Meryenda: Initlogang Cauliflower

in Tagalog Trail6 months ago

Magandang araw inyong lahat! Una, pasalamat ako kay @cindee08 dahil gi chat niya ako patungkol dito sa tagalog trail. Salamat naman at mahasa tayo sa ating sariling wika. Pangalawa, salamat na ang topic sa araw na ito ay tungkol sa meryenda. Timing nag luluto ako para sa amin ni hubby.Dahil si hubby ay diabetic kailangan ang ihain ko ay yong di nagpapataas ng sugar. Simula 2022 kami dalawa ay nag lo low carb na at iniwasan kung maari ang pagkain ng kanin. Kaya noong isang araw naka bili ako ng mga ingredients na aking lutoin. Pang meryenda o diretsong haunan na din. Ito yong cauliflower,coconut oil at black pepper. Yong itlog may stock kami denilever ng aming kapitbahay.ang tawag ko sa lutoing ito ay initlogang cauliflower. Ito yong mga sangkap:

inbound2868989808901911837.jpg

At ito yong paano lutoin.
Hiniwa ng palapag ang cauliflower at hinugasan. Yong itlog gi scramble gamit ang tinidor dinagdagan ng asin at black pepper. Nag handa ng malinis at tuyo na kawali, nilagyang coconut oil at pinainit. Yong hinugasang cauliflower hinalo doon sa scrambled na itlog. Ng uminit na ang mantika nilagay ang cauliflower na may itlog, isa isang hinulog sa mainit na mantika. Ng ito ay nag brown brown na luto na sila.

inbound6347222745359249089.jpg

inbound1178397248421723591.jpg

inbound1896548014816322561.jpg

Luto na, Meryenda na tayo.

inbound4153085518842349765.jpg

At pinaresan namin ito ng malamig na malamig na low carb drinks.Yong cucumber carbonated drinks.

inbound5550776135885636583.jpg

Nag stock ako sa fridge ng mga low carb drinks para anytime gustong uminom may mainom agad. Ito yong kasali pag grocery ko.

inbound6319777161703040722.jpg

Tested ko naman na di tumataas ang blood sugar ni hubby sa mga drinks na ito kasi tuwing umaga ko siya kinukuhaan ng blood sugar reading niya. Ang number one magpataas ng bloodsugar level ay ang kanin, tinapay, matatamis na prutas at matatamis na pagkain. Kaya dahil ako ang taga pag handa ng pagkain ni hubby nag research ako ng mga low carb foods. Gaya netong hinanda kong meryenda, dahil kami ay mga Senior Citizen ingats na talaga sa ano ang kainin.

Maraming salamat sa pag dalaw at pag basa ng blog ko.

inbound1810118425328947378.gif

Sort:  

Wow! Masarap eto panigurado! Pangalan palang solve kana.
Kakatuwa naman merong tagalog community. Maraming salamat sa pagshare Netong community sa akin mother dearest.
Susunod meron na ding Bisaya community and Pati iba't ibang mga salita pa sa buong Pilipinas. ♥️🥰

Oo why not in bisaya dami hivers na bisaya

Dati nung nasa Steemit kami, we tried to have one kaso walang bisaya na curator kami ma tap since kakaunti palang naman nuon ang mga tao and most ay mga students pa.

Hopefully there will be kasi I can't do it di ako marunong mag bisaya haha tagalog, english at kaunting jejemon lang ang alam ko hahahahha.

Mukang napaka sarap po ng inyong nilutong putahe ate @jurich60. Slamat po sa baghagi ng komunidad na ito

Post na Sis

Ay ang healthy namang tunay! masubukan nga din para iwas na sa rice.

Oo Sis yummy na yan lalo sa hapunan no more rice na

Ma try nga din ito! Nag try kami noon cauliflower rice medyo di ko gusto ang lasa at texture ng kanin at mahal pa ang cauli noon (pandemic times)

Madali lang gawin ang merienda. Same tayo sa rite and lite minsan nabili din kami nyan sa supermarket para lang maitawid ang feeling na may mainom parin na parang sopdrinks.

Totoo yon same lang lasa sa softdrinks kaya enjoy ang mga Senior

Sobrang healthy nyan a. Matry ko nga to ipaluto sa roommates ko, di pa kasi ako marunong magluto. Haha

Oo puede na yan hapunan

Natawa lang ako sa initlogan, haha, ang kulit ng title, lol. Anyways, ganitong food ang maganda. Healthy talaga, ang mahal lang ng cauliflower ay, di kami maka bili dito sa amin aguy

Oo Sis sa grocery ako nabili yong isang cauliflower maliit nga lang 94 pesos, but kasya na sa aming dalawa ni hubby.