Nagamit ka ba ng vetsin? | Tagalog Language Prompt Entry

in Tagalog Traillast month (edited)


Healthy Food Special Ingredients Instagram Post.png


Intro


Ang MSG, o mas kilala na vetsin dito sa Pilipinas, ay ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkain. Sakto naman na naubusan kami ng aking paboritong vegan seasoning kaya naman minarapat kong bumili ng MSG sa grocery store.

At para sagutin ang katanungan sa ating prompt para sa araw na ito: wala namang ginamit na animal products at hindi gumamit ng hayop sa proseso ng pag gawa nito kaya naman ginagamit ko rin ito bilang pampalasa sa pagluluto.


Vegetarian Pancit



Green Collage Healthy Food Instagram Post.png

Wala naman akong masyadong isyu sa pag gamit ng vetsin kaya minarapat ko na lang ibahagi ang tampok na #vegetarian food na niluto ko ngayong linggo. Ang vegetarian pancit. Simple lang ang sahog nito: carrots, tokwa, kabute, vegan sausages, Baguio beans (long green beans), at repolyo.

Masarap at malasa, ang vegetarian pancit na ito ay napasarap ng mushroom seasoning (hindi vetsin. LOL), asin, paminta, at vegan patis.

Marami kaming niluto kaya umabot ito hanggang kinabukasan nang initin ko ang natira at ipinalaman sa tinapay habang humihigop ng mainit na kape.


Merienda


Nakahiligan na rin talaga nating mga Pilipino ang kumain. Umaga, tanghali, at gabi ay parang hindi tayo nabubusog. Isama pa natin ang merienda at mabilis talagang bibigat ang ating timbang. Para sa merienda ay dumaan lang kami sa convenience store na malapit at bumili ng K-Style Plant-based Chicken Burger. Ang Korean-style burger na ito ay gumamit ng UnMeat at nagkakahalaga ng 95 pesos ($US1.63 sa kasalukuyang palitan). Hindi na masama dahil nakakabusog at na-enjoy naman namin ang pagkain na ito.


Food Menu Photo Collage (Instagram Post).png

Nagkataon din na suot ni misis ang kanyang I Love Korea na damit kaya naman naging magandang pagkakataon ito para makuhan siya ng litrato kasama ang veggie burger na ito.


Pangwakas


Dahil sa pagkain ang tema ng ating prompt para sa araw na ito ay ilalagay ko na rin ang aking nininom na choco-flavored cold drink na ito mula sa Big Brew. 39 pesos lang ($US0.67 sa palitan ngayon) ang malaking order. Hindi ito ang pinakamasarap na natikman ko ngunit tamang-tama ang lamig dahil sa nakakapagod at nakakauhaw ang mamalengke.


438159155_2042147842848537_1075955769978776874_n.jpg

O, siya. Hanggang dito na lang. Maraming salamat sa oras. Nawa'y nag-enjoy ka sa pagbabasa ng maiksing blog post na ito.

Hanggang sa muli.

@juanvegetarian


*Aside from the templates and images from the Canva website, I own all the photos used in this post. If you are interested, here are the templates used: Canva template-1, Canva template-2, and Canva template-3.

Sort:  

Paminta at asin = umami

True yan. 😊

Nalilito na nga ako e kung good or bad ba siya haha. But sabi, hindi naman daw talaga nakakasama to. Ewan ko ba sino nagpauso na bad daw ang MSG haha.

!PIZZA

Naku. May Ganon nga palang isyu ang MSG. HAHA. Hirap noh. Thanks for the !PIZZA 🍕🍕🍕

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
jijisaurart tipped juanvegetarian
@juanvegetarian(1/5) tipped @jijisaurart

Bakit kaya nauso yung term na nabetsin lol, growing up tuloy kala ko masama sa katawan yung msg.

Hindi ako ang nagpauso nyan ha. 😆

Gumagamit din kami nyannnn, pero may nabasa din akong masama nga daw gumamit ng ganito. Perp kahit ganon, gumagamit pa rin kami, coz why not hahaha. Kapag kasi walang ganito nagiging boring ang lasa nang ulam. Di pa naman kami maalam gumamit mong nga spices na natural talaga. Asa lang kaminsa ganito,

Iba't-iba nga ang sinasabi, di tuloy agad natin nakikita kung alin ang totoo. Mas okay sana kung i-declare na ng ahensya ng gobyerno kung hindi ito maganda sa katawan para tapos na.

Hmm favorite ko yang K-style plant based Chicken Burger.kanina lang nag travel kami yang baon namin as merienda.

Good to know. May iba rin pala nakaka-appreciate nito. 😆

Never knew na nagamit pala ng vetsin din ang mga vegan! Most of the time I think na masama ang vetsin sa health ( bago ako matuto magluto) pero it turns out approved din pala ito sa inyo.

Cool! May natutuhan ako na bago!

Not my favorite pero yes, gumagamit ako. There are concerns na hndi nga raw maganda sa kalusugan pero it seems like there are opposing views/expert opinions. 😆