Disney Gangsters - The Terminator (Short Story)

15590299_1656249071340327_294587443537122982_n.jpg


They were known as the Disney princesses in fairy tales. But, they are not your ordinary princesses. Because in reality, they are the so called... Disney Gangsters.


SATURDAY

Danaia's Point of View

I was busy flipping up papers I'm reading when I heard the door opened. Hindi ko iniwanan ng tingin ang mga dokumento sa harap ko. Besides, I already know the person who just went inside my office.

"You're looking for me, Miss Treece?" tanong sa akin ng sekretarya ko. Mahina lamang iyon pero narinig ko. I wonder bakit ilag at takot ang mga tauhan ko sa akin. Hindi naman ako maldita, I'm just strict. Magkaiba naman yun di ba? Kung kilalanin kaya nila ako ng mabuti di ba? Pero huwag na lang pala. Mas mabuti na yung takot sila sa'kin para matutong rumespeto.

"What's my schedule for today, Kara?" tanong ko.

"Uh, isa lang po ang meeting niyo ngayong araw na'to. It will be this 10:30 A.M. at La Lelle Restaurant. Aftet that, you will meet with Ms. Chanteur para sabay kayong pumunta sa Pilipinas."

"Okay. You may go now." utos ko. Nakita ko naman ang pag-bow niya bilang pagpapakita ng respeto sa'kin saka siya nagsimulang maglakad papalabas. "Oh wait, Kara." tawag ko ulit.

She about-faced. "Yes, Miss Treece?"

"You know that I'll be studying in the Philippines, right? When there's a problem in the company, just notify me and send me the important documents I need to sign. Sa ngayon ay itatalaga ko muna si Mr. Freed para mamahala sa company dito sa India."

"Yes, Miss Treece. 'Yun lang po ba?"

"Yes. You can go now." I commanded at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Few minutes had passed, I stopped what I'm doing. Pahinga muna ako sandali. Nakakapagod eh.

Pero nakatingin pa rin ako sa mga papeles na nasa mesa ko. Nakakainis! Kailangan ko 'tong tapusin ngayon para wala ng poproblemahin pa pagdating ko sa Pilipinas. Pero tinamaan talaga ako ng katamaran ko.

Instead, kinuha ko ang laptop at tiningnan ang kasalukuyang nangyayari sa misyon ni Ariel. Napailing na lang ako sa nakita.

Kakaiba talagang magtrabaho ang batang 'yun. She's very talented in baking and cooking to the point na nakakatakot na ring kumain sa mga pagkaing niluluto niya. Hindi man halata pero kapag trip niyang patayin ang mga kalaban, pinapakain niya ito ng mga pagkain na may lason. Walang ibang lunas kundi ang dugo lang niya. Kaya siya mismo, immune na rin sa mga lason.

Nakakadiri nga minsan eh. Kailangan mo pang maging bampira para maisalba ang sarili mo sa kamatayan. There's one time that I ate the cookies she baked. Hindi ko naman alam na para pala sa misyon namin 'yon at may lason. I almost died there kung hindi ko ininom ang dugo niya.

But anyways, here I am, nakaupo habang tinitingnan ang ginagawang pananabunot ni Ariel sa target. Napailing na lang ako. Minsan talaga, tinotopak ang babaeng 'to. Nagiging isip-bata sa kalagitnaan ng misyon. I grabbed my phone and called her. Sinaway ko siya sa ginagawa niya at inutusan nang umalis.

Matapos ang tawag ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Kailangan ko pa palang tapusin 'to ngayon. Hahay!

At oo nga pala! May meeting pa pala ako ngayong umaga! Deym! Nakaka-stress naman nito!

Mr. Pim is a potential investor in my company. Though hindi naman palugi ang negosyo ko, sa katunayan nga ay nangunguna ang kompanya ko sa negosyo patungkol sa mga real estate properties, malaki pa rin ang pakinabang kapag na-close ang deal na'to. Dagdag koneksyon na rin.

Oh well, mamaya ko na iisipin ang bagay na iyan. Kailangan ko nga kasing tapusin ang mga bagay na nasa harap ko. Liliit na lang ang oras ko kapag nandoon na ako sa Pinas.

An hour had passed, biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kaagad kung sino iyon. Paniguradong isa sa limang iyon ang gustong makausap ako. I saw her name flashed on the screen.

I answered the call. "Miss Treece speaking..."

"Hello, Miss Treece." narinig kong bati ng nasa kabilang linya. Still the sweet girl maliban kay Ariel.

"What do you want, Miss Fernandez?" diretso kong tanong. Balik seryoso na naman ang mood ko.

"You're too formal today. Anything happened?" sa halip na sagutin ay tinanong pa niya ako. I sighed and stopped what I'm doing.

"I'm working. And so far, none." sagot ko.

"Oooh..." nai-imagine ko ang pagtango niya.

"Why did you call by the way?"

"Well, I just want to ask if kailan kayo makakabalik ng Pilipinas ni Ariel."

"We will be there tomorrow."

"Ah, okay."

"'Yun lang ba ang itinawag mo, Aurora?"

"Hmmm... Actually, meron pa. Pero bukas ko na lang sasabihin. Busy ka yata kaya tatapusin ko na lang ang tawag. Tapusin mo muna 'yang ginagawa mo but don't forget to rest. Take some medicine na binigay ko pampatanggal sakit ng ulo kung sakaling magka-headache ka sa ginagawa mong pambubogbog sa utak mo." bilin niya. Narinig ko pa ang munting hagikhik niya. Napangiti na lang ako.

"Okay. Thanks for that. I'll end this now?"

"Yes. See you tomorrow, Jasmine."


Jacqueline-Fernandez-Boyfriend-age-Biography-981x1024.jpg


Online Source:

Image Source(direct link to img)


Want to read more about The Disney Gangsters? Visit the following: