Sa Mundo ng Kawalan

in #poetry5 years ago

2018-08-16 08.54.15 1.jpg
Madilim ang kalangitan
Nang aking mapakinggan
Ang ingay ng
Nakabibinging katahimikan;
Nasaan ako?
Iyon ang nasa sa aking isipan.

Ako’y ulilang musmos
Sadyang pinagkaitan
Ng lahat ng bagay
Sa aking kapaligiran;
Mahalaga ba ako?
Iyon ang hindi ko alam.

Munting silaw
Ang aking natitinigan,
Ngunit ito’y biglang
Lumisan ng tuluyan;
Bakit ganito?
Iyon ang sigaw at pinaghihinakitan.

Ilang saglit pa
Ang matuling dumaan,
Lumingon-lingon ako
At saka natigilan;
May kasama ba ako?
Iyon ang tanong ng sadyang iniwan.

Nagyeyelo
Ang nakangingilong hangin
Nang ito’y humaplos
Sa balat na sa akin;
Kailan pa ba ito?
Iyon ang tanong ng aking kainipan.

Sa aking pangungulila
Sadya kong nakapa,
Ang ganitong pakiramdam:
nahihimlay,
naiwan,
sa mundo ng kawalan.

Hello everyone! I just wanted to share this poem I wrote when I was in High School published under our news letter "Alon". I hope you enjoyed reading it. Thank you!