'Para Kay Totoy' - a Filipino Poem

in #poetry6 years ago

image


Ang maging isang ina, Ay puno ng hiwaga
Minsan aligaga,Minsan naman ay balisa
Laging nangangailangan ng asawang dakila
Upang magampanan ng tama ang gawa


Kahit madalas masakit ang likod
Ngiti mula sa bata ay tunay na nkakahagod
Kahit maghapon pang kami ay kumayod
Yakap lang mula kay totoy, tanggal na ang aking pagod


Patawad aking anak, kung minsan sa’yo ay nayayamot,
Dala lamang siguro ng iyong pagkaMalikot,
Pag may dalaw pa utak ay baluktot
Kaya wag na wag ang kay nanay ay matatakot


Buong buhay ko hangad ko ay magkatitulo
Sa trabaho at pamilya ako ay iniidolo
Ngunit iba na, ng dumating ka Totoy Ko
Wala ng mahalaga pagkat ikaw ang buhay Ko.


Salamat po Diyos Ko sa Tiwalang binigay Mo
Ipinagkatiwala sa akin ang batang ito
Salamat din sa asawang pagmamahal ay totoo
Hiling ko na lang po kalusugan namin ay Gabayan Mo.




Have a great day everyone, Spread 💕💕💕

Steeming to the Moon,



Sort:  

Ganda Ng Tula mo, totoo Yan minsan di tayo naiintindihan Ng mga anak...

Posted using Partiko Android

Thank you po... hehehe sana mabasa to ng baby ko paglaki nya 😊😘

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Relate ako sa tula mo sis. Minsan talaga makulit at malikot ang mga bagets pero pag niyakap ka na at hinalikan nila, tanggal lahat ng pagod at yamot. ❤❤❤

Thank you sis... sila ang ating stress reliever...😊😊


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

Salamat po ng marami 😘