Sana!

in Hive PH3 years ago (edited)

Habang nagpriprint ako ng modyul naisipan kong isulat ito!

Sa bawat araw na nagdadaan,
Wala akong ibang ninais kundi ang mapuksa na ang pandemyang nararanasan!
Maraming tao ang naaapektuhan!
Maraming tao ang nawalan ng trabaho!
Maraming tao ang nangangalam ang sikmura!
Maraming tao ang nawawalan na ng Pag-asa!

Ako bilang isang guro,
Ay nakadarama ng kalungkutan at panghihinayang sapagkat
Lage kong iniisip paano na ang mga bata!
Paano sila natututo, nagagabayan at natuturuan ba sila ng kanilang mga magulang!
Nagagawa ba nilang unawain lahat ng kanilang modyul!
Nawa'y matapos na ang pandemyang ito, at muling manumbalik ang lahat sa dati!
Sana ganoon lamang ito kadali!
SANA!
Sa ngayon ang tanging magagawa natin ay magtulungan sa anumang bagay na kaya nating gawin at huwag kalimutang ipanalangin na sana matapos na lahat ang problemang ating kinakaharap sa kasalukuyan!
Huwag tayong mawalan ng pag-asa na balang araw muli nating malalasap ang normal na pamunuhay, yaong wala tayong kinakatakutan at yaong malaya tayong gawin ang lahat ng ating kagustuhan sa buhay!

Love: ChrisMarie,Kith!
Credit: Photo from google!
images.jpeg

Sort:  

Paalala lang po ah, if hindi sayo ang larawan always credit the owners. Pero may mga larawan na hindi rin pwede gamitin.

Huwag mag-alala, lilipas ang lahat at maging maayos din

Ait ok i forget to credit again! I hope ao po.

Sa inyo gang Division ay nagpapalista na ng mga guro na magpapabakuna?

Wala na naman po sir, sa inyo po ba?

Meron na nagsu-survey eh

Ai opo sa amin online survey po pala.