to Eurich?
Tapos na kasi si Eurich sa kinakain niya, umasta atang tatayo para kumuha ng drinks pero nag offer si Denmar sa kanya!
Oh girl, namula si Eurich! Crush niya nga si Denmar diba?
“T-thanks.” nauutal na sabi ni Eurich at dahan dahan na kinuha ang Juice na nasa lamesa sa gitna nilang dalawa.
Pero napahawak din si Denmar sa juice.
“Op.” aniya habang nakatingin sa juice. “I’m asking you if you're going to buy orange juice. Dahil kung oo, pareho tayo ng iinumin hehe.” aniya at nilagok ang orange juice niya!
Natahimik kaming lahat pero..
“BWAHAHAHAHHAHAHA!”
“HAHAHAHAHAHA!!!”
hindi na kami nakapagpigil ng tawa eh, HAHAHHAHA!
Nag-assume ba kami?
“Walang hiya pare! Akala ko ba ibibigay mo?” si Vlad kay Denmar na nakangiti na.
“Nagtanong lang naman ako kanina a? Haha.” Denmar.
“Loko ka talaga! HAHAHHA.” malakas pa ring tawa ni Roexly na nakahawak pa sa tiyan niya. “P-pagpasensiyahan mo na, Eurich.” natatawa pa ring sabi nito.
Napailing na lang akong napatingin sa mga lalaki.
_
Eurich Park’s POV
After I got annoyed by Jihu, I didn't expect that I will be embarrassed too much in front of Denmar!
Sesanghe…
Wala akong iniisip bukod doon pagpasok namin sa classroom. Padabog akong umupo at inihilig ko ang ulo sa armchair. Narinig ko pang tumatawa si Hyena at Jamila, nagpapadyak ako sa kahihiyan! Lang’ya! Ngayon pa?
“Classsssmaaateees!” malakas na sigaw ni Paolo pero hinayaan ko na lang “Umiiyak si Eurich!”
“HOYYY!” agad akong nag angat ng tingin kay Paolo “Pinagsasabi mo diyan?” inis kong sigaw dito at nagtawanan nalang ang ilang kaklase namin.
Nakita kong nakaupo si Billy sa tabi ni Jihu, kaya nagtaka naman ako. Magkaibigan na ba sila? Malamig ang tingin sa akin ni Billy na hindi ako sanay doon.
“Anyare sayo?” he mouthed pero bago pa ako makasagot ay may narinig ulit akong tilian sa labas. And to my surprise…
Sila Denmar!
At isenenyas niya ang pinto. Pero bago ako makasagot ay dumiretso na siya papasok…
Maraming babae ang tumili noong pumasok silang tatlo, pero si Vlad at Roexly ay natigil sa harap ni Jihu. Ako naman ay napatingin kay Denmar na deretso ang lakad papuntang…
Papunta sa akin?
At noong tumigil siya sa harap ko, doon ko lang nakumpirma na ako nga sadya niya. At ang ikinagulat ko pa ay may inilahad siya sa armchair ko. Noong tinignan ko ay…
Orange Juice?!!!
Pinaglalaruan ba niya ako?
Pero ngumiti siya at “I’m sorry ’bout earlier. Please accept my peace offering.” bulong niya sa akin at narinig kong naghiyawan ang mga kaklase ko.
Honestly, I don't drink orange juice. The last time I drank I got unconcious and I had hard breathing.
Pero matagal na yon ah? Why not try this one? Bigay naman ni crush. Hehe.
“Thanks.” nahihiyang sambit ko kaya mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko, mas malakas ang sigaw ni Jamila.
Binuksan ko ang orange juice, mabango ang amoy nito at nakakatakam talagang inumin. Nakita kong nakangisi sa akin si Denmar. Nakakahiya naman kung itapon ko diba?
Pagkabukas ko ay inilapit ko ang bottle sa bibig ko, akmang hihigop ako ng konti pero naramdaman ko ang kamay na tumabig sa bottle, at ngayon, mukhang ipinagpasalamat ko pa ang pagkahulog ng bote na yun.
Napatingin ako sa bottle na nasa baba, natapon ang laman at nagkalat sa floor.
“Are you dumb?!” galit na galit na sigaw niya “Or you're digging your own grave just for that cheap orange juice?!” nag angat ako ng tingin at nakita ko kung paano umaapoy sa galit ang mata ni Jihu.
He knew.
“Baka nakalimutan mong muntikan ka ng mamatay dahil sa isang orange juice?”
Naalala ko pa, pero matagal na yun. Maybe okay na ngayon, subukan ko lang.
Ang kaninang humihiyaw na kaklase ko ay biglang natahimik sa pagsulpot ni Jihu. Bumilis ang paghinga ko sa halo halong nararamdaman, kaba- iniisip ko palang na mamatay ako ngayon ay natatakot na ako. Hiya- para kay Denmar, sa harapan niya. At guilt- para sa sarili at para sa hindi pagpapakatotoo.
Hindi ko naman kailangang magpanggap na gusto ko ang hilig ng taong gusto ko diba?
“That girl…” natauhan ako sa boses ni Aquil “That girl have orange allergy?” nakaturo ang isang daliri niya sa akin. Parang gulat na gulat ah.
“M-meron siyang ganon?” nauutal na tanong ni Vladimir kay Jihu.
Yes I have orange allergy that causes anaphylactic reaction.
“PAINUMIN NIYO NANG MALAMAN NIYO.” matabang na sagot ni Jihu at tahimik siyang naglakad pabalik sa upuan.
Pero hindi pa siya nakakalayo ay nabigla ako dahil sinuntok na siya ni Aquil. Malakas na suntok iyon kaya humandusay si Jihu sa sahig!
“You… don't say a words like that!” galit na galit na sigaw ni Aquil kay Jihu pero napangisi lang si Jihu at pinunasan ang bitak niyang labi.
“Why do you care?!” inis na sigaw ni Jihu habang nagpupunas.
*“Allergies are not a joke…”" mahinang sambit ni Aquil. Dali dali namang bumangon si Jihu at agad na sinutok si Aquil sa mukha!
“Omaygaddd! Stop them!”
“Peace officers!”
“Bakit ba laging nagkakainitan ang dalawang yan!”
“Sapakin mo Jihu!”
“Bumawi ka Aquil!!!”
“President, do something! Omaygosh!”
Hindi pa nakontento si Jihu kaya muli niyang sinapak ang natumbang si Aquil.
“Punching Me. Is Not. Also. A. Joke!” sigaw ni Jihu kay Aquil “Why don't you punch your friend instead of me? Sino ba ang nag bigay ng orange juice sa kanya? Was it me?!”
“If you care for her, then you must know her. You must know wha--” dagdag ni Jihu at tumayo naman si Aquil
“Do you think I care for that stupid girl?” he looked at me and he heavily sighed “Ha! I don't.”
“Aquil, enough. You're being too far again.” Vladimir
“Stop that nonsense. You just remember her again.” Roexly
“You brought up your memories with your childhood…” nakangisi at napatango si Jihu “That causes you to be more childish.”
“Enough!” nagulat ang lahat dahil sa lakas ng sigaw ni Kryzza. As in ngayon lang talaga siya sumigaw ng ganito kalakas. At ipinagpasalamat ko iyon dahil wala akong magawa ngayon kundi ang iproseso ang lahat…
Ng dahil sa isang boteng orange juice.
“Don’t be too childish, Aquil. Matagal nang nangyari iyon kay Aesheyn. And for goodness sake, Aquil! She's not Aesheyn, she's Eurich. Matagal ng patay ang fiance mo.” sabi ni Kryzza at tumingin siya sa akin. Pero nilipat niya ang tingin sa mga college boys.
“Umalis na kayo kuya.” aniya at inakay niya si Jihu papunta sa likod, sa upuan niya.
Wala akong nagawa.
I just watched them all and it made me feel guilty.
Maybe Jihu was right, wala akong kwentang classroom president.
Uupo na sana ako pero dahil napadaan ang nakayukong Aquil sa harap ko, napansin ko ang pagiging tahimik niya matapos magsalita si Kryzza.
Aesheyn. That was his fiance?
But inside me, I still thank Jihu for saving me earlier. Dahil kung hindi niya ginawa yun, maaring sinubukan kong inumin ang juice na yon.
It's better to be safe than to sacrifice.
To be continue...