You’re Different (Iba ka!)

in #steemitfamilyph6 years ago (edited)

IMG_2206.jpg

      First of all, Bakit ko naisulat ang karumaldumal na artikulong ito? simple lang, dahil inaantok ako ngayon sa meeting namin. I must admit I have this habit of writing or drawing something pag nabobored. Ayan naka first and second sentence na ako at ngayon third na kagad. Wow! Madali palang magsulat. Akalain mo yon? Naka isang paragraph na ko! Finally, the finishing touches. Dadasalan ko lahat ng santo at santa para kahit isa may magbasa. Thank you ha. Isa ka sa katuparan ng dasal ko. 

      But wait, there’s more! lalagyan ko pa ‘to ng mga kasabihan para di ka magsisi for taking a little of your time reading this. English para intense tulad ng “Don’t judge the book by each other”, “It's never too late than never”  o kaya taglish para sosyal  basahin, “kapag may sinuksok, suksok pa more!" o yong luma para classic kunwari “kapag may tiyaga may nilaga, kapag may sinigang may..  hmmm.. may basang kili- kili? Ewwww!

      Mabalik  tayo sa pagsusulat. Minsan kasi natatakot ang ibang magsulat o kung magsulat man, natatakot silang isulat yong mismong gusto nila. Yong tipong napapangiti ka habang nagsusulat at napapangiti din readers mo pag nagbabasa ng posts mo. Naiisip siguro ng iba baka mali ang grammar, lame ang topic o baka walang magbabasa. Above all, walang mag a-upvote, magcocomment o magrere-esteemed. 

      If you’re having those thoughts, don’t let that stop you from writing or for writing what you want. Saka ka tumigil pag nag tatae na ballpen mo o kaya naman pag “not responding “ na naman laptop mo. Sige lang! sulat lang ng sulat kahit pa tungkol yan lahat sayo (From split ends to engrown).  Hindi mo naman siguro mapapalitan ang sun sa solar system sa sobrang pagkaself centered ng topic HA-HA. Hindi man matatalinhaga ang yong salita o maanghang ang iyong mga banat at pakiramdam mo ay kulang na kulang pa sa timpla ang yong gawa, kompletos rekados na yan as long as your masterpiece is something that you can link to someone else's life. Maraming magagaling na manunulat dyan pero di sumubok. May mga sumubok din naman pero kinain ng sistema ng iba. Pati sarili nila ipinagpalit na sa iba. Masokista. 

      Nong sumali ako sa steemit, na overwhelmed ako sa mabilis na kalakaran. Di ko alam gagawin. Magsusulat o magbabasa? Ang daming posts. May earnings din. Ginusto kong dumami earnings ko (Just kapitalista stuff ha-ha) pero ayokong magsulat para sa earnings. Gusto kong magsulat dahil mahal ko ang pagsusulat. Gaya ng pagmamahal ko kay crush. Achichi.. naisingit pa.

      Siguro nakalimutan mo nang ngumiti habang nagsusulat, siguro nakalimutan mo na malaya kang isulat ang gusto mong isulat nang hindi na jujudged o kinocorrect. Hindi mo kailangang maging trending para masabing magaling ka. Malay mo kaya baka di ka nagsusulat o nagti-trending ay dahil ang galing galing mo na. Over qualified! Nuxxx! Pitmalu! Hanggang dito lang muna article ko dahil ako na magpipresent. Basta magsulat ka maging sino ka man dahil you’re different (iba ka!)

IMG_2755.JPG

Sort:  

Effort sa pagscroll hahhaa! Tapos dumugo pa ilong ko sa Tagalog

Sorry sir I just succeeded in wasting your precious time then caused you Epistaxis hahaha ✌🏻✌🏻✌🏻 Thanks for reading btw :)

Di mo kailangan maging magaling para sa kanila tama

@wilramos tama po. Doing what you love :)

Love it.natuwa at nainspired ako sa post mo.walang hanggan din ang pag scroll ko hindi scroll down kundi scroll side hahaha IBANG IBA KA!Another lodi 😉

Hahaha sabi ni moira pashensya na... hehehe sorry napahaba grabe thank you @kimaben sa suporta samahan mo na din ng pagkain para masaya charot!