"Literaturang Filipino"

Literaturang Filipino: Ang aking Simpleng Pangarap

Ang ibig sabihin ng Pangarap ay kung ano daw ang hinihiling ng iyong puso ay iyon rin ang iyong pangarap. Masasabi natin na totoo ito dahil hindi naman tayo mangagarap kung hindi talaga natin gusto. Ang mga totooong pangarap natin ay gustong-gusto natin matupad dahil ito ang magpapasaya ng sobra sa atin.

Noong bata palang ako, marami akong gustong maabot dahil ako ay isang batang kahit bituin ay susungkitin. Galing ako sa malaking pamilyang masayahin at nagdadamayan. Pero nang ako ay nagkaroon ng anak na walang ama, ang gusto ko nalang ay mamuhay ng simpleng buhay tulad nang magkaroon ng isang sariling pamilyang buo para sa aking anak na labing walong taong gulang ngayon. Dahil sa aking katangahan , naloko ako sa isang lalaking walang plano at kasiguraduhan. Natuto akong bumangon para sa aking anak at sa mga taong naniniwala parin sa akin. Ang Panginoon ang naging sandigan sa pagsubok na akala ko ay hindi ko malampasan. Dahil kung isasalig natin ang mga ito sa mga alituntunin ng ating Panginoon kabilang ang pananampalataya, panalangin, pagsisisi, pagpapatawad, paggalang, pagmamahalan, awa, gawa, at mga kapaki-pakinabang na gawaing panlibangan, ang aking pinapangarap na pamilya ay magkakaroon ng kapayapaan at malaking kagalakan .

Ngayon
image.png
Pinagmulang ng Litrato

Dahil sa hindi ko pagsuko at pagiging determinado, ako ngayon ay isang propesyonal at mayroong sariling negosyo na isa sa aking pinapangarap noon. Sa ngayon abot kamay ko na at ninanamnam ang tagumpay sa aking mga kamay.

Sa gitna ng tagumpay at kaligayahan, may kulang parin sa aking buhay. At ito ang aking pangarap, ang makatagpo ng lalaking magbibigay nang pagmamahal na walang hanggan. Yung lalaking hindi ka iiwan at tatanggapin ang aking anak na walang labis at walang kulang. Ang lalaking pupuno sa pagkukulang nang lalaking iniwan ako at ang anak ko.
Kailan man hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil ako ay isang taong positibo ang pananaw sa buhay. Naniniwala ako ang lahat ng ito ay may mga dahilan at yan ang hindi ko inaalam.

ANG AKING PANGARAP-HINAHARAP
image.png
Pinagmulan ng Litrato

At ito ang simpleng pangarap ko at nang aking anak, ang magkaroon nang kumpletong pamilya na may matatawag na AMA, INA at ANAK. Hindi man perpekto pero buong-buo.

Sort:  

napakaganda kabayan! ",

salamat kabayan.

Nice poem.
Steem On!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

Yes I will @steemgigger. Still working on it for @surpassinggoogle as my @teardrops testimony.