Sinetch Itey ang dalawang dating Child stars na ngayon ay kinasal na?

in Tagalog Trail24 days ago

Image created using CANVA.

Nag-bubukas ako ng social media ko. Tapos may nakita akong post na nakakabigla sakin. Akala ko kasi fake-news nanaman dahil nga noon madami kasi nag-sasabi na itong si babae ay buntis na ganon. Hindi naman ako maritess nakita ko lang naman kasi talaga yung post na 'yon. Hindi naman ako marites kasi di naman ako nag-comment sa post na yon! (Halla sige deny pa natin na hindi tayo marites. Low-key lang)

Isa sa mga crush kong artista si Nash Aguas. Madalas ko siya napapanood noon sa pambata na palabas, yung Goin' Bulilit. Paborito din kasing pinapanood 'yan ng mga matatanda tuwing Linggo ng gabi. Maganda naman kasi talaga dahil mga bata na mga nag-jojoke at medyo nakakatawa yung mga linyahan nila. Ah! Naalala ko tuloy yung 'Sinetch-itey' na part ng panood na yan. Doon talaga ako natatawa dahil sa kabadingan nila.

Bukod din kasi sa Goin' Bulilit, napapanood ko din si Nash Aguas sa LUV U. Isa din itong comedy, drama, teen na palabas sa ABS-CBN dati. Ang pagkakatanda ko nga ay si Alexa Ilacad yung kaloveteam niya noon. Alam mo naman dito sa Pinas, uso talaga ang Loveteam na yan para sumikat.

At eto naalala ko ulit yung '13 years and I still love you' where was I na 'yan.

Hindi talaga ako marites. Dumaan lang yung meme sa newsfeed ko noon. Mapanakit naman kasi talaga kapag first love ng taong mahal mo yung kalaban.

Pero maiba tayo, kaya ko nabanggit si Nash Aguas ay dahil sa chismis na ikinasal na siya noong May 18, 2024 sa kanyang long time girlfriend na si Mika Dela Cruz na isang artista din at kababata niya noon sa Goin' Bulilit.

Image source: @zackwey | Instagram

Nagulat lang ako kasi akala ko Fakenews. Pero totoo pala talaga. Noong nalaman ko itong balita na ito ay talaga naman na nabigla ako. Syempre naging part din ng childhood memories ko yung Goin' Bulilit tsaka ka-edad ko lang din kasi sila. Nasa 20's pa yang mga yan.

Natatawa din ako sa mga comments at mga reactions sa mga post about sa balita na ito kasi, may mga tao na nagsasabi na 'Sign na daw na tumatanda na sila' , 'Ang bilis ng panahon kasi lagi lang nila napapanood ang mga bata na ito sa Goin' Bulilit' , tapos ang pinaka-ano na comment or reaction na pumukaw sa attensyon ko ay yung mga trenta at mahigit na yung edad pero wala padin silang jowa or lovelife. Tapos natalo pa sila ng dalawa kasi kasal na sila nasa 20's palang naman sila at ang babata pa.

Ang say ko dito, hindi ko kasi mapigilan na sabihin ito 'eh. Kung tutuusin hindi naman na bata sila Nash at Mika. Nasa legal age naman na sila. Pwede na magpakasal yung mga ganyang edad kasi hindi naman na sila Menor de edad. Tapos, ang pagkakatanda ko, si Nash Aguas kasi ang trabaho niyan eh Politician. Isa siya sa mga Councilor(s) ng Cavite, City, at Businessman pa. Tapos si Mika naman ay anak mayaman. Ate niya artista. Kaya napakadali lang sakanila na mag-pakasal kahit nasa 25 palang sila ngayon.

Sa atin na mahihirap, ang 25 ay bata pa para mag-pakasal kasi mahirap ang buhay 'eh. Hindi pa natin afford yung mga importante na bagay. Magastos din kasi kapag nagkaanak tayo. May mga responsibilidad pa na kahit nga, Isang milyon ay kulang padin yan.

Sa totoo lang, naiisip ko din ngayon kung kailan ako mag-aasawa. Sa anong edad? Naprepressure ako kasi sa edad ko na ito wala pa naman ako naiipon—Sama lang ng loob. Pinangako ko talaga sa sarili ko dati na, hindi ako mag-aanak hangga't wala pa ako naiipon. Ayoko kasi na maiparanas yung buhay na nararanasan ko ngayon sa anak ko. Hindi kasi nila iyon deserve.

Pero napapasana-all ako sa mga bata na mas bata sa'kin dito samin. Yung nakakayanan nila lumandi ng maaga, yung nag-aanak na sila ng ilan, may mga pamangkin na nga ako sa mga 16-18 years old na pinsan ko sa father's side. Like, paano nila nakakayanan yung mga pinsan ko na tingnan kung gaano karumi yung mga damit ng mga anak nila, hindi pa ayos pananamit at pagsuot nila ng Tsinelas. Wala din sila makain at di nila maibigay yung bagay na gusto ng mga anak nila.

Pero alam niyo ba? Hanga ako sa mga mas matanda sakin na nasa 26-pataas na walang mga jowa tapos anak. Alam ko naman na ineenjoy palang nila yung pagiging young, wild, at free kasi mahal talaga nila yung sarili nila. Tapos sila yung mga tao na marunong magpahalaga ng future.

Kaso napapaisip din ako, hindi ba sila natatakot? Ayaw ba nila makita yung mga anak nila at maranasan maging isang magulang habang nasa 30's palang sila? Kasi kung tutuusin 'We only live once' diba? Hindi na natin mararanasan ito ulit. May pera nga tayo sa mga bank account pero hindi naman natin madadala sa langit yung pinaghirapan natin. Ang makikinabang, yung mga tao na hindi ka naman talaga "mahal".

Naprepressure din ako ngayon sa totoo lang kasi mga pinsan at kapatid ko, karamihan sakanila mga "B.I" o Lesbian. Babae din ang gusto. Kung hindi naman ganyan, mas bata ang gusto nila. So ako, bilang pangalawa sa magpipinsan, maprepressure kasi yung Lolo at Lola ko nagdedemand na ng Apo sa tuhod. Mamamatay nalang daw sila na hindi pa nila nakakasama yung Apo sa Apo nila. Ayoko naman na mag-asawa agad. Aaminin ko naman na gusto ko mag-jowa. Magkagusto. Pero syempre wala pa ako sa ganyan na pag-iisip. Gusto ko lang naman maranasan ulit yung minamahal. Ganon. Pero date to marry akong tao.

Ano ba dinadaldal ko? Ang usapan lang ay about sa Chismis na nasagap. Pero hindi ko alam na ishashare ko sainyo yung 'thoughts' na nasa isip ko about marriage. Ang layo ng narating ng chismis ko ha. XD

Pero alam niyo nakakatuwa din, kasi dahil dito sa Chismis about sa Kasal nila Nash at Mika, ang dami pala talaga na nasa 30's pataas na edad na walang jowa at wala pang mga anak. Yung puro trabaho lang sila tapos tulong sa pamilya, ineenjoy yung self-love. Kasi dati may mga kabataan na maaga nabubuntis mas madami noon ganyan pero ngayon, habang patanda tayo ng patanda, yung mga kabataan dati na tumatanda na ay takot mag-asawa at anak at mga "pera-minded" na ngayon. Kung ako ang tatanungin, napabilang lang naman ako sa mga 20s na walang jowa at anak kasi wala akong choice. Mahirap ako eh. XD

So ayon nga, para sakin, yung pagpapakasal ng nasa 25 years old-pababa na edad para lang yan sa mga tao na mayayaman. Yung afford na yung mga adulting responsibilities sa buhay. May mga advantages and disadvantages naman ang pagpapakasal ng maaga at Pagpapakasal ng mas matanda. Piliin mo nalang kung saan ka mas masaya o sasaya.

So ito lang naman yung chismis na nasagap ko dahil nadin nag-trending. Ayoko sana na idaldal yung mga bagay-bagay na nasa taas, kasi may mga kanya-kanya tayong paniniwala at desisyon sa buhay kapag "Kasal" na ang usapan.

Disclaimer lang ha?: Opinion ko lang yung mga 'yon, masusunod padin syempre, yung gusto mo gawin sa buhay mo. O kung ano ano mga paniniwala mo. Kung saan ka masaya.

MARAMING SALAMAT SA PAG-BABASA!

Sali kana sa Tagalogtrail!


PUBLISHED BY: @xanreo
DATE: May 23, 2024

Sort:  

Haha, kung naabutan na nga daw etong dalawa sa goin bulilit mag asawa na

Ano say niyo? @ruffatotmeee and @jane1289 ?

Hahahahaha, ikasal na silang lahat basta ako ay happy na masaya sa pagiging single (≧▽≦)

@ruffatotmeee okay lang yan, ang mahalaga masaya. Pag nagkasal kasi, mag-hihiwalay din naman agad. Huhue

untitled.gif

Diba hahaha di na uso pang matagalan na relasyon ngayon, sa dami nang nag hihiwalay, aigooo

Final answer?

Paunahin ko lang muna sla, mukhang nagmamadali eh haha .

Haha, darating din dW

Gulat ko din nong nabasa ko balita na yan. Actually nong nabasa ko yan, gusto ko din e share dito, haha kaso wala akong ma say about dyan ee ahahahaha. Anyways sana maging masaya buhay mag asawa nila. Nasa tamang edad naman na talaga sila. Ang poproblemahin nalang nila diyan is paano nila mapapanatili na maging faithful sa isa't isa.

haha dati gusto ko makasal at 27 pero nagka 1st baby at 30 and kinasal at 32. Sabi ko nga if tatandang dalaga ako, mag aampon lang ako ng baby. syempre magpapayaman muna ako para afford ko magpalaki ng baby. haha.

Tama. Hirap din kasi magkaanak kaya dami nila kakailanganin lalo na edukasyon at future things xD HAHAHA

HAHA nako childhood ko din yan eh. Goin Bulilit! Charot lang HS na ata ako nung napalabas ito.

Anyhow oks naman na you take your time, a rushed marriage isn't that fruitful and enjoyable din naman.

Nakita ko din yung memes ni Alexa, grabe medyo bitter si ante ng slight knowing na may KD na sya ata dyan sa interview na yan basta ganun. Happy for Nash and Mika and sana tuloy-tuloy na.

Madali magpakasal, pero ang buhay mag-asawa hindi.

HAHA nako childhood ko din yan eh. Goin Bulilit! Charot lang HS na ata ako nung napalabas ito.

ayan sige kunware itago natin edad mo kuya tepe xD

Anyhow oks naman na you take your time, a rushed marriage isn't that fruitful and enjoyable din naman

Oo. Ang panget kasi ng nirurush. Parang gusto ko tuloy sap0ken yung mga titmosa na nagsasabing manganak na daw ako at mag asawa. Parang naman sila yung mag aalaga

Nakita ko din yung memes ni Alexa, grabe medyo bitter si ante ng slight knowing na may KD na sya ata dyan sa interview na yan basta ganun.

I think kasi gets ko din si Alexa eh. Yung feeling niya parang kasi naging balewala lang siya noong mga panahon na wala si Mika. Ang sakit kaya non

Happy for Nash and Mika and sana tuloy-tuloy na.

Hindi na ako maniniwala sa forever kapag naghiwalay pa mga yan. Yung si Nash kasi red flag lang kay Alexa noon e pero now, nung mga napanood ko vid nila sa kasal behind the scenes pinuput nila pareho si God sa center ng relationship nila. Parang ang healthy ng relationship nila at wala sa ugali ni nash mangbabae.

Madali magpakasal, pero ang buhay mag-asawa hindi.

Anong madali magpakasal? Ang dami kaya gastusin! HAHAHAHAHA 🤣 sorry kuya tepe ha gusto ko kasi ng lechon sa kasal. Hahaha