Kabata 1: Highschool life (Malate Catholic School)

in #untalented6 years ago (edited)

class-of-1956-with-mrs-saturnina-alonzo-care-of-olivia-limson-ventura.jpg


image source

Ang hirap pa lang ibigay kaagad ang tiwala sa isang tao na akala mo totoo pero di pala kayang manindigan.

center.png

Noong mga bata pa kami at kasalukuyang nag-aaral pa ng "highschool" sa hindi ko mapaliwanag na dahilan meron pala akong di alam na lihim na pagtingin na umaasa na papansinin ko. Wala siyang ibang tinitignan o pinagkakaabalahan kundi ang abangan ang pag-labas ko sa aming paaralan. Ang paaralang Malate Catholic School ang eskwelahan na aming pinapasukan. Aming eskwelahan ay isang prebadong institution na may lalaki at babaeing estudyante.

Ngunit ang mga lalakeng estudyante ay hiwalay sa mga babae. Nagkakasama lang sila pag nagkakaroon ng mga activities tulad ng intrams, field day at recollection.Sa medaling salita nagkakasama ang mga boys at girls sa ganitong okasyon. Tuwing intrams lagi akong nakukuhang muse sa aming paaralan. Kaya isa ako sa nagging matunog ang pangalan sa "boys department."

Maraming nakakakilala at pumapansin sa akin ngunit hindi ko kakilala. Marami din tumatawag sa pangalan ko bigla , napapalingon ako ngunit walang umamain kung isno, hindi nagpapakilala. Naiilang ako dahil madaming nakatingin na tila bang hinuhubaran nila ako sa tindi ng mga pagtingin.

May ilan-ilan na sumusubok na magpahiwatig ng kanilang paghanga. At bigla na lang may iaabot na sulat o bulaklak. sa mga pagkakataon na ganun nahihiya ako kasi maraming tao at studyanteng nakatingin Lalo nat hindi ko mga kakilala. Pero sa halip na supladahan nguningiti lang ako habang inaabot ang sulat ng may kasamang isang bulaklak na rosas. Tinanggap ko di dahil na gusto ang nagbigay para lang hindi hindi mapahiya. Habang papalapit na ako sa aming "schoolbus" kinakantsawan ako ng mga ka "schoolbus mates" ko at ng kapatid ko. Pero wala dedma lang ako.

Pagdating sa bahay nakita ng mommy ko na may hawak akong bulaklak di na siya nagtanong pero alam ko na malamang iniisip niya na may nangliligaw na sa akin. Kaya inunahaan ko na at sinabi "Mommy, saan ko ilalagay tong bulaklak, may vase ba tayo para ditto sa bulaklak" Ang sabi niya ilagay ko na lang sa altar at ganun ang ginawa ko at pumasok na ako sa kwarto. Pagdating ko sa kwarto doon ko na binasa ang sulat. Nakalagay sa sulat...

"Marie, Sana magustuhan mo ang bulaklak na ito tanda ng paghanga ko sayo."

Ngunit hindi siya nagpakilala kung sino. hindi ko naman sinasabi na wala akong crush o tinatanggi sa boys department syempre meron din noh. Kasa di lang ako nagpapahalata. Kaya lang sa sobrang gwapo niya ay marami akong karibal sa paghanga sa kanya. Pero hindi ako bulgar at nagpapahalata gusto ko siya. Pagnagkakasalubong kami at napatingin kami pareho dedma lang ako. Pero deep inside kinikilig na ako na halos puputok na ang dib dib ko sa tuwa. Pagdating ko sa bahay doon ako mapapangiti at magsusulat sa dairy ng lahat ng nararamdaman ko. Pero si Mon ang pinakamatiyagang nagkalakas ng loob na lapitan ako at magtanong kung pwede niya akong ligawan. Peroho kami ni Mon na pinaggalingan na pamilya. Anak kami pareho ng Militar. Pero ako sa Philippine Navay o Hukbong Dagat si Mon naman sa "Hukbong panghimpapawid" o Philippine Air Force.

Elemtarya palang ako at first year na ng Highschool ka batch niya ang isang nakakatanda kong kapatid. Simpleng tao lang si Mon ngunit matalino. Kaya lang si Mon ay tila ba torpe kung manligaw at pagkinakausap niya ako nininerbiyos at nanlalamig. Hay okay na sana kaso nga ang torpe. Nauunan ang nerbyos ka ang panliligaw niya ay umabot ng apat na taon. 4th year na siya at 3rd year naman ako nagugustuhan ko naman siya kasi sobrang bait at matalino. Kaya sa sobrang tiyaga niya may nilaga siya. Sinagot ko siya dahil nakakaawa na siya sa tagal niyang panliligaw. at next year wala na siya at hindi na kami magkikita at nagugustuhan ko na din kahit papano.

Naging masaya naman kami ni Mon. Maalaga siya at mapagmahal. Kaya lang ang nakakainis ay meron ding nagkakagusto sa kanya na higher batch na ka batch ng kapatid ko kaya napagutusan ako ng isang titse sa klase nila pinaparinggan nila ako at sinasabi "Michelle michelle nandito ang karibal mo,"

Gigil na gigil na gigil ako kaya si Mon ang pinagbugtungan ko ng galit. Inaway ko. Sabi ko "Pagsabihan mo yang admirer ko! Na huwag nila akong papahiyain! Telling me na ako pa ang nang agaw sa pagmamahal mo! kung gusto mo kayo na lang ang magsama!" Si Mon ay tahimik at nakikinig lang sa sinasabi ko. Sanabi niya na lamang na huwag ko na lang pansinin dahil alam ko naman daw kung ano ang totoo. Sabi ko "Oo nga pero pinahihiya nila ako eh! at ako tuloy ang nahihiya at nangliliit sa mga sinasabi nila" tumugon si Mon at nagsabi na "Okay para matapos na ito kakausapin ko sila" "Dapat lang!" yan ang ang tugon ko.

Kinausap ni Mon ang mga ka-batch mates niya at sinabi na tigilan na nila si Marie dahil ako talaga ang girlfriend nya....

Abangan ang susunod na kabanata.....
#phlippines #bayanihan

Sort:  

Wow ang ganda ng storya nyo po ma'am.. more story pa po!

True to life story yan mommy?

Upvoted but please use the tag #pilipinas for tagalog or any dialect post.

Ganda nmn po nyan ate

this deserve to get a higher upvote.

I am your Fan. . Im inspired by U..
Can U plz visit my blog and give me some tips?
I will be blessed if U follow me:) @elizah

Sayang maliit pa lang steem p ower ko hehehe

Pang teenage diary po@elizah siguradong base ito sa tunay na karanasan! Gagawin ko rin yung storya ng buhay ko at least pwede pa lang gumamit ng ating wikang pambasa. Salamat sa iyong pagbabahagi ng istorya at aabangan po namin ang kasunod na bahagi. Nawa'y pagpalain po kayo ng poong maykapal....!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by ankarlie from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

This post has received a 0.18 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.