Building Credibility by Seantrepreneur

in #blog8 years ago

"Sir, paano ko po ba ma papa expand ang business ko?"
"Sir, gusto ko pong ilagay sa online ang business ko, ano po bang dapat kong gawin?"
"Sir, palagi po kasi akong nakakabasa ng mga na scam, natatakot po ako na baka masabihan din po ako, ano po bang ma aadvice niyo sa akin ngayong nagsisimula pa lamang po ako?"

Been reading and giving advises na sa mga ganitong messages sa inbox ko kaya naisipan kong i share ang isa sa natutunan ko mula sa aking mentor na isa sa mga Top Speaker sa kanyang industry, World Wide and studied the Social Dynamics na din.
Pero bago ang lahat, lilinawin ko lang ah. Di ako nag rerecruit or na popower power dito sa group. Kaya nga ako nag blog para mag turo hindi mag recruit eh.

Going back, ang sabi ng Mentor ko, dapat ma build mo ang sarili mo bago ka pagkatiwalaan ng tao. So nagtanong ako kung paano, at ang sabi niya "Build Credibility"

Naranasan mo na ba or narinig ang mga ito. "Ate pabili nga po ng COLGATE yung CLOSE UP." "Ate pabili nga po ng PAMPERS yung HUGGIES." "Ate pabili nga po ng REXONA yung NIVEA" at ang pinaka malupet since dati akong McDo Employee, tipong papasok ang bata sa store niyo at ang sasabihin "Mommy I want chicken joy!" Ang kulit di ba? Pero bakit nga ba ganun ang nangyayare?

Ladies and gentlemen and bisexuals, the moment kasi na nakapag build ka na ng credibility sa sarili at product mo mas madali kang pagkakatiwalaan ng tao at maalala ng tao. Parang kapag sinabi mong Apple, Steve Jobs agad yan. Kapag Microsoft, Bill Gates agad yan. Kapag Henry Sy, SM agad yan. Tama ba?

1.jpg

Now, paano ba ako makakapag build ng credibility.

Actually, kung mapapansin niyo sa wall ko ang daming information na nakalagay and that my friend is my credibility. Ilagay mo yung background mo, don't be shy or itago since nasa online ka at business online ang itatayo mo or ipapasok mo sa online ang business mo kasi alam mong 1B ang possible na market mo online dito pa lang sa FB. Tama ba? Business is like politics, you should be transparent or else be accused corrupt

So ano ano bang ilalagay mo sa profile mo?

  • Real name mo. Siyempre kapag ikaw bibili ng isang bagay dapat kilala mo pagbibilhan mo kung or kung saan siya nakatira, in short sigurista. Bakit? Eh kapag di ka sigurista at na scam ka, mag rarant ka, kapag tinanong ka, kilala mo ba yun? Hindi eh, kasi nagandahan lang ako sa product niya kasi mura kasi kesyo kung ano ano pa. Tama ba? Sa bank nga hinihingian ka ng I.D. bago ibigay ang pera mo, sa tao pa kaya? Siyempre dapat makilala mo din ang pag bibilhan mo and dapat makilala ka din ng mga customer mo. Kaya nga minsan na aamaze ako sa mga taong di nila tunay na pangalan gamit nila tapos eh ang galing makabenta. Just wow lang, pero nang yayare din yun tawag naman doon eh Mutual Trust. Kung baga bago pa siya pumasok sa online business may streams of Network of Prospects na siya (di pang networking to', kapag prospect, Netwoking agad?!) so ano ba yun? Yung mga K ng buhay niya, kaibigan, kakilala, kadugo, kaaway, na friends niya na bago pa siya nag FB. Now, para kasi ito sa beginner lang at may cold market kung baga mga di nila kilala.

  • Real info and picture. Pwedeng logo ng business mo or selfie mo sa maayos na lugar. Bakit? ikaw ba magtitiwala ka sa taong iisa lang ang profile picture sa buong buhay niya di man lang nag bago tapos sasabihin niya "Ang ganda ng business ko, marami pong nabili sa akin ganito ganyan." Hwag po kayong ma enganyo sa ganun kasi madaling mag block. Kapag napadala na ang pera, block na. Kaya dapat maging customer din kayo ng sarili niyo business para alam niyo i handle ang mga customers niyo. Sa mga doubts nila sa inyo, Mas okay na ilagay niyo sa profile niyo kung saan kayo nag wowork, saan kayo nag aral. Kung hindi naman po kayo nakapag tapos, ilagay niyo ang dream realistic school niyo. Tapos kapag tinanong ka, "Sir, graduate ka po ba dito sa ganitong school?' tell them na hindi pero may plan ka na mag aral kapag lumaki na ang business mo, at least in this way maipakita mo sa customer na ito ang purpose po sa business mo. Kaya kung mapapansin niyo ang wall ko ang daming nakalagay kasi yun naman po talaga ang background ko po talaga. Nilagay ko yun for credibility. Bakit? Kapag nag apply ka ba ng work, sino bang mas mataas i hire? Yung maraming experience or yung newbie? Di ba yung maraming experience. Pero minsan talaga badtrip sa fresh grad yung "Hiring with Experience." sarap sabihin na "I hire niyo muna ako para mag ka experience ako!?" ganun ba. Kaso I understand talaga ang mga fresh graduate sa mga pinag huhugutan nila minsan.

  • Lastly, your transactions, meet ups, and product re orders even the product itself. Online business is online tindahan din, dapat may product ka diyan na present. Kung nakakaumay edi create your own page or group na doon mo ibibigay ang update sa mga customers mo para maka build ka din ng loyal customers. Naging loyal customer ka na din minsan so alam mo kung sino ang mga dapat pagkatiwaalan, parang suki lang yan sa palengke. Yung mga transactions mo ang mahalaga kasi in this way, makikita mo na totoo talaga ang business niya. Nag rereceive at nagpapadala ng product. Mag post ka din ng mga positive quotes para yung mga tao na ayaw bumili sayo eh mapabili kasi na curious sa business mo kahit na nagtitinda ka pa ng leche flan online.

So far, always triple ingat pa din sa mga ganito. Mas okay na kumuha ng 2nd opinion sa experience ng ibang tao sa service ng business mo or business ng ibang tao para ma open mo kung saan ka dapat pa mag improve sa business mo. Tsaka hwag ka na ding tumulad sa akin na direct to the point may iba kasing customer na ayaw ng ganun, so medyo kalma ka pa din talaga kahit super kulit nila. Yun kasi bagsak ko eh sa Social Dynamics trainings ko, yung pagiging direct to the point ko. Kasawa kasi makipag bolahan, tatagal ang usapan. Kung bibili, edi bibili, kung hindi, edi thank you. Pero naka smile pa din ako.
Ito ay para lang naman sa wala pang idea po.

Sort:  

Ayos! I agree sa lahat ng points mo on building credibility. In a nutshell, transparency. Naalala ko tuloy yung news on China imposing real name rules over the internet. Lols.

Anywaaayyy. I'm a curator for the Bayanihan Curation Project, an ongoing project for the Filipino Steemit community. Dahil obvious namang Pinoy din kayo 😁, I invite you to use the tag #philippines for posts written in English and #pilipinas for posts written in any Filipino dialect. 😊 Also on this post, if possible. (Using those tags makes it easier for Bayanihan curators like me see your posts for curation.)

Good luck and welcome to Steemit! 😊

Thank you po. A newbie here.

Awesome! 😊 Para more exposure sa mga kababayansss. Lol.

At welcome po ulit sa steemit! 🎉😁

Congratulations @xaviour007! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!