Word Poetry | Nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap

in #poetry6 years ago (edited)

23844499_374300019694977_3874921254199821718_n-01.jpeg

source

Nagising akong humihikbi at may luha sa mga mata ..
Pilit na inaalala ang pangyayari sa panaginip na ang tanging natatandaan ay kasama kita ..
Kasama nga ba talaga kita?
Kung gayon ay bakit ang pag tangis ang aking nadarama?

Oo nga pala .. naalala ko na ..
Sa pagkaka higa ay pilit kong kinalma ang sarili habang yakap ang unan ng napaka higpit ..
Idinilat ko ang pupungas pungas na mga mata.

Ibinaling ang paningin kung saan ay nais kitang makita ..
Sa dating pwesto mo na sa pag dilat ng mga mata ay matatagpuan kita ..
Sa tabi ko na mahimbing ang tulog at yayakapin ka ..

Ngunit kabaligtaran lamang ang natamasa ..
Tuluyan ng aagos ang luha at hindi na mapipigil pa ..
Habang ang nakaraan ay pilit na naaalala habang paulit ulit na tanong sa sarili ay "bakit?"
Bakit ang sakit?

Bakit nangyari ang mga bagay na ito?
Bakit ko piniling manatili kahit na alam kong sa huli ay kabiguan lamang ang matatamo?
Bakit kita piniling mahalin kahit na alam kong sa una palang ay talo na ako?

Bakit ang sakit na makitang ang taong hiniling ko na maging masaya ay nagiging masaya sa piling iba?

Bakit ang hirap tanggapin ng mga pagbabago ng mga bagay na nakasanayan na?

Mga tanong na pilit na hinanapan ng kasagutan .. ngunit luha lamang ang pumunan sa mga patlang ..

Hanggang ngayon ay umaasa parin ako .. hindi na sayo o sa pag asang may tayo .. kung hindi sa pag asang isang araw magigising ako .. gising na hindi lamang dahil sa dilat ang mga mata .. gising na mag babalik sa akin sa reyalidad ..

Mula sa napaka sakit na nakaraan .. na patuloy na nararamdaman sa kasalukuyan .. habang pala isipan parin kung ano ang nasa hinaharap..

Sort:  

Can you credit your photo please?

Hi @bayanihan na lagay ko na po ang source kung saan ko nakuha ang larawan. Pasensya na po at aking nakalimutan ilagay kanina pag post ko 😊

Congratulations @brianabarca! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!