You are viewing a single comment's thread from:

RE: Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Unang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago

Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...

Red : Ako ang hurado na binibigyang-pansin ang daloy ng kwento. Mabilis ang pacing pero na-establish naman nang maayos ang setting at ang mga karakter. Ang inaakala ko na si Jazz ang magiging biktima ng mga katatakutan ay mali pala. Maganda ang pagiging unpredictable ng pangyayari at ang sakit ni lola din, gusto kong purihin ang pagkakadetalye at pagbanggit sa hallucination gawa ng sakit.

Pinkish : Ako naman ang mas pinupuna ko ay ang batuhan ng dayalogo at ang script. Dahil panatiko ako ng mga pelikulang katatakutan at fiction, madali akong maka-relate sa kanilang binibitawang mga salita. Napansin ko na hindi normal na mga salita ang ginamit ni Jazz sa kanyang mga dayalogo. Ang deskripsyon ko sa "hindi normal" ay iyong hindi mo maririnig na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw nilang conversation. Para sa akin, mahalagang sangkap sa pagsusulat ang pagiging akma ng dayalogo sa karakter na gusto mong idevelop o bigyan ng portrayal. Kailangan lang linisin, repasuhin at pag-inaman pa ang paggamit ng dayalogo. Hindi sa lahat ng oras ay kinakailangan may lalim.

Dark : Mas focus naman ako sa konteksto ng pagpapahayag at ang paggamit ng lenggwahe at balarila para sa ikagaganda ng kwento. Umaayon din ako sa sinabi ni Pinkish na ang dayalogo nga ay medyo naiiba. Napansin ko din ang madaming pagkakamali sa paggamit ng ilang mga salitang naglalarawan. At ang palaging sakit ng karamihan, ang ng at nang na nagiging conscious ang iba sa paggamit. May ilang mga salitang kulang at may ilang pagbabaybay na hindi mo mapapansing mali. Pero dahil doon nakatuon ang aking pansin, nakikita ko ang mga maliliit na bagay na iyon. Pero ang opinyon ko ay para din sa improvement pa ng sumulat nito.

Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng unang kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @oscargabat makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph

Sort:  

Wohhh! Nakalimutan kong mag exhale nung binabasa ko ang inyong mga komento mga lodi. Napabuntong hininga na lang ako nung mabasa kong pasado ang aking gawa. Salamat sa magagandang komento nyo mga lodi. Salamat din at matutulungan din ako upang makagawa ng iba pang magagandang kwento.