Late Entry: Diploma o Diskarte? | Tagalog Trail

in Tagalog Traillast month
Authored by @iTravelRox

Kung ako ang yong tatanungin. Syempre dito tayo sa diskarte. Ang lahat ay madadaan sa diskarte.

Paano naman kung di ka makapag-aral sa kolehiyo?

Muntik na akong di makapag-aral sa kolehiyo dahil sabi ng tita ko ay baka maaga na mabuntis ako at maaga mag asawa.

Sabi ko naman, hindi ako bobo para magpapakatanga sa pag-ibig. Charot.

Galing gradeschool consistent ako na nasa pinaka unang seksyon at sa high school naman ay nasa isang Science high school ako. Ibig sabihin puro matatalino mga kamag-aral ko at di ko naranasan mag cutting classes. Siguro, ako lang yong tamad mag-aral sa klase namin.

Pinakiusapan ko rin yong tito ko, kapatid ng papa ko, na sya sumalo sa pamasahe ko sa pang araw-araw habang ang tita ko naman, kapatid ng mama ko, ang sasagot sa tuition fee.

Maging NAS or Non-Academic Scholar or Working Student

Kung walang sasagot sa pang tuition fee ko, mag-aapply sana ako para sa Non-Academic Scholar or Working Student sa school. Kailangan lang na maipasa ko lahat ang 18 units sa pag-aaral habang nagbibigay ako ng serbisyo sa paaralan.

Working Student tulad ng Service Crew sa Jollibee

Sa edad na disiotso o 18, nag apply ako mag trabaho sa Jollibee sa kadahilanan na gusto ko magkapera pambili ng cellphone. Hahaha! At gusto ko lang din patunayan sa sarili kung kaya ko bang pagsabayin mag trabaho habang nag-aaral. Naipasa ko naman lahat ng 18 units ko at nakabili naman ako ng cellphone.

Natapos ko ba ang aking Bachelor's Degree course?

Kinuha ko ang Bachelor's Degree in Information Technology sapagkat gusto ko matuto at alam ko na IT is the future. Hindi ko natapos ang 4-year course at huminto ako nung 3rd year.

Naghanap ako ng iba't ibang trabaho

May tiwala naman ako sa sarili ko na makahanap ng trabaho. Nag apply ako sa call center pero ang panget ko mag English kaya waley. Nakapag trabaho ako sa isang sports company pero waley ako sa sales, tatlong buwan lang. Nakapag trabaho din ako sa isang BPO company na data entry job pero nagkasakit din naman ako dahil sa night shift.

At may dumating na mas malaking oportunidad

Ito na nga yong Odesk na ngayon ay Upwork. Dahil kay @janwrites nakapagsimula ako sa Odesk at tuloy-tuloy ang biyaya hanggang sa makapag-ipon ako ng pera at nakapaglakbay sa iba't ibang probinsya ng Pilipinas at sa ibang bansa.

Kwentong late: Super Duper Late Graduation

At naisingit ko pa ito? Hahaha!

Akalain mo yon? Grumadweyt pa ako after ko maglakbay sa Hong Kong?

Noong October 13-15, 2014 ay may booking of flight na ako pa Hong Kong. Nagtanong ako sa registrar kung pwede pa ba ako maglakad sa stage para kunin ang aking diploma sa Associate Degree in Computer Technology.

Saktong sakto dahil ang araw ng Graduation ay sa October 18, 2014 kaya pag dating ko galing Hong Kong, pa graduate naman ako. Hahaha!

Mga kasabayan ko sa kolehiyo ay nag graduate pa noong 2009 at Bachelor's Degree holder pa.

Kahit di naman ako Bachelor's Degree holder ay may diploma ako sa Associate Degree na angkop sa dalawang taon na pag-aaral.

Kaya feeling ko, para akong anak mayaman kasi nakapag Malaysia, Palawan, Hong Kong at naka bisita na sa ibang probinsya bago ko pa maisipan kunin ang aking diploma. Hahahaha!

Ngiting tagumpay yarn?

Syempre, oo naman!

late.png

Sumali sa Tagalog Prompts by @tpkidkai


Roxanne Tamayo - www.itravelrox.com

Welcome to iTravelRox! Roxanne Tamayo is a Cebuana who is a traveler. Now a mom of 2 kids and a wife. She is a travel blogger and a digital nomad. As a Virtual Assistant, she does a lot of things like content writing, WordPress web design, WP updates and maintenance, graphic design, and photo editing. She is into wedding photography, as well.

If you like iTravelRox's content, please don't forget to upvote and leave a comment. She will share a lot of stories about solo travels, motherhood, family travel, and working as a VA.

Sort:  

Astig.. bakasyon muna bago graduate haha .. so may toga na ready kna nun? Haha..
Actually, madami mayayaman na tao sa Mundo na walang diploma... Sariling deskarte talaga ginawa nila para umasenso sa buhay
!LADY

View or trade LOH tokens.


@jane1289, you successfully shared 0.1000 LOH with @itravelrox and you earned 0.1000 LOH as tips. (1/15 calls)

Use !LADY command to share LOH! More details available in this post.

oo naka ready na yong toga ko. :D

Well said @itravelrox kalisud ba itagalog trail but totally agree! Nakipag inuman ako sa dating kaklase nung nakaraang linggo at sabi nya "diskarte" talaga kasi pag walang diskarte di din naman tayo makakapag diploma.