Ang larawang ito ay kuha nong una kaming magkita ng tatay ko sa unang pagkakataon sa buong buhay ko. Nasa edad 80 na sya kaya ang lahat ng mga hinanakit ko sa kanya ay biglang nawala Lalo na nong yakapin nya Ako at humingi ng tawad. Ako ay umuwi ng Samal dahil libing ng tunay Kong nanay na Minsan ko lang Nakita nong grade 6 ata Ako at nong nasa 2nd yr college Ako at sa pangatlong pagkakataon ay libing nya. Iyon din ang naging daan para magkita kami ng tunay Kong ama way back 2016. Yon ang simula ng aming pag-uusap sa telepono pag may pagkakataon. Sya ay binawian ng buhay pagkatapos ng tatlong taon at yon ang aming huling pagkikita.
https://peakd.com/hive-188409/@sarimanok/oh-snap-contest-fathers-day-celebration