Nasaan na ang mga libro?

in #nbs22 days ago

Nuong high school ako, happiness ko talaga ang pumunta sa isang bookstore. Oo, totoo ito, nagiipon ako ng pera para kapag minsan isama ako ng magulang ko sa pamimili sa Divisoria ay dumaan kami sa isang stall ng National Bookstore para makabili ako ng mga libro sa paborito kong mga paksa. Ano kamong tema ng mga libro ko? Mistisismo, paranormal at patungkol sa relihiyon.

Ngayon, kahit may pambili na ako ng mga aklat na ganito, nakakalungkot na naging tindahan na lamang ng school and office supplies ang NBS. Kumonti na lang talaga ang mga nagbabasa ng pisikal na libro, at lahat ay nasa internet na.

Ikaw, katulad din ba kita?

Sort:  

Tama boss pero meron na tayo bago medium Youtube puwede na tayo makinig nalang.

At times, I doubt the authenticity and legitimacy of vlogger and content creator online. Kahit papano old schooled pa rin ako.

Nakikibasa po ng Pugad Baboy sa gilid. 😆 Ginagawang library yung bookstore at kapag lumapit na yung staff aalis na ako.

Kay Bong Ong na book yata yung huling aklat na nabili ko sa NBS.

Bob Ong pala 😅

Sa ngayon mas nagbibili nalang ako ng digital na kopya ng libro o kaya naman ay downloaded sa https://oceanofpdf.com/ kasi sa totoo lang napaka mahal nila. ( Given naman talaga na dapat mahal ang libro kasi naman diba brainchild nung author yun at di biro ang mag publish ng isang libro ang daming proseso.)

Pag nadaan ako sa NBS madalas pang arts and crafts nalang, tingin ng libro about self help, fiction, tapos mga random finds lang din.

Gusto ko yung era na sagana pa ang mga maiiksing kwento na limbag, iyan pa naman ang inspirasyon ko sa mga sulatin ko magpasa hanggang ngayon.

Old school pa rin ako 👨‍🏫