"Ang Paborito kong Alaala" - Mga kwento mula sa munting basaysay sa dahilig"

in #paboritongalaala6 years ago (edited)

Simple laang ang buhay sa probinsya, kakarapot man ang dukwang ng teknolohiya ay hindi parin maitatago sa aming kakarapot na umis ang ligayang hatid tuwing umuuwi ng basaysay ang aking ama.


Parine na kayo utoy, ineng! pauwi na ang inyong ama!!

Yan ang usal ng aming ina sa tuwing sasapit ang ala sais ng gabi, Bakit kamo? dahil darating na ang tatay mula sa trabaho at kung sino mang aabutang nasa labas paglubog ng araw ay tiyak na maaasbaran. Ang aking ama ay nagdiwang ng kanyang ika animnapu't isang kaarawan kamakailan lamang at aking hindi malilimutang ala-ala ay nung kami'y mga bata pa at nakatira sa maliit na basaysay malapit sa dahilig.(ngayon medyo sosyal na dahil lumaki na ang basaysay gawa nung retirement ng itay)

Ala! ang itay pagkakaraming uwing sintunes eh!! Yaan ang madalas nyang pasalubong. Napakasaya nung kami ay bata kalong kalong kami ng aming ama habang ang inay ay nagluluto ng hapunan. Dahil sa madalas ang brown-out nung panahon ni Ramos bibihira kaming nakakapanood ng TV habang yaon ay tinuturuan laang kami ng itay sa aming mga aralin kaya naman kaming magkakapatid ay nung hindi pa nakakapagaral ay marunong nang mag aritmitik, magbasa, at sumulat. Ang pinakapaborito kong oras ay yung pagkatapos namin kumain, Eh, anu pa nga ba? it's joke time! Nasa baba nare ang iilan sa mga hindi ko makakalikdan na ala-ala, ang mga kwento ng aking ama.

Bumisita ang poon sa simbahan ng batangas at dahil unang beses nyang malalapitan ang Nazareno ay sugod si tano pa-ilaya at agad siyang nagbigay pugay dine. Humalik ang ulaga sa pa-a nang poon at dahil nga sya'y mamaas-maas nadulas ang luko at napasungasob sya sa pa-a neto.

Tano : Ala sang luko naman pala nareng poon na a-re, ako'y nagbibigay galang laang ay naninipa pa(pasigaw na sambit ni Tano). Tay ka laang diyan at makikita mo, babalik ako!!

pagdating sa bahay

Tano : Itay!! Ta sa ilaya, sinipa ako ng poong Nazareno. Tingnan mo dugo areng nguso ko!
Tatay : Yung poon? Sandali laang at ako'y maggagayak.(kinuha ng kanyang ama ang gulok)

Pagdating sa simbahan, lingid sa kanilang kaalaman ay nakita ng sakristan ang pagwawala ni Tano kea itinabi nya ang poon at pinalitan ng maliit.

Tano : Narine laang ho iyon itay. Ala, ay nawala eh!! Mali-it na ho ang narine
Tatay : (hinugot ang itak at lumapit sa maliit na poong Nazareno) Utoy, Nasaan? NASAAN ANG IYONG AMA!!(Ala, ay tinanong ang rebulto eh, alam nyo na kanino nagmana si Tano)

Pulis ang aking itay, etong isang kwento nya ay tungkol sa kanya nung siya ay namamaril ng dalag sa ilog.

Pagsasaysay: Alam ninyo mga anak, nung linggo ay ako'y namaril ng dalag diyan sa sapa. Aba'y may umahong isa, binaril ko, sapol!! Edi ako'y natu-wa. May umahon nanamang isa, binaril ko ulit, sapul!! Ay di ang tu-wa ko ulit. Umahon ulit ang isa binaril ko nanaman, sapul!! Ala eh tig iisa na kayo ng mga kapatid mo. Kaso'y maliliit, kulang sa ating lima ere. Akalain nyo gang may umahon na limang ka-lalaki ay iisa na ang bala ng baril ko.

Ako : Edi isa laang ang binaril mo tay?
Tatay : Uo sana, nakatutok na nga ako ee.
Ako : Eh anu hong nangyari?
Tatay : Mantakin mo ga namang naglapitan sa akin ung dalag sabi eh. "Suko na ho kami, hindi naman kayo namintis eh!!" edi tayo'y maraming ulam.

kawalanghiya rin namang kausap ng matandang iyon, hahaha

At bukod diyan ay marami pang masasayang kwentong aking hinding hindi malilimutan mula sa aking ama. Ngay-on ay nagku-kwento parin naman siya pag kami ay nagiinom sa basaysay. Sana ako'y magkaroon na nang pagkakataon makau-wi ng Pilipinas at ng makaututang dila ko na ulit ang magandang lalaki kong ama. (pero mas magandang lalaki ako).

Yun lamang po, at maraming salamat kay kakang romana(@romeskie) sa patimpalak na are. Ako po'y labis na natu-wa sa pagsusulat ng aking ala-ala, mga ala-ala na aking babaunin hanggang sa aking pagtanda. Maraming salamat at binabati kita sa iyong ika-isangdaang araw dine sa steemit. Hapi berdey!


Have you voted a Witness? Please do add @curie, @paulag and the @steemcleaners (@Patrice, @pjau & @GuiltyParties) Team on your Witness List.

Cast your votes here: https://steemit.com/~witnesses





Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by kendallron from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

alam mo ba ga Ka @kendallron master. Ang punto ninyo diyan sa Batangas ay nalalapit din sa punto dine sa Rizal. Gawa ng iyong panulat ako ay nauuduyukan na buhayin muli ang aming punto. Gayon pa maan ako'y tuwang -tuwa sa galak sa alaala ng iyong ama. Aba'y kaswerte mo at siya ganiyan. Di na ako nagtataka kung bakit ka pala ganire may pagmamanahan hane. O siya naupvote ko na ito eh nacomment pa.
Sana eh macurie mo rin ang gawa ko. Sigeh na master. Baka naman. O si-ya, ako ho ay matutulog na. Baka ako eh sakali pang lumaki.

wahahahaha anung hane? san galing ung salitang un??

isa iyang expression ng mga tagalog master. haha

Aba ga'y naparame aking tawa! Hahaha. Panalo si Tano! Hahaha. May pinagmanahan ka naman pala pinuno!

Maraming salamat sa pagsali! Pinahihirapan talaga natin si @tpkidkai mag hurado. Hahaha

ahahhaha... uo ang itay ay kainaman naman talga

Dame akung indi naintindihan. Ahihihi! Pero maganda pu ang naibahagi niyo. Naibigan ku ang kwento ng iyong ama.

panu mo naibigan kung hindi mo naintindihan? paki explain hahaha charot

Ang dami kong tawa. Dinig ko ang punto ihh. Haha.
Ka ulaga nga ni Tano. Magaling nga at nagdugo ang nguso.
Pero mas panalo ang mga dalag. 😅😄😂

hindi nila kinaya ang pagkaasintaddo sa pamamaril ng tatay ko te bwahahaha


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

wow, ang galing nmn.. this post just made me realize na mhirap tlga mgtagalog..😊