BUHAY NATIN PARANG SALAMIN

in #pilipinas6 years ago

BlogPostImage
Source: google

Buhay natin parang salamin,
Parte ng pang araw-araw na gawain,
Ngingiti ito kung ngingiti ka rin.
Pagkatapos makita ang sarili,
Sa isang saglit anyo ay nakalimutan din.

Ang salamin ay marupok at masilan,
Pag nabasag at ito ay nasira,
Ang ibalik sa dati ay mahirap na.
Tulad din ng tiwala may lamat na,
Ingatang mabuti para di ito masira.

Panlabas na anyo ang nakikita,
Ngunit di ang totoong pagkatao.
Pero kahit pilit na itong itatago,
Naaninag at nakikita din ng ibang tao,
Mabuti o masama ang ginagawa mo.

Bago ka pumuna at manghusga,
Harapin ang sariling salamin,
At sarili muna ang unang suriin.
Kung ano ang dapat baguhin at ayusin,
Upang makitang may pagkakamali at pagkukulang din.

Maraming salamat, hanggang sa muli

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound),

Sort:  

Ganda naman tula mo. hehehe