Sana(a tagalog word for hoping)

in #poem5 years ago (edited)

Habang nakatingala sa kalangitan sa lilim ng gabi
May mga salita na sa aking isipan ay sumagi
Kaya kumuha ng papel at panulat
At ang mga salita ay binuo at isinulat

Sa pagbuo ng mga salita
At sa pagkatha ng tula
Ito ay tungkol sa isang dalaga
Na ngayon sa akin nagpapaligaya

Sa iyong matatamis na ngiti
Sa mga titig mong nakakapawi ng pighati
Ang damdamin ay hindi napigilan
At nahulog sayo ng tuluyan

Masaya naman ako nung hindi pa kita nakilala
Pero mas sumaya ang buhay ko ng dumating ka
Katulad ng tinapay sa mainit na kape
Sana ikaw nalang ang maging buwan sa madilim kong gabi.