May 1 Milyon Ka, Ano Gagawin Mo? | Tagalog Language Prompt Entry


Cream Illustrative Money Management Tips Poster.png

Nakatutuwa ang ating paksa sa araw na ito. Sa aking palagay ay nais nating lahat na magkaroon tayo ng 1 milyon pero pumasok rin sa isip ko kung paano ba natin ito maiipon. Bilang mga Hivean, ang 1 milyon pesos sa kasalukuyang palitan ay 54,436.5 Hive o 17,510 HBD. Malayo pa sa aking naiipon sa blockchain, ngunit hindi imposible na marating sa susunod na tatlong taon. Sa madaling salita, isa ito sa mga goals ko dito sa Hive.

Nakita ko ang image na ito sa itaas sa Canva na may mga nakalistang mga bagay na maaari nating gawin upang maipon natin ang 1 milyon piso.


1. Avoid Impulse Purchases

Ang mga impulse purchase o mas madalas na tinatawag na "budol" sa kolokyal na usapan ay mga hindi planado at biglaang pagbili. Maaaring may nadaanan kang damit o bag habang naglalakad sa mall at nagdesisyon na bilhin ito. Pwede rin na nakita mo sa social media at may magic tag ito na nakalagay na #SALE. Ngunit kung anuman ang dahilan ng di inaasahang gastos, mahalagang makita natin ang epekto nito sa ating budget para sa kasalukuyan. Maliban na lang kung mayroon tayong BDO World Elite Mastercard ay kinakailangan pa rin natin bantayan ang ating gastos.

Ang simpleng solusyon sa problemang ito ay ilagay natin sa ating budget ang para sa luho o budol purchase. Halimbawa, may take home pay ka na 10k sa isang kinsenas, maaari kang maglaan ng porsiyento nito (10%? 15%) o mas eksaktong halaga (1k, 1.5k, depende sa iyo) na para sa mga biglaang gastos. Depende rin naman ito sa kinikita mo. Ang mahalagang maintindihan at maging "habit" ay gumastos ng naaayon sa budget.

2. Reduce Debt

Ang pagbabawas ng utang ay nakakatulong rin sa atin na makatipid. Bukod sa interest na binabayaran natin, maaaring malagay tayo sa sitwasyon na magbabayad tayon ng late fees at mababang credit score. Hindi pa man kaparehas ng credit score system sa Canada at Amerika. Ang credit score scale sa Pilipinas (300 poor - 850 ideal) ay makaka apekto na sa ating creditworthiness at sa mga institusyon na maaari nating mahiraman ng pera.

Ito ang madalas na nagiging sanhi ng malaking pagkakautang, lalu na sa mga mahilig mag-shopping. Sa mga may mahigit isang credit card, marahil ay alam nyo na na iba't iba ang porsiyentong sinisingil nila dito (18% - 28% APR kadalasan). Importanteng alamin natin kung alin ang mga pinakamalaking maningil ng interest at unahin itong bayaran. Sa pagbabayad ng mas malaking interest ay maaari tayong makatipid ng malaki at ilagay ito sa savings account o investment.

3. Set Savings Goals

Magandang magkaroon ng savings goals. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng konkretong halaga na magiging sukatan kung tayo nga ba ay naglalakad sa tamang direksyon. Maaari rin tayong mag-set ng iba't-ibang financial goals. Halimbawa:

Emergency Fund: Php 50,000.00
Emergency Assistance Fund: PhP 10,000.00
Retirement Fund: PhP 1,000,000.00
Initial Capital for business: Php 500,000.00
Etc....

*Ang paglabas ng pinaka bagong modelo ng iPhone ay hindi po kasali sa emergency. Maaaring medical emergency ito o di kaya ay natural calamity kagaya ng bagyo. Ang emergency assistance fund naman ay kung may emergency ang ating malapit na kamag-anak o kaibigan. Maaari rin tayong maglagay ng Vacation Fund na pwede nating ipunin at ilaaan para sa bakasyon kasama ang pamilya.

4. Automate Savings

May mga banking app na maaari na natin ilagay ang regular transfer ng funds. Sa aking karanasan ay pwede naman natin gawin ito ng manual. Simpleng transaksyon lang naman kasi ito. Kung isa kang empleyado ay maaari mo itong gawin tuwing sweldo at mag deposito sa iyong Savings Goals Fund Account na maaaring isang account na partikular na nakalaaan para dito.

5. Increase Income

Mahirap marating ang ating mga financial goals kung wala tayong income. Kung mayroon tayong trabaho, negosyo, may nagbibigay sa atin ng baon dahil sa estudyante pa lang, o may nagpapadala na kamag-anak na OFW. Iba't-iba ang pinagmumulan ng ating income. Sa aking palagay ay alam mo na rin ang halaga ng natatanggap natin sa isang buwan. Kung babalikan natin ang ating halimbawa na may kinikita kang 10,000 kada kinsenas at nag desisyon ka na mag ipon ng 10% nito ay mayroong papasok sa Savings Goals Fund Account mo na 2,000 pesos. 24,000 pesos ito sa loob ng isang taon at 240,000 pesos sa loob ng sampung taon. Hindi pa natin inilalagay dito ang interest income. Depende kasi sa APR ng paglalagakan mo ang kikitaing interest.

Baguhin natin ang % ng ipon mula 10% kada kinsenas ay gawin nating 50%. Mula sa take home pay na 10,000, kalahati nito ay ilalagay mo sa savings. Magkakaroon ka ng 10,000 savings sa isang buwan, 120,000 pesos sa isang taon, 1.2 milyon sa loob ng sampung taon. Kaya ba?


Ano nga ba ang gagawin ko kung mayroon akong 1 milyon?

Simpleng sagot: ipagpapatuloy ko lang ang ginagawa ko sa ngayon. Magpapatuloy na mag invest at mag ipon. Siyempre, magiging mas malaki na ang nakalagay sa Savings Goals Fund at maaaring mag invest sa isang bagong negosyo. Ang malaking bahagi nito ay ilalagay ko sa retirement fund kung saan ang target ay mataas ang interest at security ng pera. Pwede ring mag laan ng 5% para sa budol para naman hindi maramdaman na pinagkakaitan ang sarili at malapit na kaanak.

Conclusion

Bilang pangwakas, mas magandang matutunan ang tamang paraan ng pagiipon habang bata ka pa. Kadalasan kasi ay nauubos agad ang kinikita lalu na sa mga kapapasok pa lang sa unang trabaho. Hindi pa kasi laganap ang pagiipon at paghahanda sa kinabukasan sa madla. Samantalang ang mga mas nakakaangat sa buhay ay mayroon nang college fund, health insurance, etc. habang bata pa, ang inaasikaso ng karaniwang tao ay magsaya kasama ang mga kaibigan at pagbili ng mga budol lamang. Hindi naman ito masama ngunit huwag rin natin kalimutan na magipon habang bata pa nang sa gayon ay mas maaga natin makamtan ang financial goals sa buhay.

Hanggang dito na lang. Maraming salamat sa pagbabasa.

@juanvegetarian


*I used this Canva template-1 in creating the image used in this blog.

Sort:  

Iniiwasan ko yang number 1 and 2, yang debt, diko ginagawa yan lalo if alam kong wala akong pang bayad. Although may utang ako now, health issues kasi prob ee kaya no choice. Sa impulse buying naman, mahirap to pigilan pero napipigilan pa naman sa ngayon kaya safe pa. Mahirap lang mag ipon ngayon pero nakaka utay utay pa rin naman.

Minsan talaga ay hindi maiwasan ang debt. Valid naman ang reason mo sa pagkakaroon ng utang. Aware ka rin pala sa dangers ng impulse buying so good for you. Small amounts will turn into big amounts in the future. Good luck sa pag iipon.

Ilalagay sa HBD Savings hahaha

Da best yan. Haha.

Maraming salamat po sa isang Tagalog na akda👏🏼

Walang anuman po. Salamat sa Tagalog Trail Community admin.

Keep on posting tagalog post po.

Salamat!

❤️🇵🇭❤️

Gawan ninyo po ng paraan kung papaano ang pera ang mgtrabaho para sa inyo hindi po kayo ang magtatrabaho para sa pera. Natitiyak ko po na malaking tulong ito sa inyo.
Diary of yayamanin by Chinkee Tan. mura lang po yan may mga valid points po siya na makakatulong din sa inyo.

Gawan ninyo po ng paraan kung papaano ang pera ang mgtrabaho para sa inyo hindi po kayo ang magtatrabaho para sa pera.

Yan naman ang gusto natin na mangyari. Ma-maximize ang earning potential ng pera natin. Salamat sa tip. Sinusundan ko na rin si Chinkee. Teka, hindi ba ikaw si Chinkee? Ibang name lang yata ang ginagamit mo dito sa Hive. 😆

Anyway, maraming salamat sa pagbisita sa aking blog. Magandang araw!

hahaha hindi po

😆😆😆

Kung may 1M ako, half invest sa stocks at crypto, the rest sa insurance at travel 🤣 ayoko talaga mangutang, unless emergency at walang Wala..

Gusto ko rin yang travel. Enjoy kasi makarating sa iba't-ibang lugar sa ibang bansa. 😆

Ui ayos din yan! Hopefully within 3 years ano tapos mag moon pa si Hive di mo lang alam.

Sarap nyan pag nag automate na ang kita, you can just go on your way na.

Sana nga ay mag moon ang Hive. Yan ang best case scenario: ipon muna tayo, then sabay taas ang presyo. Mahirap talaga ma-predict, di naman kasi natin alam ang mangyayari sa susunod na minuto ng ating buhay. Tiwala lang talaga. 🙏😊