Litrato ng aming kabataan
Sa aming pag-akyat sa entablado,
Dama namin kami ay suportado,
Kasabay nang pagkuha ng litrato,
Ay mga ngiti nyong walang tatalo.
Sa pagbigkas ng aming pangalan,
Tuwa ninyo'y walang mapaglagyan,
Malaman kami'y pararangalan,
Nang aming mahal na paaralan.
Sa lahat ng aming bawat tagumpay,
Ang natatangi naming pagpupugay,
Gintong Medalya sa inyo'y inaalay,
Salamat sa walang sawang patnubay.
Ito ang aking ikalawang subok sa paggawa ng tula para sa "Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition" na inorganisa ni Ginoong @jassennessaj.
Ay, gusto ko tong true-to-life, ate Anna. Ang larawan at tula ay tunay na selebrasyon ng tagumpay at pagsisikap. At syempre di dapat makalimutan ang pasasalamat sa ating mga ka-pamilya at kapuso 😊
Lubos po akong nagagalak at inyong naibigan ang aking maikling tula. Utang namin sa aming mga magulang ang bawat medalyang aming nakamit noong aming kabataan 😊😊😊
Maraming Salamat po @tagalogtrail! Mabuhay ka!