Pilipinas - Laging Kinukumpara?

in #poem6 years ago

Bakit ba palaging KINUKUMPARA,
Ang ating bansang Pilipinas sa iba?
Tayo ba ay mahihina,
at wala ba talang ibubuga?

images (9).jpeg
imagr source

Palaging sinasabi, " Pilipinas ay mababa ang sahod",
Kaya't Pilipino sa ibang bansa kumakayod,
Hindi niyo ba naisip na tayo ay may ipagmamalaki,
Ang ating kalikasan, magaganda't buhanging mapuputi.

images (10).jpeg

imagr source

Marami sana sa atin ang matatalino,
Pero ibang bansa ang nanginginabang nito,
Dahil nga ba sa sahod na ibinigay ng ating gobyerno,
Na di kayang tapatan ang talento ng Pilipino.

images (11).jpeg

image source

images.png

IMAGE SOURCE

Ang gusto kong iparating,
Ang nais kong sabihin,
Na sana ay ating tuparin,
Ang binitawang salayasay, " TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN".

images (12).jpeg

image source

Tayo ay ikinikumpara, kundi dahil sa ating mga gawa,
Iba walang disiplina,
Mismo kanyang basura, sa daan binitawan
Basurero pa ang kukuha at tatapon sa tamang lalagyan.

images (13).jpeg

image source

Wag sana nating laitin, ang Pilipinas- tanging bayan,
Sana ating tulungan at ngayon simulan,
Para naman sa ibang bansa imahe natin ay maganda,
Di dahil sa kalikasan pati narin sa ating disiplina.

images (14).jpeg

image source

Sa kabila meron tayong natatanging iba,
Pagiging pagkahalubilo sa ating mga bisita,
Pagtanggap sa kanila parang pamilya,
Natutunan natin sa kanunu-an pa.

images (15).jpeg

image source

Ako ay may bibitawang tanong?
Sa henerasyon ngayon, ano ang iyong kinabukasan?
Bansa mo bay sa iyo ikaw ay may pakialam?
Disiplina mo bay dapat at may ipapakinabang?
Laging tandaan Pilipinas ang tinaguriang Perlas ng Silinganan.

unnamed.png

image source