Plano sa Pangarap na Isang Milyon!

in Tagalog Trail29 days ago

"May 1 milyon ka, anong gagawin mo?" Sana di lang to tanong no? Sana totoo na, like, can we have free 1M puleaseeeee (人 •͈ᴗ•͈).

IMG20240527153244.jpg

Unang una, kapag nagka isang milyon ako, bibili ako ng selpon, yong iPhone pero yong lumang version lang, not 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17 - no, hindi yan. Okay na 'ko sa IPhone 7 or 8, camera lang naman talaga habol ko diyan. Kahit manlang magastusan ko yong sarili ko nang selpon na ganito, yong masunod lang kahit isang beses ang "gusto ko" at hindi puro nalang "kailangan" eme. Kapag hindi na available, then go sa iPhone XR, pikit mata nalang! De joke lang, deserve ko naman siguro to diba, lol.

After makuha ang selpon, sunod kong gagawin is mag bayad ng utang kay Mommy F. Wala sana akong utang, kung hindi lang ako nagpaopera nang ilong para matanggal yong polyp sa loob. Kaso, si mommy na nga nag push sakin na magpa opera dahil papautangin nga daw niya ako. Para din naman daw yon sa health ko, eh di go! Dahil diyan may utang akong 135,000, but nope, hindi lang yan ang kabuuan dahil sa hindi inaasahang pangyayari, na hospital akong nang three times. So another utang na naman kay mother, yawit, huhu. So if magka 1 milyon ako, babayadan ko na agad agad! E-less na agad yong 200,000, so may 800,000 nalang. Gosh, ang bilis mag laho ng kwarta!

Sa 800,000 na yan, ibabawas ko yong another 200,000 pa at ilalaan naman para sa family ko. Yong 600,000 babawasan ko pa ng another 100,00, so kalahating milyon nalang ang natitira. Medyo bata pa naman ako so baka ilagay ko nalang yan sa bangko, or sa bahay kapag mas mataas na security sa bahay. Ayaw ko din namang isabuhay ang one day millionaire, so magtatabi tayo. At yong binawas ko naman sa 100k, ilalaan ko sa crypto. Ipapasok ko kapag bumalik na sa $20,000 si BTC. Di naman siguro malabo no? Nangyari nga noong nakaraan eh, mas bumaba pa nga diyan diga? I'll put some on HBD, Hive at saka BCH. Sasamantalahin ko na din yong mataas na APR ni HBD so baka diyan ako mag lagay ng mas malaki.

IMG20240527134722.jpg

IMG20240527134750.jpg

Now, mabalik tayo sa 200k para sa family ko. Yong 70k, balak kong ilaan sa pagpapaayos ng bahay ng Mama coz tingnan nyo naman - sinira na ng anay. May ni-spray naman dito dati, nong pagkagawa ng bahay. Kaso sadly, pinagbahayan pa rin siya ng anay, di ata effective yong ni-spray. Ang balak ng mama, balik nalang siya sa bahay na pawid so baka alisin na totally itong mga plywood na ito. Ang pawid mas mura mura pa and talagang presko kapag gawa sa ganiyan ang bahay. If halimbawa na kulangin then dagdagan nalang para mas maging maayos naman ang bahay niya at ng kanyang mga alaga.

Yong natitira ipang gagastos ko para sa mga gusto nila. Deserve nila yan, lalo dalawa long kapatid. Baka abutan ko rin ng 10k yong kapatid ko na nagbantay sa'kin noon sa hospital. At syempre di din mawawalan yong mga magaganda at gwapo kong pamangkin. Malamang baka mag request din ang Mommy F ng new phone, then gora. Parehas kami niyang adik sa cellphone ay, lolol. Si mommy D baka gusto ng new make up set, then gora, sure, sure. Si Mama baka mag request nang sofa bed, then go lang. Nakalaan yan sa kanila so, igagasta natin yang pera na yaan sa nga gusto nila.

Yon lang, bye bye ฅ^•ﻌ•^ฅ.


IMG_20240527_123338.jpg

Sort:  

Kung ako siguro ang may isang milyon ang gagawin ko sa pera is magtatayo ako ng sarili kong negosyo at sasakyan para magamit para sa negosyo. Saka na yung bahay kasi may bahay pa naman kami. Atleast sa negosyo may income ako lalago pa pera ko kaysq mga bagay na mawawala o mag depreciate ang value.

Oh, nice yan, sa pag iisip lang mg business dapat wais ka. Lalo mahirap din mag open ng business sa panahon ngayon.

Dami ko gusto bilhin Kong magka 1M ako, sasakyan sana pra madali kmi makatravel ng fam ko kaso kulang yan haha

Hahaha yon laang, haha. Pero sasakyan is good lalo for traveling. Saya niyan, kung saan saan kayo makakagala if ever. UwU

Pg ako may 1 million patatappos ko na Yung bahay, tagal na Hindi pa Rin matapos tapos.

Niceeee, with that mas mapapadali na pag sasaayos ng house nyo if ever.

Kaya Lang parang SA panaginip Lang bhe🤣

Ahh parang hirap, feeling ko ubos ko agad 1M niyan.
Siyempre binigyan ko pa.mga kapatid ko

Hahahaha, ang laki ng 1m pero sa panahon ngayon na nag taasan na mga bilihin, maliit nalang yan ano. Aigooo

Ubos agad ang 1M.

Grabe ano pag na compute na agad natin ang 1M parang kulang parin talaga sa mga gastusin sa buhay. Kahit mabayaran muna ang mga kautangan hahah the rest pa pache-pache nalang na bilhin.

Gusto ko yung bahay sympre, kasi relate tayo dyan hirap ng sira-sira ang haus.