Ang Plano sa Isang Milyon

in Tagalog Trail23 days ago

young-businessman-throughs-around-dollars-dances-street.jpg

Image by freepic.diller on Freepik

Ang sarap isipin na magkakaroon ka ng isang milyon out of nowhere. Given na napakaraming problema ngayon na pwedeng ma solve ng pera napakalaking tulong nito sa buhay namin ngayon.

Money can't buy happiness

O pwes akin nalang para ako ang sumaya.

10% will go to tithes, I was blessed naman to have one so give back what is due for God. Some people say na di naman worth it magbigay ng tithes kasi kurakot yung church, mayaman na yung church or kung ano man pero regardless parin this will be given to Him. Naging practice ko na to since nag wowork palang na magtabi immediately for tithe kaya di na ganun ka hirap for me.

Sa estado nang buhay namin ngayon, kung, isang malaking chunk nito ay igugugol ko para sa therapy ni Dyn-dyn siguro mga 300K ang ilalagak ko dito. May mga nakita na kaming centers na nag ke-cater ng occupational at speech therapy pero dahil narin sa dami nang cases lately, naghahanap parin kami ng ibang centers na may slot na pwedeng makapag cater sa amin.

viber_image_2024-05-26_03-44-54-474.jpg

viber_image_2024-05-26_03-44-54-443.jpg

A portion, mga 100K siguro ay para naman sa pagpapatapos ng kwarto na pinapagawa namin kila tatay. Hindi pa kami nakakalipat dahil hindi na natapos ang kwarto naumpisahan na siya pero dahil kinulang sa budget. Almost done na naman sya, yung pintuan nalang ang other furnishings and electricity.

Dibale may 500k pa ako, siguro 300k for the medical needs ng pamilya. Mahal magkasakit lalo na sa Pilipinas, I saw how our family's finances were drained with medical expenses back then better be prepared parin in the long run.

Yung 100k naman is for helping funds back then meron kaming ganito ni April, funds na pwede matake namin to help someone dear to us. Para incase na may someone na need manghiram, we can give something for them instead. Relationships were destroyed sa utang and better kung ibigay nalang pero not the requested amount, a small portion lang naman each time mga ganun.

Then the last 100k is for savings either i power-up ko sya or ilagay ko sa savings HBD to get that sweet interest. Eitherway, win-win parin naman kung ano ang piliin ko. If I power up, I can support more projects with the upvote that I will get or i delegate ko to the projects that I believe to. Kung savings naman oks lang din kasi it earns interest.

So ayun ang plano ko if ever na magka 1million ako in the future. Minsan maganda din naman ang mangarap. If you notice, wala akong plan for myself, may work pa naman ako and I get what I need naman as long as okay ang mga tao sa paligid ko I am all good in life.

Sort:  

Mabilis na lang naubos now ang 1M.. kaya dapat talaga, matiyaga pag isipan saan ilalagay... Sana noh may 1M ka, para sa treatment ni anak mo 😊

I can imagine that! Nako ang hirap ng gastusin ngayon.

Sana noh may 1M ka, para sa treatment ni anak mo 😊

Truee! Still searching for some centers din na may slot including the ones that were given to us ( thank you Jane) we are just waiting na magkaroon ng slot. We are seeing a huge improvement ngayon kay baby after we became aware of what the current situation is na. Hopefully tuloy tuloy na sha.

Maganda plano mo idol una pamilya bago iba.

Haha di natin gagayahin si Rendon na iwan ang pamilya.

❤️🇵🇭❤️

Money can't buy happiness? pwes akin nalang para ako ang sumaya.

Hahaha same sa linyahan ko kapag may nababa akong ganyan. Lol. Sa hirap nang buhay ngayon ah, tapos kada galaw need mo na gumastos.

Ayos yang paglalaanan mo nanh 1M. Ako hirap mag decide nyan for sure lalo if nahawakan mo na talaga ang money.

Diba!! Nako para sa hirap ng buyhay ngayon sa atin nalang ang pera nila.