Paano Maghanda sa Tag-ulan?

in Tagalog Trail • 5 months ago

IMG_20240621_165706.jpg

(Ilabas na natin ang mga payong para sa tag-ulan! 😆)

Kumusta Hivers? Natuwa naman ako at meron na palang mga kaganapan dito sa Tagalog Trail, kaya heto at nais ko ring sumali at magbigay ng aking mga idea para sa topic ngayong araw.

Sa totoo lamang ay tuwang-tuwa ako na panahon na ng tag ulan ngayon, medyo tipid na sa kuryente hahaha 😂. Hay naku, mukhang ibang topic na yata ito, kaya bago pa lumihis ang usapan, heto na ang mga karaniwang ginagawa namin ngayon at noon na paghahanda tuwing tag-ulan.

  1. Lagi kaming naka-antabay kay PAG-ASA at sa mga tv stations na nagbabalita, mula noon hanggang ngayon, pero nagtataka pa rin ako minsan di akma sa lugar namin yung binabanggit na balita ukol sa lagay ng panahon. Naranasan niyo rin ba na ang balita sa tv o ang anunsyo ng PAG-ASA ay uulan ngunit anong init naman ng panahon sa inyo? O di kaya’y mainit raw ang panahon ngunit grabe ang ulan na tila signal number 1 na haha 🤣, kaya hayun natuto kami na kapag sa mga ganitong panahon na pag apak ng Mayo ay alams na, nagtatabi na kami ng pagkain at tubig na madaling ihain mga delata, kape, kanin at kung ano pang makayanan naming bilhin.

  2. Nagtatabi na rin kami ng mga flashlight, kandila, posporo o lighter, at noon meron din kami yung ginagawa ni papa na nilalagyan niya ng gaas yung bote na may lubid na tela, di ko alam ang tawag pero para siyang lampara para tuwing brown out makapag laro kami ng hand shadow puppets, wala pa kasi kaming mga cellphone noon di tulad ngayon na kahit bata pa ay meron na.

  3. Para naman makapagluto ng maayos noon, nag iimbak na sina papa at mga kapatid kong lalake ng mga pang gatong at ilalagay na sa loob ng bahay para di mabasa ng ulan, ang hirap kaya magpa-apoy haha sakit na ng panga o tenga ko kakaihip minsan di pa rin nagniningas lalo kapag nabasa pa yung panggatong di ba? haha 😂.

  4. Para naman medyo makatulog kami ng mahimbing at di masyado mag alala kung baka tangayin ng malakas na hangin ang bubong namin noon, nilalagyan na nila papa yun ng mga pampabigat tulad ng mga bato, malalaking pinagputulan ng puno . Nagsisimula na rin kami nun na magtingin tingin ng mga butas sa bubong dahil magugulat ka nalang na may shower na sa bahay na biglang susulpot hahah. Nangunguha na rin sila noon ng mga buko o niyog sa mga punong malapit sa amin, mahirap na baka mabagsakan ang bubong namin 😆.

  5. Isa rin sa mga tinitingnan namin noon kapag panahon ng tag ulan ay yung level ng tubig ng sapa sa likuran namin, meron kasi noong nangyari na napuno ata yung dam noon na malapit sa amin at ang ginawa ay nagpalabas sila ng tubig galing sa dam, kaya minsan kahit mahina yung ulan magugulat ka nalang nandyan na ang baha.

  6. Sa tuwing aalis naman ako ng bahay papuntang trabaho o paaralan, di dapat kalimutan ang payong, minsan nagdadala rin ako ng kapote lalo kapag malakas lakas ang ulan. Karaniwan kasama na rin yung tsinelas ang susuotin ko at magdadala nalang ng sapatos sa bag para di masira ang mga sapatos sa ulan. Nagdadala rin ako ng pamalit na damit kahit isa lang dahil di natin alam baka bigla tayong matalsikan ng tubig gawa ng mga matutulin na sasakyan sa mga kalsadang matubig, lagi ako nat-tyempuhan ng ganito kaya lagi ako may extra na nakabalot sa plastik, syempre mahirap na mabasa rin ang pamalit 😄. Maswerte na rin kung meron kang waterproof na bag para di mabasa ang iyong mga gamit.

  7. Bumibili na rin kami ng mga gamot lalo na para sa sipon, ubo at lagnat dahil uso na naman sila sa mga ganitong panahon. Lagi rin may mainit na tubig para sa masarap na kape habang naghihintay na humupa ang ulan.

Sa ngayon ito talaga yung mga tumatak sa akin na ginagawa naming paghahanda tuwing tag-ulan noon, hindi ko man na nararaasan ang iba dito ngayon, dahil nakalipat na rin kami ng tinitirhan ay halos pareho pa rin ang ginagawa naming pahahanda. Iba iba rin siguro tayo ng paghahanda depende sa lugar kung saan tayo nakatira at sa estado ng pamumuhay. Ang mahalaga ay makapaghanda para di gaanong mabigla sa magiging dulot ng tag ulan. Prevention is better than cure ika nga.

Yun lang sa ngayon. Kung nakaabot ka hanggang dito ay maraming salamat sa pagbabasa ng blog na ito. Kita kits sa mga susunod kong blogs!! Ingat!

Sort:  

Handang-handa po pala talaga kayo tuwing tag-ulan.😊

🤣 medyo po, nasanay nalang din po Lalo na kapag buma-byahe Ng tag ulan.

Ah.. sayang ngayon kulang nabasa to, may Alam Sana ako before bumaha sa amin.😅😅

Salamat po, may naibahagi rin po pala, kahit papaano. 😅

Oi andami ah! But I think this list is awesomeness 🎉 May mga examples talaga oh. Yung mga bato bato sa bubong, para pala un para d matangay ng malakas na hangin noh. wala kasi kaming ganyan sa syudad, pero nakikita ko naman tong mga ganito sa mga probinsya. Yung lampara, oi ginagawa din namin yang mga shadow2x na laro, pero d ako magaling e 🥹

Thank you Witz haha kaya nga kapag umuulan at brown out yun din lang talaga mapaglilibangan dati. Hanggang paru paro, aso at kuneho lang din kaya ko 😂

Congratulations @jonahlyn! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You published more than 10 posts.
Your next target is to reach 20 posts.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Thank you @hivebuzz

Welcome to Hive @jonahlyn! Your first posts are a big step and we're thrilled to have you here.

Curious about HivePakistan? Join us on Discord!

Delegate your HP to the Hivepakistan account and earn 90% of curation rewards in liquid hive!

50 HP
100 HP
200 HP
500 HP (Supporter Badge)
1000 HP
Follow our Curation Trail and don't miss voting!


Curated by wittyzell