My Sweet Nothing (A Short Story)

12494671_1528915914073644_1161496391640750715_n.jpg


Nothing lasts forever. But I can be your nothing. And we can create our own forever.


"Nothing lasts forever." aniya Aurora sa isa sa mga suitors niya.

Nakaluhod ang lalaki at nagpropose kay Aurora sa harap ng maraming tao. Nakikita ko sa mukha nitong hindi niya nagustuhan ang sagot ng babae. Bagamat hindi "oo" at " hindi" ang sagot ni Aurora, alam niyang busted na siya dito.

Nakayuko lang ang lalaki at masasabi kong nasasaktan at umiiyak siya dahil nakikita kong gumagalaw ang mga balikat nito.Naririnig ko rin ang mga bulung bulungan ng mga tao sa paligid. Pero ako, nakatayo lang at nakatanaw sa babaeng nasa tabi ko, si Aurora. Tintingnan ko kung ano ang reaksiyon niya. Pero blangko lang ang mukha niya. Tila ba hindi nakakaramdam ng kung ano at walang pakialam sa nakikita niya.

Tumalikod na siya at naglakad paalis na parang walang nangyari. Tumabi ang mga tao para makadaan siya. Habang ang lalaking kanina lang ay binusted ni Aurora, hindi pa rin tumatayo.

Napabuntong hininga na lang ako saka sumunod kay Aurora.

Hindi ko siya masisisi sa ginawa niya. Hindi naman lahat ng magcoconfess at magpopropose ay dapat sagutin ng oo. Pero hindi naman niya kailangang pahiyain ang taong yun sa harapan ng maraming tao.

Alam ko ring walang gusto si Aurora sa mga suitors niya. Sinabihan na niya ang mga ito noon pa na wala silang pag-asa sa kanya. Pero ang iba sa mga ito ay patuloy pa rin sa panliligaw kahit na iniiwasan sila ni Aurora. Umaasang mapansin sila at magustuhan

Nagbago siya. Yan ang masasabi ko sa kanya. Noon ay napakabuti niya at friendly. Lahat ng bumati sa kanya ay binabati rin niya. Matulungin siya sa ibang tao. Kahit nahihirapan siya, basta't alam niyang may magagawa pa siya, hindi siya susuko at tutulungan ka niya hanggang sa magtagumpay ka. Mapagmahal rin siyang tao. Madaling magtiwala. To the point na niloko siya ng ex-boyfriend niya.

Nung araw niyon ay sobra akong nag-alala sa kanya. Tumawag ang mama niya sa akin at nagtanong kung nasa bahay ba namin si Aurora. Pero hind ko pa nakikita si Aurora sa araw na iyon. Ang pagkakaalam ko ay pumunta siya sa bahay ng kanyang nobyo niya para surpresahin ito. Pero siya pa daw ang nasurpresa.

Nakita niya kasi itong may kahalikang ibang babae sa condo unit nito. Nakita pa raw siya ng nobyo niya pero patuloy lang ito sa ginagawa kahit nasa harap na siya. Kaya dahil sa galit at sakit na nadarama, sinabunutan daw niya ang buhok ng babae at sinampal sampal ito. At sa halip na siya ang kampihan ng nobyo, ipinagtanggol pa nito ang babae at galit na humarap sa kanya.

Sinabi nito sa kanyang plain daw siya. Walang thrill kung kasama. At masyadong tanga. Hindi daw siya ang klase ng babae na dapat seryosohin at mahalin dahil pampalipas oras lang siya.

Sinampal niya ito ng maraming beses. Hindi naman gumanti ang nobyo niya at pagkatapos ay umalis na siya sa condo unit na umiiyak.

Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa makatulugan na niya iyon. Inuwi ko siya sa bahay nila at nagpasalamat naman ang mga magulang niya. Pero kinabukasan, doon na nagsimulang di ko na makita ang dating Aurora. Dahil nagbago na siya.

Tinanong ko siya kung bakit ganoon na siya. Pero ang sagot niya sa akin ay, "Nothing lasts forever. Walang bagay na nanatili dahil lahat, nagbabago. Isipin mo na lang na isa ako sa mga iyon."

Hindi ko na siya tinanong pa tungkol doon. Marahil dahil sa sakit kaya siya nagbago. Sobrang sakit na ayaw na niyang maranasan pa kaya binago niya ang sarili niya.

Gusto kong bugbugin ang gagong yun! Gusto ko siyang suntukin nang suntukin hanggang sa malagutan siya ng hininga. Pero alam kong masasaktan si Aurora.

Masakit din para sa akin ang nangyari sa kanya. Kaibigan niya ako, pero walang magawa. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya. Nasasaktan ako dahil hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Nasasaktan ako dahil hindi ko magawang ipakita sa kaniyang mahal ko siya. At nasasaktan ako dahil nangyari ito sa kanya.

Iniwaksi ko sa utak ko ang mga naisip ko. Mahaba yata ang pag-iisip ko kanina dahil hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa aming silid.

Umupo ako sa tabi niya. Tiningnan ko kung anong ginagawa niya. Nakatingin lang siya sa harapan. Bagamat sa harapan siya nakatingin, masasabi kong lumilipad ang isip niya sa malayo.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa mesa at pinisil iyon ng marahan dahilan para mabaling ang atensiyon niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at gumanti naman siya ng matipid na ngiti. Tumingin ulit siya sa harapan.

" Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko, Arthur." biglaan niyang sabi kaya napalingon ulit ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa harapan. " Binago ko ang sarili ko dahil sa ginawa niya. Mahal ko siya, Arthur, pero niloko niya lang ako. Pero ayoko na. Akala ko kapag binago ko ang sarili ko, mawawala yung sakit. Pero hindi pala. Sa tuwing nakikita ko siya kasama yung ipinalit niya sa akin, nasasaktan pa rin ako." umiiyak na siya habang sinasabi yan. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko habang nakikita siyang umiiyak. Kaya niyakap ko siya. At sa ginawa kong iyon, mas lalo pa siyang umiyak.

" Stop crying. He doesn't deserve your tears." pinahid ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nasa classroom kaya malaya siyang ilabas lahat ng saloobin niya.

"Arthur, I want to forget him. I want start over again. Please help me." pagmamakaawa niya.

" Oo, Aurora. I will help you. And I will never leave you. Kahit iwan ka na ng lahat ng tao, ako, mananatili lang sa tabi mo." sabi ko sa mahinang boses, sapat lang para marinig niya. Tumango lang siya bilang pagtugon.

" I love you, Aurora. More than anything else." pagtatapat ko. Naghintay ako ng reaksiyon mula sa kanya, pero wala. Tiningnan ko siya pero nakatulog na pala. Napangiti na lang ako at bumuntung hininga. Kailan mo kaya malalaman ang tunay kong nararamdaman?

Nanatili lang kami sa ganoong sitwasyon. Mayamaya, napagdesisyonan kong lumiban na lang muna sa klase para masamahan ko siya.

Binuhat ko na siya at nagpuntang parking lot. Binuksan ko ang car door sa likod saka ko siya pinahiga doon. Iniuwi ko siya sa bahay nila. Nagtaka pa nga ang mga maid kung bakit inuwi ko siya nang ganito kaaga. Wala din dito ang parents niya dahil nagtatrabaho.

Umakyat ako ng hagdan at tinungo ang pinakadulo nun kung saan makikita ang kwarto niya na tanging may naiibang kulay ng pintuan. Nang mabuksan ko na ay inihiga ko na siya sa kama niya. Hindi naman ako nahirapang buhatin siya dahil gumaan siya konti di tulad noon. Nagtawag ako ng maid para asikasuhin si Aurora.

Nang umalis na ang maid ay umupo na lamang ako sa isang sofa na naroroon. Hihintayin ko siyang gumising para ayaing mamasyal. At di ko namalayan, sa kakahintay, nakaidlip na pala ako.

Nang magising naman ako ay madilim na. Alasais na pala ng gabi. Ang haba pala ng itinulog ko. Tinanaw ko ang kama ni Aurora pero wala na siya roon. Marahil gising na at nasa labas.

Lumabas na rin ako at nadatnan ko silang pamilya sa hapagkainan. Inaya nila akong kumain, pero tumanggi na ako. Kailangan kong umuwi agad dahil may gagawin pa ako.

Nagpasalamat muna ako sa kanila saka ako lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng kotse at habang nasa biyahe, di ko mapigilang maisip ang pag-uusap namin kaninang umaga. Kahit pala ganoon na ang pakikitungo niya sa iba, hindi pa rin pala nawawala ang dating Aurora.

Ngayon, kailangan kong iparamdam sa kanya na espesyal siya. Na hindi siya isang klase ng babaeng hindi dapat seryosohin at mahalin. Nagkataon lang talagang napunta siya sa isang gagong lalaki na iyon.

Naipagtapat ko pa sa kanyang mahal ko siya. Kaso, hindi naman niya narinig. Bayaan na, ipaparamdam at ipapakita ko na lang sa kanya iyon.

Masaya akong binaybay ang daan at nang marating ko na ang bahay, agad kong ginawa ang mga dapat gawin saka ako mahimbing na natulog.

Kinaumagahan, maaga akong gumising. May dadaanan pa kasi ako. Ginawa ko na ang dapat gawin. Nang matapos ay umalis na ng bahay gamit ang sasakyan ko. Dumaan ako sa isang flower shop. Bumili ako ng favorite niyang bulaklak. Naalala ko kasi nung tinanong ko siya kung anong paborito niyang bulaklak. Ang sabi niya, m pink roses daw dahil para dawng inosente ang dating sa kanya. Binilhan ko rin siya ng chocolates dahil gusto niya rin ang mga matatamis na pagkain.

Pagkatapos kong bumili ay agad na akong umalis papuntang paaralan.

Mabuti na lang at ugali ni Aurora ang pumasok ng maaga. Nadatnan ko siyang nagsusulat sa notebook niya na mag-isa sa loob ng room. Kami pa palang dalawa ang nandito. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Hindi niya pa ako napapansin dahil nakatuon lang ang atensiyon niya sa sinusulat niya. Ibinaba ko ang bulaklak upang matigil siya sa ginagawa niya. At hindi naman ako nabigo dahil inangat niya ang paningin niya sa akin.

" Good morning, Aurora!" masiglang bati ko. "Bulaklak pala para sa iyo saka ito, chocolates." dagdag ko pa.

Sumilay ang maganda niyang ngiti at tinanggap ang mga iyon. " Good morning rin, Arthur. Thank you for the flowers and chocolates." bago man sa pakiramdam pero kinilig ako sa sinabi niya.

Lumipas pa ang mga araw. At masasabi kong unti unti na rin siyang bumabalik sa dati. Pero sa tuwing napupunta ang usapan sa dati niyang nobyo ay hindi niya pa rin maiwasang matahimik at masaktan. Kaya iniiba ko na lang ang usapan.

Gusto ko ng magtapat sa kanya. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Hihintayin ko munang makamove-on siya dahil baka maging isang panibagong isipin pa ako sa kanya.

Minsan nga ay nagbibiruan kami. Nagsasabi sa isa't isa ng " I love you. Maaring sa kanya ay biruan lang yun. Pero para sa akin, totoo. Hindi man niya paniwalaan dahil sa dating ng pananalita ko na pawang nagbibiro lang, pero sa loob loob ko, totoo lahat yun.

Hanggang sa isang araw, may isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa classroom namin sa oras na ng uwian. Alam kong nagulat siya maski ako. Sumiklab ang galit ko pero pinigilan ko lang dahil nandito ang mahal ko. Tiningnan ko si Aurora. Sinusubukan kong tingnan kung ano ang gagawin niya. At muli akong nagulat nang ngumiti siya dito at lumapit.

Parang sinasaksak ng libolibong kutsiyo ang puso ko. Akala ko, nakalimutan na niya siya. Pero mali ako dahil akala ko lang yun.

"Aurora, pwede ba kitang kausapin?" sabi ng ex-boyfriend niyang si Alden. Anong ipinunta nito dito? Para na naman saktan si Aurora? Para ipamukha sa kanyang wala siyang thrill kasama? Na hindi siya dapat seryoshin?

" Okay." sagot ni Aurora. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay ni Aurora. Nagpapahiwatig na ayaw ko siyang sumama sa kanya. Lumingon siya sakin at ngumiti lang.

" Okay lang ako, Arthur." paniniguro niya dahil alam niyang nag-aalala ako sa kanya. Wala na akong nagawa kaya binitiwan ko na ang kamay niya. Tumalikod na sila pareho at pumunta sa field ng school.

Naiwan ako sa room na nasasaktan. Wala akong magawa para makuha si Aurora mula sa lalaking iyon. Dahil siya na mismo ang pumili sa kanya. Nasasaktan ako dahil hanggang kaibigan na lang ulit ako.

Hindi ko mapigilang usisain ang pag-uusap nila. Kaya sumunod ako sa kanilang dalawa. Kahit alam kong lalo lang akong masasaktan. Nang marating ko na ang field, nagtago ako sa isang puno malapit sa kanila. Sapat na para marinig ang pag-uusap nila.

" I'm sorry, Aurora. I'm so sorry." panimula ni Alden. So ngayon nanghihingi siya ng sorry? Kung hindi niya sana sinaktan si Aurora noon pa!

" Pinatawad na kita, Alden. Hindi kita kayang kamuhian nang dahil sa ginawa mo." ang sakit marinig ang mga iyon. Hindi man niya diretsahin pero para na rin niyang sinabi ditong mahal pa niya ito kung kaya't pinatawad niya agad ito.

Ngumiti si Alden. " I'm asking for another chance. Please babe, pinagsisisihan kong niloko at sinaktan kita. Noong mga panahon na hindi kita kasama, para akong mababaliw sa kaiisip sa'yo. Huli na ng marealize kong mahal pala kita dahil nasaktan na kita. I'm sorry for what I did. Gagawin ko lahat ng sasabihin mo. Kung kinakailangang manligaw ulit ako, sige, gagawin ko yun. Magbabago na ako. Just accept me again. Just tell me you love me. I promise, babe, I will do everything." nagmamakawang litanya ni Alden. Gusto ko siyang sugurin ngayon na. Wala siyang karapatang humingi ng second chance!

Lumuhod si Alden sa harapan ni Aurora at hinawakan nito ang kamay niya. Hindi nagpumiglas si Aurora kaya mas lalo kong nararamdaman ang kabiguan ko. Umiiyak na rin si Alden. Hindi pa rin nagsasalita si Aurora. Nakayuko at nakatingin lang siya kay Alden.

'Huwag kang tumingin sa kanya. Huwag mo siyang bigyan pa ng pagkakataon na lokohin ka pa uli. Huwag mong sabihing mahal mo siya. Huwag, Aurora.' gusto kong isigaw ang mga sinasabi ng isip ko. Pero wala akong lakas ng loob. Napakaduwag ko. Hindi ko magawang ipaglaban ang nararamdaman ko.

' Dahil alam mo sa sarili mong wala ka nang pag-asa sa simula pa lang.'

Nanghina ako sa naisip ko. Ang sakit! Ang sakit makitang nasa harapan mo silang dalawa at magkasama. Gusto kong umiyak, pero mata ko na mismo ang pumipigil na tumulo ang luha ko.

" Mahal din kita, Alden." wika ni Aurora. Doon na tumulo ang mga luha ko. Alam kong mahal pa niya si Alden. Pero ang sakit palang marinig sa kaniya mismo.

Nagliwanag ang mukha ni Alden dahil sa sinabi ni Aurora, kabaliktaran ng akin. Ayoko nang makinig. Lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. Lalakad na sana ako pero...

" Noon." dagdag na sabi ni Aurora na naging dahilan para matigil ako sa gagawin kong pag-alis. Anong ibig niyang sabihin? Napilitan akong humarap muli sa kanila. " I loved you, Alden. Nasaktan ako dahil sa ginawa mo dahil mahal pa kita noon. Hindi naman iyon mapipigilan. Parte ng pagmamahal ang masaktan. Paraan rin ito para matuto tayo. Yun ang masasabi ko. Natuto ako nang dahil sa ginawa mo. Masakit man dahil naranasan ko ang bagay na iyon, pero nagpapasalamat na rin ako sa ginawa mo dahil hindi ako magiging ako ngayon kundi dahil sa ginawa mo." dagdag pa niya. Hindi na niya mahal si Alden? Paano? Ano bang nangyayari? Nalilito ako sa mga sinasabi ni Aurora.

" Aurora, please, I know you still love me. Ginagawa mo lang ito dahil nasasaktan ka pa. Ito na nga oh, nandito na ako. I'm begging, come back to me. You are my everything." umiiyak na talaga si Alden.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Batid kong tunay nga ang mga sinasabi niya.Pero hindi ito nararapat. Sinaktan niya ang babaeng mahal ko.

Lumuhod na rin si Aurora para magkapanty silang dalawa. " Nothing lasts forever, Alden. Maaaring mahal kita noon, pero noon na yun, hindi na ngayon. Walang bagay na nananatili parati. Lahat nagbabago. Tulad ng nararamdaman ko para sa iyo. Sana maintindihan mo." tumayo na siya pagkatapos sabihin iyon at akmang aalis na.

" Sabihin mo, may mahal ka na bang iba?" tanong ni Alden na nagpatigil sa aming dalawa ni Aurora. Kita ko ang gulat sa mukha ni Aurora pero mayamaya lang ay ngumiti siya.

" Oo, may mahal na akong iba." tumango pa siya habang binibigkas iyon. Kung ganun, hindi lang pala si Alden ang kaagaw ko kay Aurora. May isa pa, at mahal pa niya.

" Sino siya, Aurora?"

" Siya? Siya yung taong laging nandiyan nung iniwan mo ako. Siya yung laging nagpapasaya sa kin sa tuwing nalulungkot ako at nasasaktan. Siya yung naging sandalan ko nung wala na akong makakapitan. Siya yung dahilan kung bakit ako bumalik sa dati. Ipinakita at ipinaramdam niya sa akin na espesyal akong tao. Siya yung dahilan kung bakit nagawa kong harapin ka ngayon. Dahil alam kong yung puso kong dati ay nasa iyo, ay nasa kanya na. Dahil sa kanya, hindi ako natakot na kausapin ka. Maraming bagay na siyang nagawa para sa akin. Iibahin ko ang sinabi ko sa'yo kanina. May isang bagay na alam kong hindi na magbabago pa kahit dumaan pa ang ilang taon. Yun ay ang pagmamahal ko sa kanya." Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Kakaiba sa pakiramdam. Hindi ako ang taong yun pero may nagsasabi sa akin na ako yun. Bagay na sana ay totoo nga.

" Si Arthur ba? Sabihin mo, si Arthur ba?" tanong ulit ni Alden.

" Oo." matapos sabihin iyon ay lumakad na siya paalis at iniwan si Alden na nakaluhod pa rin. Natigilan ako sa sinabi niya. Si Arthur ang mahal niya. Ako yun diba? Ako yun!

Hindi ko namalayan, sinundan ko na pala si Aurora at niyakap siya sa likod. Sobrang higpit na para bang ayaw ko nang bitiwan pa siya. Bagamat nabigla sa pagyakap ko, gumanti naman siya nang mapagtantong ako ang yumakap sa kanya.

" Aurora... I love you." bulong ko sa tenga niya. Natigilan siya sa sinabi ko. " Hindi ko alam kung saan nagsimula basta narealize ko na lang na mahal na pala kita. Pero nahuli ako, sinagot mo na si Alden noon. Ang sakit makitang masaya ka sa piling ng iba. Pero tiniis ko yun. Hindi kita iniwan dahil alam kong kailangan mo ako kahit kaibigan lang. Noong iniwan ka niya, gusto ko siyang bugbugin dahil yung babaeng pinapangarap ko, sinaktan lang niya. Noong mga panahon na gusto mo na siyang kalimutan, ginawa ko lahat, para maramdaman mong mahal kita at espesyal kang tao para sa akin. Sabi ko sa sarili ko na ito na yung panahon para magawa ko yung mga bagay na dapat noon ko pa ginawa. Akala ko nga, siya pa rin ang mahal mo. Aurora... I love you." naiiyak ako sa mga sinabi ko. Bakla mang masasabi pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Humiwalay siya sa yakap ko at hinarap ako. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi ako magsasawang tingnan siya.

" Salamat. Salamat dahil hindi mo ako iniwan. Salamat dahil ikaw yung bumago sa buhay ko. Ikaw yung parating nandiyan, noon pa man, para ipagtanggol ako sa ibang tao. Akala ko, mahal kita bilang kaibigan lang, pero higit pa pala doon. Higit pa sa pagmamahal ko kay Alden." hinawakan niya ang mukha ko. Ngumiti ako sa kanya. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko dahil mahal namin ng isa't isa. " Nothing lasts forever, Arthur, except my love for you. I know it's for eternity."

" Matagal na kitang pinapangarap, Aurora. At ngayong akin ka na, hindi na kita hahayaang mawala pa sa akin. Nothing lasts forever. Then can I be your nothing?"

Ngumiti siya at tumango. " You are my sweet nothing." tumulo yung luha niya habang sinasabi sa akin yan. Pinunasan ko agad dahil ayoko siyang makitang umiiyak.

" I love you, Aurora."

" I love you, too, Arthur."

After that, we sealed our forever with a kiss.